CHAPTER 24: VALENTINE

42 6 1
                                    

Ang ugat ay puputok sa ulo,
Lalo na kung inunahan.
Ang ingay ay aalingaw-ngaw,
Kapag ang ulo ay binutasan.

Isang ama na nagtitigas-tigasan,
Minalas dahil pinuntirya ng kalaban.
Ang anak ay maghihimaos ng sobra,
Mahanap lang ang salarin sa patayan.

Duelo sa pagitan ng kumpanya,
Laban sa organisasyong mapanganib.
Yaman laban sa armas,
Presyong hindi mababatid.

Kung babayaran ang kasalanan,
Hindi mauuwi sa labanan.
Hindi mababayaran ng kahit na anong yaman,
Kung ang panahon ay hindi na mababalikan.

-Mr. Pride

LB Furnitures Main Building

[February 14 | 3:00pm]


"Party na party papagpirmahin mo ako ng mga ganito."


Masayang nagce-celebrate ng Valentine's Day ang lahat ng employee sa LB Furnitures. Kaya lang kinailangang pirmahan ang mga papeles para sa isang deal ng kumpanyang ito at sa ibang kumpanya.


Dumating ang mga papeles kung kailan sila ay nagsasaya.


"Sige na, akyat lang ako sa opisina ko." Masayang sabi ni Leonardo sa kanyang kausap.


"Salamat po, Sir. Hindi ko ho kasi mahagilap ang anak niyo." Saad naman nito sa kanya.


"Pagpasensyahan mo na, pasaway kasi 'yun bata pa lang." Humalakhak si Leonardo. "Oh siya, asikasuhin ko lang ito." Paalam niya.


Masaya siyang umakyat sa kanyang office kaya lang ay pagpasok niya rito ay nakakita siya ng isang malaking daga. "Ay punyeta!"


Kinuha niya ang kanyang baseball bat na nakasandal sa likod ng pinto saka pinaghahataw ang daga na ito.


Lumabas ang laman loob ng daga at pagkatapos ay kinuha niya ito at pinirat-pirat sa kanyang kamay. "Ang kulit mo, kagabi ka pa." Wika niya sa kawawang daga.


Dinilaan ang dugo ng dagang ito.


Pagkatapos ay pumunta siya sa shredding machine at dito niya inihulog ang katawan ng patay na daga. Pagkatapos ay naghugas siya ng kamay upang matanggal ang mga dugo dito.


"La-la-la-la-la-la-la-la-la," nagawa niya pang kumanta.


Habang pumipirma ng papeles ay biglang may kumatok.


"Ikaw ba 'yan Jayson?"


Alam na agad ni Leonardo kung sino ang tao sa likod nito.


Malugod na pumasok ang lalaki sa kanyang opisina suot ang itim na jacket. Naka-itim din siyang sumbrero at face mask.


Nagulat si Leonardo nang makita niya ang mukha nito.


"Kumusta?" Tumingin-tingin ito sa paligid ng opisina.

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon