CHAPTER 5: LEON

71 6 11
                                    

Ang una kong pag-ibig at ulan,
Hindi na magkasamang dumating.
Nagalak pa rin naman kahit papaano,
Tulala't malalim ang tingin.

Bumibilis ang bitaw ng puso,
Umiindak sa tuwa ng palihim.
Ang mundo ay parang guguho,
Pakunti-kunting dumidilim.

Lumiliwanag ang buong paligid,
Sa kabila ng hindi magandang panahon.
Hindi maganda ang muling pagkikita,
Ramdam ko na ang patak ng ambon.

Maganda ang pangyayari sa buhay,
Ang susunod na darating ay hindi.
Maayos pa kung hindi nagliway-way,
Kadiliman ang hantungan sa huli.

-Mr. Pride

Ilustrado Unibersidad

[8:00am]


Ang araw ng lunes ay isang ordinaryong araw lang para sa mga estudyante. Samu't saring ingay ang maririnig sa campus galing sa sasakyan at mga mag-aaral dito.


Ngunit nagulantang ang lahat nang makarinig sila ng maingay na sasakyan na kararating lang. Napakamot na lang sa ulo ang guard habang binubuksan ang gate ng school upang papasukin ang isang binata dala ang kanyang bigbike.


"Panis," nakangiting sabi ng mga kalalakihan.


Bumaba ang binata at nagtanggal ng helmet. Naglakad siya papasok ng school at dumiretso sa teacher's faculty.


"Ang pogi be," salitang maririnig sa kalayuan.


Habang umaakyat sa hagdan ay tumawag ang kanyang Ina.


---

PHONE CALL:

Him: Hello. Ma?

Unknown: Ikaw talagang bata ka! Hindi ka man lang nagpaalam nang maihatid kita sa airport.

Him: Sinadya ko po, baka kasi hindi niyo ako paalisin.

Unknown: Kahit na, gusto kitang ihatid.

Him: Ma, hindi na ako bata.

His Mother: Kumusta ka naman diyan sa Pilipinas?

Him: Ayos lang po, ingat kayo diyan ni Papa.

His Mother: Umayos ka sa pag-aaral mo diyan ah.

Him: Opo, mahal po kita.

His Mother: Tatawag ulit ako mamaya.

Him: [Hangs up]

---


Nang makarating sa faculty ay nagtanggal siya ng sapatos bago pumasok at hinanap ang desk ni Mrs. Holland.


"Excuse me hijo? Nababasa mo ba ang nakasulat sa labas? Ang sabi doon, kumatok muna at bumati bago pumasok." Sabi ng isang lalaking guro.


Lumabas ulit ang binata saka siya kumatok at bumati, "Morning."


"Saan ang mesa ni Ginang Holland?" Tanong niya sa mga guro ngunit walang pumapansin sa kanya.


"Anak!" Lumapit sa kanya ang isang babaeng guro at nagpakilala. "Ako si Mrs. Holland. Ikaw ba si Leon?"

VigilanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon