CHAPTER 26: ARJAY

40 6 0
                                    

Alalahanin ang mahal sa buhay,
Huwag hayaang patayin ang sarili.
Sa patalim ay kumapit ng mahigpit,
Danasin ang talim ng pagkakatali.

Sa buhay na puno ng kasamaan,
Ang kabilang buhay ay nag-aabang.
Mag-ingat sa mga nagbabadyang,
Marahas kung pumatay ng langgam.

Hindi kayang pumatay ng insekto,
Kaugaliang nakakagulat.
Sa maliit na hayop ay may respeto,
Sa katawan ng tao ay balasubas.

Lulusubin ang kaaway,
Uubusin ang mga laway.
Kalabosohin ang bastos na kamay.
Pag-iwasin sa parating na lamay.

-Mr. Pride


[First Person Point of View: Leon]


Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng base ng Lazybones. Kasama namin sina Luckey, Karina at isa pang imbestigador.


"Makukulong kayo ngayon,"


Natakot sila Daisy at Ara sa kanilang mga narinig. "Bakit? Tumutulong lang naman kami ah." Sabi ni Daisy.


"Anong karapatan niyo para gumawa ng ganitong operasyon?" Tanong ni Karina. "Lalo ka nang bata ka! Konsimisyon ka lagi." Tiningnan niya si Light.


"Kahit wala naman akong ginagawa. Tinik mo ako sa lalamunan eh." Saad ni Light sa Ate niya.


Sinenyasan siya ni Rogue na huwag nang sumagot.


"T*ng ina Leon! Ano 'yun? Akala ko ikaw lang mag-isa ang gumagawa ng bagay na ito. Nandamay ka pa ng kapwa mo estudyante." Wika ni Luckey sa'kin.


"Hindi ko kasalanan kung may gusto sila sa buhay na gusto nilang makuha." Tugon ko.


"What do you mean?" Lagi siyang naguguluhan sa mga lumalabas sa bibig ko.


"Ginagawa namin 'to para sa mga taong nangangailangan ng tulong. Para sa mga pulis na hindi marunong mag-imbestiga ng maayos."


Bigla niyang hinahawakan ang kuwelyo ko at nagsabing, "Anong gusto mong palabasin?"


"Tama na 'yan," banggit ng isang Detective na kasama nila.


"Masyado kang mabagal kumilos, Luckey." Sagot ko sa tanong niya.


"Okay, pasensya na kung naiinip ka. Payo ko lang, huwag mo masyadong madaliin 'yung paghingi ng hustisya. Sa kagaganyan mo baka maunahan ka ng iba."


Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Pero hindi ako papayag, na hindi ako ang makakahanap sa kung sino ang pumatay kay Mama.


"Sino 'yung leader niyo? Yung pinaka-puno?" Nagtanong ulit siya.


"Ako,"


"Sino, Danica?" Seryoso siyang tiningnan ni Karina.

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon