Chapter 9: Ang Pagkakahanay ng mga Bituin

310 22 9
                                    

Alam kong magiging topic ako ng org after that meeting. True enough, pagpasok na pagpasok ko pa lang ng building, daming nanunukso na sa 'kin. Several "Aelle, he's cute naman," "Don't you love his curls?" "Those curls are to die for," "Give him a second chance," "You have an ex from AES?" "Pakilala mo naman ako," at "Kung ayaw mo, akin na lang" and other versions ang narinig ko.

Ganyan ang mga "biro" nila sa 'kin, na alam kong half-truth din. I can't blame them. Harvey is really physically attractive. But I will choose my peace of mind over anything else.

Pagdating ko sa tambayan, binato ko lang ang bag ko sa may bench at ginawang unan. Gusto ko matulog, pero nang napatulala ako sa kisame, biglang nag-flashback ang sagutan namin ni Harvey no'ng meeting. Naiinis ako kung pa'nong naaalala niyang "first choice" ko ang BS Biology—isang kursong hindi ko na-pursue kahit ano'ng pilit ng mga magulang ko.

Dahil do'n, I suddenly remembered my darkest moments—the times I feared my parents so much, I thought I didn't have my own brain. They made me hate science and math. Gustong-gusto ko ang science no'ng bata ako, lalo tungkol sa astrophysics. Pero nang nalaman nila 'to, they made me go to tutorial sessions para mas ma-"hone" daw ang talino ko, at nagagalit sila kapag nakikita nila akong naglalaro ako o nagbabasa ng mga fictional fantasy books.

Tinakot pa nila akong hindi nila babayaran ang college tuition when they found out I wanted to purse an arts course, at ako, the rebellious daughter of the Malayas, said na magtatrabaho na muna ako so I could get a dorm and pay for my tuition if they won't support my decisions.

And I did.

I took several tutorial gigs during the summer before the first day of class. Walang pahinga. Hanggang sa nakakuha ako ng mauupahan. It took them only one semester to accept my decision when I got hospitalized because I study during the day and then work my ass off at night. Sinabi ko pa nga—dahil ma-pride ako—that I had savings to pay for my bills. Pero nag-insist sila and said they will support me. That was the moment I realized that they still cared.

Hindi nga rin siguro masama na naniwala akong rebellious ang mga Aquarius.

At itong magaling kong utak, naisipang mag-reminisce tungkol kay Harvey. Bigla kong naalala 'yung mukha niyang kasingkinis ng puwet ng baby habang naiinis siya sa mga magulang ko dahil kinokontrol nila ang buhay ko. "Oo, they gave birth to us, pero hindi naman sa lahat ng bagay, sila na ang may desisyon. You aren't a robot, you are human too," sasabihin pa niya, damang-dama 'yung frustration na parang siya ang may problema. Kukunot 'yung noo niya, at pipigilan kong ngumiti because I find it sweet that he's concerned for me. "They're being unfair. Maganda na i-guide ka, pero hindi didiktahan. You are your own. Pero ikaw . . . follow their rules or follow yours."

Hinampas ko ang mukha ko gamit ang palad ko. Of all the times na mapapa-reminisce ako sa past, bakit kasi ngayon pa? Buwisit. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Goodbye, peace of mind.

Bumangon ako, kinukha ang laptop, sinaksak ang earphones, at binuksan para manood ng ilang YouTube videos tungkol sa quantum physics para manahimik ang utak ko. Siguro nga, I have abandoned science, but science didn't abandon me. It still inspires me, but this time, to make art.

Nasa kalagitnaan na ako ng isang documentary tungkol sa monster black hole nang nakita ko sina Desiree, Tiffany, at Vicka na papunta sa tambayan. First time ko sila makita today, at malakas ang kutob ko na itatanong nila kung ano ang nangyari pagkatapos ng meeting.

For sure, maiintriga sila matapos kong mag-deactivate sa social media. Hindi rin naman nila itinago ang pagkaintriga nila dahil bigla na lang silang umupo sa tabi ko. Umakbay sa 'kin si Desiree, siniko-siko ako ni Tiffany, at nakatingin na parang nanunukso si Vicka. Wala akong nagawa kundi tanggalin ang earphones sa tenga ko.

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon