Namumuhunan sa lakas ng loob,
Nanghihina ang kaloob-looban.
Nakikita sa hina ng panlabas,
Lakas ang sapat na kakayahan.Matatag ang puso, may pinaglalaban,
Walang masasayang na basyo.
Hindi man tumatama sa mismong kalaban,
May tao namang nagwawasto.Sa pakikipag digmaan ang kailangan,
Desisyon na puro at buo.
Hindi matitinag ng sinumang susubok,
Mawalan man ng laman ang buto.Kapit-bisig at tulong-tulong ang sagot,
Ipon ng utak ang pinag-aambagan.
Nagtatapos sa tanong na maraming sagot,
Nagsisimula pa lang ang tunay na laban.-Mr. Pride
Anti-Predator Squad Headquarters
[January 5, 2019 | 7:30am | First Person Point of View: Daisy]
"Nauubusan na ako ng hangin!"
Sabay-sabay na nag jogging ang anim para simulan ang kanilang araw. Unang bahagi na rin ito ng kanilang pagsasanay para mapalakas ang kanilang Stamina.
"Huling ikot na 'to. Mag-aalmusal na rin tayo pagkatapos!" Sigaw ni Leon kay Daisy.
Nang matapos sila sa kanilang pagtakbo ay dumiretso na sila sa kanilang headquarters.
"Grabe namang training 'yan Leon. Tatlong balik sa isang kilometro? Are you killing us?" Reklamo ni Ara.
"Buti nga tatlo lang eh. Kapag si Tito Ryan 'yung nagtraining sa inyo, benteng balik." Sabi ni Mackey.
Sabay-sabay silang kumain ng umagahan at habang ginagawa nila 'yon ay nagpa-plano si Leon para sa kanilang grupo.
"Agent Club at Captain Flora, tuturuan ko kayong gumamit ng baril pagkatapos nito. Agent Spade at Agent Hearty, tuturuan niyo si Jeff makipaglaban."
"Mayroong secret training field sa ilalim ng building na ito. May boxing ring, may mga body bag, at may mga gym equipment. Bibigyan ko kayo ng sari-sariling mga role para balanse ang obligasyon natin sa grupo."
"Ang Anti-Predator Squad ay binubuo ng isang tatlong commander at kasama na doon ang mismong Founder. Hindi si Eduard ang mismong nagko-kontrol satin dahil hindi naman galing sa kanya ang baraha."
"Samin ni Captain Flora, ang taga opensa ay ako at siya ang taga depense. Kay Spade at Hearty naman ay si Spade ang sa defense, si Hearty naman sa offense. Pagdating kay Jeff at Ara, si Jeff ang offender at si Ara ang defender."
"Kapag magkakasama tayo sa isang battlefield. Kaming tatlo ni Daisy at Ara ang mga shooter. Magtitipon kami sa gitna at kayong mga melee fighter ang magco-cover samin. Vice Versa ang gagawin, babarilin namin ang lalapit sa inyo. Kayo na ang bahala sa mga lalapit samin."
"All around ang role ko. Fighter si Jeff, Markswoman si Ara, at assassins' kayo Spade, Hearty at Flora." Sabi ni Leon sa kanilang lima.
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mistério / SuspenseLeon, an 18 year-old boy who's working and investigating secretly to help the authority catch up the killers and other criminals. On his mission, he did not expect that he would encounter the notorious and mysterious serial killer known as Mr. Pride...