Chapter 20: Independence

175 20 7
                                    

What was I thinking? Ang tanga. And now what? Kailangan kong pumunta sa practice ng banda nila. Teka, kailan na ba ang fund-raising event?

Tiningnan ko ang kalendaryo. Ah, the next Friday.

Kailangan na nga nilang mag-practice. For sure, may acads sila. So ang tanging time to practice lang ay weekends.

Ugh, fuck. Ano ba 'tong pinasok ko?

Kinuha ko na lang ang drawing tablet at pen ko at nag-drawing para ma-release ang stress. Di ko na alam kung ano'ng nangyayari sa 'kin.

Habang nagko-contemplate ako sa mga ganap ko sa buhay, biglang nag-text 'yung isa sa mga kagrupo ko sa language elective. Sinabi ko kasing wala akong Facebook, kaya number ko lang ibinigay ko. As I've said before—and I'll say it again—as much as possible, I didn't want any attachments. Not anymore.


Kor 10 Groupmate

Hello. Be on time tomorrow para marami tayong mashoot. 9AM sa harap ng mainlib. Thanks!


Dapat wala kaming pasok dahil pina-practice ng university ang four-day class, pero dahil sa mga ganitong activities, no choice pa rin naman kundi ang pumasok minsan. Kailangan kasi naming mag-shoot ng music video for our project.

At dahil do'n, nag-alarm na ako ng seven ng umaga at sinubukang itulog ang gulong iniisip.

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Paggising ko, quarter to eight na. Panic, panic, panic! Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagising sa tunog ng alarm ko. Kaya siguro nagtaka ang katawan ko kaya kusa nang gumising. Iyon pala, seven ng gabi ko na-set ang alarm. Nakakainis!

Nagmadali akong maligo at magbihis. Hindi na nga ako nakakain ng breakfast. Inisip ko na lang na meron naman akong madadaanang convenience store.

Habang nasa biyahe ako, napansin kong ang dilim ng langit. Kumukulog-kulog na rin. Do'n ako napatingin ako sa bag ko dahil pakiramdam ko, may nakalimutan akong importanteng bagay.

Shit, sabi na nga ba. Wala akong payong.

Kamamadali, di ko pala nadala ang payong ko. Sa jeep pa lang, nagpaplano na ako kung sa'n ako maghihintay kung uulan. At dahil lagpas nine na, hindi na ako dumaan sa convenience store para bumili ng pagkain. Naisip ko, may mga food kiosks naman na open sa main lib.

Ang masaklap, habang papunta sa main lib, nakita kong nakasara ang daanan papuntang college namin. Balak ko pa namang tingnan kung may payong sa tambayan kung sakaling matapos nang maaga ang ginagawa namin.

Nakarating ako sa venue ng nine thirty, pero wala namang tao. Nag-text na ako sa groupmate ko at baka kung sa'n na sila nag-shoot. Makahabol man lang.


Aelle

Hi, nandito na ako sa main lib. San kayo?


Kor 10 Groupmate

Ay, nakalimutan kitang itext. Kanina kasi nagsabi na yung dalawa di makakapunta. Malakas daw kasi ulan sa kanila. Cincancel ko na lang.


"Joj-dwaesseo," sabi ko habang binabasa ang text ng groupmate ko. Gusto ko nga rin sanang magtayp ng mura in Korean para applicable pa rin sa language elective course namin, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon