CHAPTER 29: FINALE

51 6 4
                                        

Darating ang takip-silim,
Lulubog ang haring araw.
Lalabas ang may gusto sa dilim,
Sa bintana ay dumudungaw.

Sisikat ang liwanag sa umaga,
Mainit na kape ang hinahanap.
Gigising na may bagong kahaharapin,
Patuloy pa ring magsisikap.

Darating ang mga araw,
Ang mahal ay laging hahanapin.
Pagsisisi ang tanging yayakapin,
Hanggang sa maayos ang dapat ayusin.

Paulit-ulit mang dumarating ang takip-silim,
Sikat-araw rin naman ay dumarating ng madalas.
Patunay ito na sa bawat sakit ng kahapon,
May kapalit na bago't sariwang bukas.

-Mr. Pride


"Salute!"


Nandito kami ngayon sa libingan ng mga bayani. Katabi ko si Karma at DJ pati na rin si Tito Frank. Nasa likod namin ang maraming pulis na nagbibigay pakikiramay sa pagkamatay ng aming Chief.


Ngumingiti si Karma pero alam kong hindi siya okay ngayon. Mahirap talaga mawalan ng mahal sa buhay. Yung kaibigan ko, nasa hospital pa rin, nagpapagaling. Gustong-gusto ko na siya mayakap. Gusto ko na siyang ipakilala sa kahit na sino. Gusto ko siyang ipagmalaki sa kabaitan niya sa'kin.


Gumising ka na, Ader.


"Ano 'yan?"


Tapos na ang libing at nandito ang mga bata; Daisy, Mackey, Jeff at Ara. Anong ginagawa ng mga 'to dito?


"You said you gonna arrest us after this whole operation, right?" Tanong ni Ara sa'kin.


Oo, naalala ko 'yun pero hindi ko sila pwedeng hulihin. Siniko ko si Karma at gusto kong siya ang magpaliwanag sa kanila.


"Hindi kayo makukulong," sabi ni Karma sa kanila.


Nagtinginan silang mga bata at nagtataka kung bakit. Ang cute pala ng mga 'to, parang mini version ng Violent Crimes Unit.


Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung paano nag lead sa team nila si Leon. Ang galing niya siguro maging Captain. Kaso magdo- doctor siya eh, hindi akma sa role niya.


"Bakit naman po?" Tanong ni Daisy.


"Gustong-gusto ko kayong hulihin, kasama si Danica para mag-tanda kayo sa mga pinaggagagawa niyo. But sad to say, wala kaming ebidensya laban sa inyo. Dahil kami lang tatlo ni Detective Luckey at DJ ang nakakita sa inyo."


"Sinabi sa'kin ni Detective DJ na ayaw niya kayong hulihin at ganu'n din ang sinabi sa'kin ni Luckey. Ewan ko ba sa dalawang 'yan, naaawa ata sa inyo." Saad ni Karma.


"Hoy! Sabi ko naman, desisyon mo ang matutupad ah." Pinagalitan ko siya.


"Mahal na mahal ata kayo ng detective na 'to." Tinuro ako ni Karma.


Napailing na lang ako, "Matigas 'yang ulo niyo pero pwede ba? Kapag may operasyon kayong gagawin sa sunod, sabihin niyo naman sa'kin. Sasabihin ko sa inyo kung safe bang gawin o hindi."

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon