Malugod na isusuko ang alalay,
Kapalit ang pakikipag-ayos.
Waring na buking sa loob ng bahay,
Krimeng naisakatuparan ng maayos.Batid ba ng pulisya na biro,
Naniwala agad ng lubos.
Sumuko nga ang trabahante,
Hindi naman binigyan ang buhay ng limos.Sa katagal-tagal na hinintay,
May paparating na halimaw.
Nagbabadya't nagmamarahas,
Nag-iingay na parang langaw.Sa katayuan ay malinis,
Sa kalooban ay madumi.
Presentable ang pagkatao,
Pero sa ugali ay hindi.-Mr. Pride
Metropolitan Manila Police Department
[Violent Crimes Unit Office | January 7 8:00am]
"Nakakapagod maging pogi not until natutunan kong magpahinga."
Kababalik ko lang sa trabaho, pagod na agad ako. Gusto ko na lang magpahinga nang habambuhay.
Gusto ko na ulit mag Christmas Break.
"Abnoy ka talaga 'no? Kung anu-ano 'yung pinagsasabi mo." Sabi ni Karma.
Natawa ako sa sinabi niya. Mas abnoy pa nga siya sa'kin. Lagi niyang naririnig 'yung mga motivational quotes ko pero 'yung panlalandi hindi.
"Papaya ka ba?" Tanong ko sa kanya.
Oh, 'di ba? Hindi niya na naman narinig. Bwiset ka talaga Karma!
"Hoy! Papaya ka ba?" Tanong ko ulit.
Dumating si Detective Mike na may dalang kape. "Salamat," saad ko.
"Hindi," maikling sagot ni Karma.
"Sabihin mo bakit, bobo mo rin eh." Wika ko.
"Okay. Bakit?"
Yan, tama 'yan, sumunod ka sa boss mo.
"PAPAYAkap sa'kin. Nyakhakhakhak." Banggit ko.
Tinitigan niya lang ako ng masama. Haysst.
Nabuga ni Detective Mike 'yung iniinom niyang kape saka humalakhak. "HAHAHAHA! Sasabihin ko 'to kay DJ."
"Huwag," pinikit ko 'yung kalahati ng mata ko.
Bigla siyang tumayo at tumakbo papalabas. Wala na, pagkakalat niya na 'yon.
"Ibang papaya gusto ko," bigkas ni Karma.
Napaisip ako, "Ano?"
"Ang gusto kong papaya ay 'yung magPAPAYAman sa'kin." Sagot niya.

BINABASA MO ANG
Vigilante
Misteri / ThrillerLeon, an 18 year-old boy who's working and investigating secretly to help the authority catch up the killers and other criminals. On his mission, he did not expect that he would encounter the notorious and mysterious serial killer known as Mr. Pride...