Tuloy-tuloy ang pag-ulan. Na naging bagyo . . . na naging pagbaha . . . na naging dahilan kung bakit cancelled ang mga klase hanggang Thursday. Walang 'ya. Di pa tinodo hanggang Friday.
Buti at nag-announce na i-e-extend ng mga instructors and professors ang mga requirements, except for papers. Nakakainis nga, e. Bakit hindi extended ang mga paper submissions? E, ginagamit namin ang computer para mag-internet at mag-research? Pa'no kapag nag-brownout?
Well, that's just my sentiment. Ang iniisip ko lang e 'yung mga kaklase kong sobrang naapektuhan ng bagyo, hindi dahil tamad ako. Well, partly. I mean, masipag ako sa acads. It's just that . . . wala 'yung utak ko sa acads.
Nasa bagyo. 'Yung literal na bagyo. At 'yung bagyong ginambala ang tahimik kong buhay—si Harvey.
It has also been how many days since our last interaction. Kumusta kaya siya?
At bakit ba kasi ako nakikialam?
Iniisip ko 'tong mga 'to nang nakatanggap ako ng notif. Notifs, actually. May post si Desiree sa group sa Facebook, sa group sa Messenger, 'tapos meron din sa text. Meron din sa email at sa Viber.
Desiree
Guys, emergency GA tayo later. 5:30 pm. Please confirm in any means. Thanks sa lahat ng makakaattend!
"Ano'ng meron?" tanong ko kay Tiffany pagka-receive na pagka-receive ko ng message ni Desiree. E, 3:52 p.m. na n'on. For sure, marami ang uwing-uwi na, lalo't may mga tao na 4:00 p.m. ang tapos ng klase ng iba.
"Not sure, e," sagot ni Tiffany. Saktong dumating naman si Desiree na nakatingin sa phone. Ang alam ko, may class 'to ng four sa second floor ng building. Kaya itong si Tiffany, napasigaw, "Hoy, babae, di talaga uso na sa isang message na lang? I-Messenger mo na lang!"
"The more entries, the more chances of winning," dahilan ni Desiree na kalalapag lang ng bag sa table.
"More annoying din."
"Better annoyed kaysa di makarating ang message. At least, wala kayong maidadahilan na di n'yo natanggap."
Bigla kong naalala ang mga sunod-sunod na message sa phone ni Harvey. Naiinis akong iniisip ko siya, pero di ko maiwasang mag-alala.
"Anyway, see you later. Pupunta mga taga-AES later din."
Napalunod ako ng laway.
"Don't worry, Aelle, di kasama si Harvey."
"Buti naman."
Sinabi ko ang dalawang salitang iyon, pero for some reason, nanghina ako bigla . . . na parang ang gusto ko talaga ay makita si Harvey.
─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
In-announce sa emergency meeting na mapo-postpone ang fund-raising activity sa dulo ng buwan. Meaning, there are two more weeks to prep instead na one week na lang. Akala namin iyon lang nang biglang in-announce ni Eliza na gusto ng AES na gawing partner org din ang LALS, along with many others, sa isang outreach activity na ang focus ay ang pagbibigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo. Actually, in partnership ito sa isa pang bigating NGO. Mukhang may connection ang isang taga-AES.
Lahat naman ng taga-LALS agreed to it . . . until she said na ang mag-head ay si Harvey.
Biglang nagtinginan sa 'kin ang lahat, na parang nanghihingi ng approval. I mean . . . bakit mahahadlangan ng presence ni Harvey ang kagustuhan kong tumulong? My empathy for others precedes my self-interest.
BINABASA MO ANG
Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)
RomanceAng sabi ng mga tala, incompatible daw ang mga Scorpios at Aquarians. Pero kung mahal mo na, may magagawa ka pa ba? Si Aelle Malaya -- independent, matalino, spontaneous, at weird AF. Ang mga katangian niyang 'to ang napagpasiyahan niyang mangibabaw...