CHAPTER 1: UNIT 679

103 8 8
                                    

Napatulala ang bulaklak,
Sa mga narinig na salita.
Hindi maipinta ang bulwak
Ng luha sa kanyang mga mata.

Nag-iisip at nagbabakasakali,
Na magising sa panaginip.
Naiinip at hindi mapakali,
Dahil sa mga pumapasok sa isip.

Sinasampal ang sarili,
Sakaling mahimasmasan.
Hagulgol ng damdaming,
Hinding-hindi maiibsan.

Tanggapin ang nangyari,
Hayaang sakit ang maghari.
Ang lahat ay babalik din,
Pero hindi na gaya ng dati.

-Mr. Pride


Natt Condominium: Penthouse

[September 2, 2018 | 8:30 pm]


Ang Natt Condominium (Before: Floret Tower) ay ang isa sa matataas na struktura sa lungsod ng Manila. Ito ay pagmamay-ari ni Nathaniel Gregorio at ng kanyang pamilya. Ang Condo na ito ay may taas na 250 metro at mayroong 73 na palapag.


Naging sikat at tanyag ang Condo na ito dahil sa mga nakaraang pangyayari na kung saan ay nagkaroon ng sabi-sabi ang iilang residente na nakatira rito at maging sa labas na dati ay may biglaan at misteryosong pagkawala ng mga taong nakatira rito.


Gayunpaman, nananatiling matagumpay at mabenta ang Condo na ito at marami pa rin ang nakatira rito.


*


"Pride, Greed, Lust, Gluttony, Envy, Sloth and Wrath are the seven deadly sins in Dante's Purgatory. However, the original and most serious of the seven deadly sins on almost every list is the Pride."


'Siya si Daisy Mirasol, 17 na taong gulang. Siya ay medyo matangkad na may laki na 5'9. Ang buhok niya ay mahaba na umaabot sa kanyang baywang. Hugis puso ang kanyang mukha na bumabagay sa slim niyang pangangatawan. Medyo singkit ang kanyang mata na umaayon sa tamang hugis ng kanyang ilong. Mapula ang kanyang labi at maputi ang balat niya na kumukumpleto sa kagandahan niyang anyo.'


Nakadapa ako ngayon sa higaan ko habang nagbabasa ng libro. Binabasa ko ang 7 Circles of Hell by Dante's Purgatory. It's one of my favorite book kaya paulit-ulit ko siyang binabasa. Besides, ito rin 'yung hinanda kong topic para sa debate bukas sa Filipino Subject namin.


So, Pride is the Superior? Okay, it makes sense naman. If we are prideful, nagiging sakim tayo sa kayamanan, tayo ay nagiging madamot at makasarili sa ating ari-arian, naghahangad pa tayo ng mas malaki at mas maraming bagay, tayo ay nagiging matakaw at masiba sa ating ginagamit at kinakain, nagseselos at naiingit tayo sa ibang tao, tayo ay nagiging tamad dahil akala natin ay ayos na 'yung ginawa natin at nagagalit tayo sa mga lumalamang sa'tin.


Tumihaya ako at tumitig sa kisame, "Masyadong boring ang lalaking mapagkumbaba. I want to meet a guy na makikita ko pa lang siya, Pride na ang papasok sa isip ko. 'Yung may pagka-superior 'yung dating pero hindi naman sobra."


"Ako kasi, inugali ko."


[You have 1 unread message.]

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon