Chapter 14: Good Days, Bad Days

221 20 5
                                    

Ako 'yung second to the last na pumasok, tapos si Harvey ang sumunod. Umupo ako sa isa sa mga bakante.

"Gusto mo talagang umuupo katabi si Claude, ano?" komento bigla ni Harvey pagkaupo niya.

"Ha?" sagot ko naman. Ni hindi ko nga namalayan na katabi ko pala si Claude, e.

"Hoy," sabat naman ni Eliza na parang may pipigilan pa siyang away, saka tinawag si Claude. "Ang manhid naman kasi nito. Umusod ka kasi para makaupo si Harvey!"

"Ha? Pa'no ko naging manhid?" tanong naman ni Claude.

"Basta umusod ka."

"Puwede namang diyan na lang si Harvey," sabi ko. "Okay naman ako rito."

Umayos si Harvey ng upo tapos tiningnan niya si Claude sabay sabi, "So are you and Aelle a thing now?"

Di ako makapaniwala na makapagsasabi si Harvey ng gano'ng nakakainis at sobrang assuming na bagay, to the point na nanlaki ang mata ng lahat dahil sa gulat, except kay Claude.

"Hindi naman, tingin ko," inosenteng sagot pa niya habang natatawa. "Mukha bang gano'n?"

Alam ko, pati ng iba, na joke lang 'yon by the way he said it. Kaya ng ahindi ko alam kung bakit napairap pa si Harvey. Bakit ba siya maiinis kung siya 'tong nag-umpisang manukso at mang-issue?

Buti na lang at umandar na ang van. Please just let this conversation end.

"Bakit ba kasi di mo ma-feel na you're getting in the way ng future na mag-jowa na 'yan?" biro ng isa sa mga officer ng AES kay Claude.

"Ayan na naman si Claude. Napaka!" tukso rin ng isa. "Parehas lang kayo ni Harvey, e. Pero ikaw, literal na manhid."

"What do you mean?" tanong ni Desiree.

Si Eliza ang sumagot. "Never nagkagusto 'yang si Claude. He claims it that way. As in no romantic feelings whatsoever."

"Kahit intimacy? Like sex, gano'n?"

Nagtawanan ang karamihan sa mga orgmates namin. Ano kayang nakakatawa sa sex? It's just natural, isip-isip ko pa.

Tumango naman si Eliza sa tanong ni Desiree. "Kabaligtaran nitong si Harvey. Alam niyang charismatic siya. 'Yan ang tunay na pa-fall. Kamuntikan na rin ako."

"Hindi, a! Pinagkakaisahan na naman ako!"

"Totoo naman!" sabat ng isa pa niyang orgmate. "Dumami lang naman applicants natin dahil sa 'yo."

"Victim," sabi ng isa pang babae na biglang nagtaas ng kamay. "Pero gone are the days na crush ko siya dahil na-realize naming lahat na malandi lang talaga si Harvey."

"Grabe kayo sa 'kin," depensa naman ng letseng alakdan na 'yon. "Wala pa kasing the one."

Maraming witness. 'Wag ka na mag-deny, sabi ko sa sarili ko at tumingin sa malayo para hindi na makasali sa usapan.

"Nasa tabi na raw ang the one, kaya todo depensa sarili," biglang sabi ni Tiffany. Again, kunwaring wala na lang akong narinig.

Nagtuloy-tuloy lang silang magkuwentuhan. At least, lumipas na ang topic tungkol sa amin ni Claude, at hindi naman na rin na-bring up ang tungkol sa amin ni Harvey.

Nang nasa may college na kami, 'yung iba e nagsabi na may iba pa silang errands, 'yung iba naman e nagplano na kakain sa isang malapit na fast-food restaurants. Obviously, may ibang guys sa AES ang nakikipag-flirt sa ibang orgmates namin and vice versa, at siyempre, ayokong makasali do'n. Tumanggi ako nang niyaya nila akong sumama.

"Go na. May kailangan pa akong puntahan."

"Sa'n ba lakad?" tanong naman ni Harvey.

Gusto kong sagutin na hindi naman niya kailangang malaman 'yon, pero for the benefit of everyone, ang sabi ko na lang, "Parang magkakasakit ako, e. Need ko na magpahinga."

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon