CHAPTER 17: LAST LUST VICTIM

50 6 0
                                    

Edsa Shaw Boulevard

[Mandaluyong]


Kumikimkim ng masamang loob, sinusugod ang kahariang pansarili. Gumagalaw ang daga sa mga braso, nangangatog naman ang binti sa paniki. Sa katotohan siya'y nagising tumayo agad upang umihi, napuno ng laman ang kanyang pantog sa sarap na nakakadiri.


Hindi tubig ang unang hinanap, kundi ang pagbabalik ng kanyang libog. Sa magdadalawang dekada niyang pagpapanggap, hindi na natiis ang budhing bumibilog. Nakakaramdam siya ng gutom at uhaw, ayaw niya sa puno at ilog. Gusto niya sa produkto nito, kahit na hindi pa humihinog.


Una niyang pinuntirya isang dalagitang walang laban, kasabwat ang utol niyang maganda kung sisilayan. Nagpanggap na magnanakaw, pinagsusuntok ang pasyenteng nahihirapan. Noong tumawag ng pulis ang babae, hustisya ay binawi ng katakawan.


Bayaran mo na lang ako sa ibang paraan, 'yan ang tinig na maririnig. Paborito niya iyong linya kaakibat ng bastos na titig. Hindi siya mapakali, pabago-bago ang kanyang mga iniisip. Buntis na ang babae sa utak niya, kailangan nalang magising sa panaginip.


Sa una ay nagmamakaawa, sa huli ay malilipat sa biktima. Ang kanina'y kunwaring may iniinda, masamang balak pala ang kinakasama. Sa paglagim ng dilim, tiwala ay dapat ingatan. Gawing numero uno ang kaligtasan, hindi tulong ang gawing kalikasan.


*


"Holdap 'to! Taas mo ang kamay mo!"


May isang babae na naglalakad sa isang kalsada alas tres y media ng umaga. Maaga siyang naghanda para makadalo sa kanyang ika-walong simbang gabi.


"S-sino po kayo?" Tanong ng babae.


"Huwag nang marami pang tanong. Ibigay mo na lang sa'kin 'yang mga gamit mo." Sagot sa kanya ng holdaper habang umaamba ng kutsilyo.


Ang holdaper ay nakasuot ng kulay itim na bonnet-mask. Bumabalot ito sa buong ulo niya at bukod pa roon ay nakasuot din siya ng sombrero.


"Wala pong laman na kahit ano 'yung bag ko. Wala po akong maibibigay sa inyo." Kinakabahang sabi ng babae.


"Ibigay mo na lang sa'kin 'yang bag mo kung ayaw mong masaktan. Hindi ko naman tinatanong kung may laman ba o wala." Kalmadong saad ng holdaper.


Biglang tumakbo ang babae na ikina-inis ng holdaper. "Gusto mo makipaghabulan? Sige, pagbibigyan kita." Ani niya.


Habang tumatakbo ang babae ay may humintong motor sa harap niya. "Sakay! Bilisan mo!" Sigaw ng driver nito.


Kinilabutan ang holdaper nang makita niya ang lalaking nakasakay sa motorsiklo. "Huwag kang sasakay!" Sigaw niya sa babae.


Huli na ang lahat, wala na ring saysay ang pagsigaw niya. Sumakay ang babae sa motorsiklo at umalis ito papalayo.

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon