Chapter 11: Panggatong

259 22 5
                                    

Pagkatapos ng quiz bee, kung kailan nasa bahay na ako, nag-send ng group text si Desiree sa org. Text dahil hindi lahat e fan ng Facebook. At least everyone had their phone.


Desiree

Kung sinong available as early as 7 a.m., tulungan natin si Vicka para mag-segregate ng goods. Thank you and see you tomorrow!


Napaisip tuloy ako kung nagbigay ba ng extra ang sponsors dahil nagpa-pack naman na kami two days ago. Oh well, nag-confirm ako ng attendance at nag-set ng alarm ng five thirty ng umaga. Akala ko naman kasi . . . org lang namin ang pupunta.

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

By six, nakaalis na ako sa bahay. Sakto lang 'yon para makarating sa building nang saktong seven.

Siyempre, deretso na kaagad ako sa tambayan at hinanap ang mga goods na sinabi ni Desiree. Ayun, nakakita ako ng dalawang box sa ilalim ng table—isang puro instant noodles at iba pa, isa na halo-halong canned goods. Kung tama ang estimate ko, siguro for twenty families lang ito. Naghanap pa ako ng iba kasi akala ko sandamukal pa ang sasalubong sa akin, pero it turns out, iyon lang talaga ang boxes na nando'n.

Di naman kailangan ng maraming tao para dito, isip-isip ko. So bakit nag-text si Desiree addressed sa lahat para mag-meet nang ganito kaaga?

Medyo weird din na ako lang ang nando'n na on time. Marami akong orgmates na on time. Actually, may mga kakilala akong orgmates na mas maaga pa sa akin pumupunta. Naalarma ako na namali ako ng basa ng text, pero nang tiningnan ko ulit, tama naman.

Magte-text na sana ako kay Desiree para itanong kung bakit wala pang tao nang nakarinig ako ng yapak. Siyempre, napangiti ako. Akala ko, finally, may kasama na ako.

Pero pagtalikod ko . . . si Harvey pala.

Huminga ako nang malalim. Fuck. Ito 'yung moment na na-realize kong dapat nakita ko na 'tong pangse-setup ni Desiree from a mile away! Lagot ka talaga sa 'kin! isip-isip ko pa, but for now, I need an escape route. But realizing wala na akong escape route, ang magagawa ko na lang ay ang i-ignore siya . . . as always.

Ngumisi si Harvey, na parang alam niya 'yung plano at parte siya. For the second time today, huminga ulit ako nang malalim, or else baka may halimaw na lumabas mula sa 'kin. Nagkunwari na lang akong naghanap ng mga eco bag para paglalagyan ng mga goods. Sa totoo lang, alam ko namang mahihirapan ako gumalaw around him. Tensed ako, hindi dahil nandiyan siya kundi dahil nag-iisip na ako kung pa'no ko babawian si Desiree. Of course, di ko ipapakitang tensed ako. Kalmado lang, pero wala pa ring pakialam sa kanya.

"So . . . may nagsabi ba from LALS na dapat nandito na tayo by seven?" tanong niya the moment na tumapak siya area namin. "Nagulat ako last minute na nagbago ng call time."

Tumango lang ako. Hindi ko alam kung totoong wala siyang idea or nagkukunwariang painosente lang. Kung sasabihin ko kasi na mukhang na-setup kami ni Desiree, baka naglalagay lang ako ng panggatong at nagbubuhos ng gas para umpisahan ulit ang apoy na wala akong balak umpisahan. No way. Di na ulit ako papasunog.

"Baka late lang lahat sila," sagot ko.

"Lahat?" Tinaas niya ang kilay niya at nag-umpisa na ring hanapin ang mga goods kuno na kailangang i-segregate. "O baka sinadya nila 'yon para may time tayo sa isa't isa."

Ugh, may alam ba 'to? Kung pagbibintangan ko kasi siya, nakaka-imagine na ako ng mga susunod niyang sasabihin, kesyo bakit naman niya paplanuhin yada yada. Huwag na lang.

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon