CHAPTER 16: RECRUIT

52 6 9
                                        

Magsisimula na ang tunay na laban,
Pinaghahandaan na ng lahat.
Kakayanin bang kumawala sa sakit?
Ang mga kaalaman ba ay sasapat?

Makatindig balahibo ang pagdesisyon,
Padalos-dalos kung magsalita.
Waring naglalakad sa eksplorasyon,
Sinusubukan ang mga daang paiba-iba.

Sa dulo ng landas ay makakarating,
Wala namang aral pagdating sa dulo.
Sa tagal ng pagbabagtas ay ang hiling,
Mahanap ang tanong sa sagot na oo.

Gumagamit sila ng baraha kagaya ko,
Operasyon ay ipinapagtibay.
Iba man ang kahulugan ng mga ito,
Buhay pa rin ang nakasalalay.'

-Mr. Pride


APS Headquarters

[December 22 | 8:00am]


"Anong ibig sabihin nito?"


Hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano ang gustong sabihin sa'kin ng baraha. Ace of Hearts [Leon]: Identity Reveal? Anong iri-reveal ko?


"Nalaman ng Founder natin na ikaw si Shadow. Hindi ba't inakala niya noong una ay ikaw si Mr. Pride? Nagkamali pala siya noon. Ikaw pala 'yung Shadow na tumutulong kay Luckey." Sagot sa'kin ni Destiny.


"Paano kung makulong ako?" Tanong ko sa kanya.


"Iri-reveal mo 'yung Identity mo sa kanya bilang Shadow at aalukin mo siya ng Team-Up. Sa una ay hindi siya papayag pero dapat mapapayag mo siya. Malaki ka na Leon, kaya mo na 'yang diskartehan. Naniniwala ako sa'yo kaya go na, sundin mo na 'yan ngayon din." Sabat niya sa'kin.


Hindi ko maintindihan, ako lang at hindi ang buong APS. Bakit kailangang makipag team-up kay Luckey?


Anong laro ang pinapagawa mo samin Founder?


"Nakakuha rin ako ng baraha sa kanya. Gusto mong malaman? Well, mas malala ito sa baraha mo kasi..."


"King of Club: Surrender."


Nagulat ako sa binasa niya. Kumpara sa baraha ko, mas mahirap nga ang magiging lagay niya roon. Saan siya susuko? Sa Police Department o sa NBI?


"Kailan ka susuko?" Tanong ko ulit.


"Mamaya or bukas? Hindi pa ako sure." Sabi niya.


Kung dalawa pala kaming susugal, malulugi ang grupo namin. Nawawalan ako ng tiwala sa Founder sa ganitong utos. Paano kung hulihin ako ni Luckey? Paano kung hindi makalaya si Eduard.


Paano na si Daisy?


"Kung pinag-iisipan mo ng masama ang boss natin, itigil mo na. Alam niya ang lahat ng dapat at hindi dapat gawin sa grupo natin. Magdesisyon ka na lang kung susundin mo 'yan o hindi kasi hindi naman tayo makakasulong kung hindi mo 'yan gagawin." Saad ni Eduard.

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon