Ako ang Hari sa isang kaharian,
Palasyo na itinayo ng iba.
Sa lahat ako ang makapangyarihan,
Puwera at maliban sa isa.Ako ay naging mataas na sana,
Kung hindi lang dahil sa pangalawa.
Dumating ang alas sa buhay ko,
Kaya't ako ay tag-malas na.Ako ay nasasapawan, natatabunan,
Maraming gumugulo sa aking isip.
Iba't iba ang aking nararamdaman,
Paiba-iba na rin ang iniihip.Ako ang pinakamalakas, pinakamataas,
Magmalaki ang aking masamang katangian.
Ako ang pasaway na anak ng batas,
Gumaganti at tumatraydor sa katuwiran.-Mr. Pride
"Ma'am Daisy, mag ready na po kayo."
Tumawag muna sa telepono si Daisy habang inaayusan siya ng stylish. Maya-maya ay tatawagin na rin siya ng master of ceremony.
PHONE CALL:
Daisy: Makakapunta ka ba?
Leon: Hi! Oo, hahabol ako.
Daisy: Bilisan mo please? Kahit wala ng regalo, makarating ka lang.
Leon: May regalo ako sa'yo.
Daisy: Ano?
Leon: Hindi ko pwedeng sabihin.
Daisy: Okay. Dapat magugustuhan ko 'yan kasi 'pag hindi, iba hihilingin ko.
Leon: Tutugtog din ako ng Piano.
Daisy: Hala! Totoo ba?!
Leon: Oo, basta mamaya na lang.
Daisy: Sige, bye na. [Hangs up]
"Ladies and Gentleman. Let's welcome our debutant."
Nakangiti siyang bumababa sa hagdan habang pinapalakpakan ng marami. Pinagmamasdan niya rin ang lahat ng nakatingin sa kanya at nginingitian ang mga ito. Pagkatapos ay umupo na siya sa silyang ginawa para sa kanya.
Nagsimula ang seremonya at nagtuloy-tuloy ang program mula sa 18 wishes hanggang sa 18 roses. Nagkaroon din ng maikling preaching galing sa isang Pari. At nang matapos ang seremonya ay nagkaroon ng...
"Party! Party!"
Sayaw rito, sayaw roon. Lundag sa kanan, lundag sa kaliwa. Todo indak ang mga tao nang malipat ang program sa pagsasaya.
Ang Anti-Predator Squad naman ay nasa gilid. Nakaupo sila sa VIP Table at doon sila nagbabatian.
"Congrats, Daisy!" Sabi ni Jeff.
"Pwede ka nang makulong niyan." Saad ni Mackey.
"Daming blue bills kanina ah, pahingi naman." Tinataas-taas ni Danica ang mga kilay niya habang nakatingin kay Daisy.
"Hey? What's wrong?" Tanong ni Ara.
"Nasaan na ba ang amo mo?" Tumingin si Daisy kay Mackey.

BINABASA MO ANG
Vigilante
Misteri / ThrillerLeon, an 18 year-old boy who's working and investigating secretly to help the authority catch up the killers and other criminals. On his mission, he did not expect that he would encounter the notorious and mysterious serial killer known as Mr. Pride...