Paikot-ikot na baraha,
Tanging solusyon sa dami.
Pinagpasa-pasahang layunin,
Hindi na maitatanggi.Sasalakay ang kalaban,
Lulusob ng matindi.
Maninisi ng hindi sugurado,
Dadampot ng walang pasabi.Nahihirapan kung lumaban,
Bitbit ang tauhan sa laban.
Hindi kaya ng mag -isa kaya,
Nagpapasama sa tauhan.Darating ang binata,
Tutulong sa maikling operasyon.
Maligayang pagdadating Lucas,
Ito na ang iyong panahon.-Mr. Pride
[First Person Point of View: Leon]
"Pangalawa si Lust, pero dahil nahuli si Eduard ay natanggal na nila 'yon sa list. Napawalang sala si Eduard ngayon at wala ng magagawa ang VCU doon. Pangatlo ay ang killer ni Mama, ito na siguro 'yung next nating misyon."
"Tama ka," biglang sumingit si Eduard. Ipinakita niya ang tatlong baraha galing sa Founder.
"Jack of Diamonds: Nicole Marauder's Killer, King of Diamonds: Alexander Acedia's Killer, and Ace of Diamonds: Mr. Pride."
Sa unang pagkakataon ay binigyan kami ng tripleng misyon. Madali lang ang difficulty ng killer ni Mama? Kay Mr. Pride Hard Level?
Nagtataka lang ako sa killer ni Alex. Bakit medium level? Mahirap ba siya kalabanin kung estudyante lang siya?
"Pwede ba akong magtanong?" Tumingin ako kay Eduard.
"Sure," pumayag siya.
"Kilala ba ng founder natin si Mr. Pride? Kilala mo ba si Mr. Pride?" Mga tanong ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim, "Mr. Pride is my greatest enemy."
"Bakit?" Mausisa kong tanong.
"Naalala mo ba 'yung gabi na dinakip ko kayo ni Flora? Sinabi ko sa inyo na may nagligtas sa'kin at nagpakilala siya bilang Doctor Pride? Copy cat niya si Mr. Pride but an evil one." Sagot niya sa'kin.
"Ano bang hitsura ni Doctor Pride?" Tanong ko ulit.
"Kamukha mo," maikli niyang sagot na ikinakunot ng noo ko. "Ha?"
"Biro lang, hindi ko na maalala. Matangkad siya at may hitsura katulad mo. Hindi ko na rin alam kung nasaan siya ngayon pero tumatanaw ako ng utang na loob sa kanya." Sabi ni Eduard.
Nagsisinungaling siya. Naiisip kong siya ang Founder ng grupong ito pero hindi pa ako sigurado.
"Hinahanap nila si Shadow at ang anonymous sender na nagpadala ng physical appearance ni Mr. Pride. Hindi natin isasama ang dalawang tao na 'yon dahil unang-una sa lahat, ako si Shadow. Iyong anonymous sender na isa, tumigil na raw sa pagpapadadla ng impormasyon kaya sa tingin ko ay hindi na rin nila 'yon isasama sa imbestgasyon nila."
BINABASA MO ANG
Vigilante
Mystery / ThrillerLeon, an 18 year-old boy who's working and investigating secretly to help the authority catch up the killers and other criminals. On his mission, he did not expect that he would encounter the notorious and mysterious serial killer known as Mr. Pride...