CHAPTER 6: FIRST SUSPECT

55 6 0
                                    

Naglalakad sa piraso ng lubid,
Nakatingin sa kabilang dulo.
Dala ang patpat upang mabalanse,
Ang paghulog ay hindi sigurado.

Minsan nang nawala at nagbalik,
Naging banta sa gabing malagim.
Akala ng ibang tao ay patay na,
Dumidiskarte pala ng palihim.

Wala nang maisip na sisisihin,
Bumabalik sa dating kagawian.
Kapag hindi kinakaya, nabibitin,
Itinuturo ang walang kamalayan.

Hanapbuhay ang puno't sanhi,
Kaya nagaganap ang hindi dapat.
Mag-isip ng tama't may binhi,
Magdesisyon ng karapat-dapat.

-Mr. Pride


Natt Condominium

[September 10, 2018]


"Konti na lang at mabubuo ko na ang storya mo. Lagot ka sa'kin, ako mismo ang huhuli sa'yo. Kailangan ko lang ng isa pang ebidensya."


Sa pangalawang pagkakataon ay bumalik kami ni Karma sa Crime Scene. Nahihirapan kasi akong makabuo ng konklusyon sa kasong ito lalo na't bukod sa wala kaming mahawakang matibay na ebidensya ay wala ring nakasaksi na pwedeng tumestigo.


Ang tanging maaasahan ko lang ay ang imagination at speculation kong pang siraulo. Hindi pa one hundred percent sure.


"Sinong kausap mo?" Pagtataray na tanong ni Karma.


"Sarili ko. Bakit? Gusto mo ba akong kausapin?" Sagot ko.


"HAHA baliw," bulong niya.


"Karma. Kung ikaw 'yung killer at papasok ka sa condo na ito, ano ang una mong pupuntahan?" Tanong ko sa kanya.


"Rooftop?" Sagot niyang patanong. Hindi siya sure.


"Bakit?" Tanong ko ulit.


"Maganda ang tanawin," maikli niyang sagot.


Sabagay, maganda nga ang tanawin dito. Try niya kayang magpunta sa probinsya, doon maganda ang mga building.


"Okay, pumunta tayo ngayon sa rooftop." Sabi ko sa kanya.


"T*ng ina mo! Ginawa mo akong utak kriminal." Galit niyang sigaw.


Ang lutong no'n ah, tagos sa puso ko.


"Sundan mo na lang ako," saad ko saka umalis.


Bumaba kami at pumunta sa mga staff para hingin ang susi sa rooftop. Pumasok kami sa elevator at napansin kong hindi umiilaw ang CCTV nito.


"Itong Condo na 'to 'di ko malaman kung naghihirap ba o under renovation." Wika ko.


"Under renovation naman talaga," nakapulupot ang mga braso sa dibdib ni Karma.

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon