''Wife, who the h*ll are they? Why they keep calling you queen?'' Sunod sunod na tanong ni Zyaire habang nagaayos ako ng seatbelt seryoso ito at halatang napipikon na, dahil puro lalaki ang naririto, kaya kalmado akong tumingin sa kanya at bahagyang ngumiti.
"They are my friends hubby, outside of your bio-data" Makahulungang ani ko, dahilan upang lalong madagdagan ang pagtataka sa kanyang mukha. Hindi ko na sya pinansin at ako na ang nagayos ng seatbelt nya, para kasing di pa nya ma absorb lahat ng nalaman nya.
'Slow naman'
"The fvck, you have more friends that i didn't knew. And most of them are men" Puno ng diing ani nya, hindi na ako nagulat pa at nanatiling kalmado. Inaasahan ko na magiging ganito ang reaksyon nya.
Alam ko namang baliw na baliw sya sa asawa nya, ultimong sina Cash at Coin ay halos ibaon na nya sa lupa sa tuwing nakikipag-usap ako sa kanila.
Gusto ko na nga syang bigwasan, dahil pakiramdam ko ay wala itong tiwala sa akin. Ngunit sa tuwing naiisip ko iyon ay naaalala ko si Zein na ilang beses syang linoko at sinaktan. Hindi ko sya masisisi kung ganito ang asta nya at kung bakit nya kinukulong ang babaeng yon. Masyado nyang mahal si Zein na dumating sa punto na maging ganito na ito
Mahal nga nya ngunit wala naman itong tiwala, pero paano nga ba nya ito pagkakatiwalaan kung may iba syang mahal.I sighed tiredly ayoko ng isipin pa iyon, ang tanging nais ko nalang ay makita nya na magkaiba kami ng babaeng yon. Hindi ako two timer dahil three timer ako noon.
Muli akong tumingin sa kanya "Akala ko bang gusto mong makilala ang Zein na nasa harapan mo" I spat at him, natigilan sya at maya maya ay napa buntong hininga nalang.
"Hinawakan ka ba ng mga yon?" Tila kabadong ani nya, siguro ay takot na baka ma misinterpret ko ang sinabi nya, natawa ako sa aking isipan. Yung naman talaga ang dapat na term dun, bakit ba iba ang iniisip ko.
"Hindi bakit ko naman hahayaan na gawin nila yon, loyal nga ako sa Zaiver eh" Ani ko maya maya ay naramdaman ko ang nakakamatay na tingin nya, kaya malakas akong napahalakhak. Sarap din pagtripan nito e, pikon.
"Biro lang, hindi ko hahayaan na gawin nila yon baka tapusin mo nalang bigla buhay nila" pagpapalit ko sa sinabi ko kanina ngunit hindi ko parin mapigilang tumawa pero natigilan ako sa sinabi nya.
"Yeah, i can do a massacre k*lling to all man who dare to touch you" Seryosong ani nya kaya agad ko syang pinanlakihan ng mata.
'Siraulo, nakalimutan ata nya ang katungkulan nya sa bansa'
"Sira ka talaga, gusto mong patalsikin ka sa trono mo. What you've said can be used against you" Puno na pagaalalang sabi ko, paano nalang kapag nangyari iyon. May mga batas na oras na labagin nya ay maaring magamit laban sa kanya.
"Im serious Zein, i can break all the law i created for you" Diing ani nya alam kong sa mga oras na ito ay maaring magalit na sya kaya mabilis kong hinila ang damit nito at hinalikan sa pisngi.
Naramdaman kong natigilan ito sa ginawa ko, at napansin ko rin ang paglambot ng ekpresyon nya. Kusa akong napangiti ng makita iyon. Ngunit may isang pag galaw akong napansin mula sa likuran, muli akong ngumiti but this time i didn't let my guard down
'Marupok talaga'
"Galit ka parin ba" Maya-mayang tanong ko, tumingin ito sa akin at halos humalakhak nako sa tawa dahil sa mukha nito.
'Mukha ng nabitin'
"Pag sinabi ko bang Oo, gagawin mo uli yon" Wala sa sariling ani nya kaya pabiro kong kinurot ang ilong nya.
"Loko, mahal ang halik ko. Walang libre ngayon. Free taste lang ang ginawa ko" Natatawang biro ko pa saka lumingon sa rear mirror muling akong bumaling sa kanya nakita ko ang pagbusangot nito bago muling magsalita.
YOU ARE READING
FATE SERIES 01: LOVING THE STORM
RomanceWhat if the fearless mafia queen, Reincarnated as an emperor's Obsession?