Katahimikan..
Yan ang namamayani sa aming tatlo ngayon habang naka upo sa mga sofa dito sa living room. Naka upo kaming dalawa ni Zyaire sa mahabang sofa habang si Reign ay sa single sofa naman.
'Hanep, quite contest ba ganap ngayon?'
Maraming tumatakbong katanungan sa utak ko ngayon, ewan ko basta marami. Una na don ang inaakto ni Zyaire kay Reign, ano nangyari sa lalaking to para kasing lalapain na nya yung step sister ni Zein sa tingin nya. Dagdag pa ang bayolenteng pakikitungo nito sa kanya
May nangyari bang hindi ko alam habang unconscious ako?
Maybe, ano bang pake ko.
Bahala sila masakit parin ang loob ko sa babaeng to..
Kahit wala itong kasalanan hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Malay ko ba, baka dahil nakakainis talaga ang pagmumuka nya.
"Ehem"
Nabalik ako sa realidad ng may tumikhim, sino pa ba si Reign. Napa dako ang tingin ko sa basket ng prutas na nasa ibabaw ng hita nito. Kapansin pansin din ang mini skirt nitong halos kita na ang cycling ganon din ang top nito na kita rin ang pusod biglang napa kunot ang noo ko.
Wtf? Talagang haharap sya sa amin na suot to. Accepted naman na around 19 or 20's lang itong si Reign at sigurado na mahilig ito sa mga ganitong damit pero.
No hate sa mga mahilig sa ganitong damit, lalo na sa mga kabataan. Nag susuot din naman ako ng ganito pero maliban sa pinagbawalan akong magsuot ng magaling nyong emperor ay nilulugar ko naman kung saan ko dapat suotin...
"Ahh Zein okay kana ba, I heard what happened nag-alala ako ng sabihin ni papa yung nangyari sayo"
Ani nito gamit ang nag aalalang tono saka inabot ang kamay ko, ilang beses akong napakurap at pa ulit-ulit na napatingin sa kanya ganon din sa kamay nito.Ano daw?
Did i miss something? Napatingin ako kay Zyaire na hawak ang isa ko pang kamay at pinipisil ito. His one hand is holding a magazine, not minding our business. Sinabi ko kanina sa kanya na umalis muna ito, but he insisted at lalo pang dumikit sa amin nangako naman ito na hindi siya makiki alam sa aming usapan not unless may sabihin daw itong hindi nya gusto. Demanding lang.
Muling napatingin ang dako ko kay Reign hawak parin nito ang kamay ko. Maya-maya ay bigla itong ngumiti ng malawak
"It's fine, i know hindi ka pa sanay na may kapatid but im always willing to be your lilsis" wika pa nito, mahihimigan ang saya sa boses nito. Ayoko namang maging kj, she's being nice. Ngumiti rin ako rito bilang tugon.
Wala namang masama, sigurado magiging masaya si Zein kung magkakaroon ito ng taong magmamahal pa sa kanya aside kay Zyaire. Lalo naman akong napangiti sa ideyang iyon, may bad impression man ako sa babaeng to. Siguro ay normal nalang iyon sa kanya, saka tuwing naiisip ko na magiging masaya ang totoong Zein dito pakiramdam ko ay malaking accomplishment iyon sa mission ko.
Hehe binabawi ko na yung line ko kanina na naiinis ako sa kanya. Wala naman pala syang kasalanan tungkol don, peace.
"Okay lang, i understand just call me ata if you want"
Balik kong wika sa kanya sa ngumiti, agad namang napuno ng saya ang muka nito at lalong napangitiParang mapupunit na ata ang labi nito, the h*ll.
"Salamat Zereign, i mean ate pala" kamot batok nito ani, kaya natawa ako. Ang cute!
May kagandahan din naman ito, pero pansin ko mukang wala itong namanang kahit anong facial features sa matandang yon. I mean yung papa nila, siguro maganda yung mama nito. Not gonna like matino naman ang pagmumuka ni tanda, siguradong marami din iyong napaiyak noong kabataan nya kaso yung ugali saksakan ng pangit. Sana hindi yon ang namana ng babaeng to.
Maya-maya ay napansin ko ang presensya ni Zyaire, weird kasi e. Tumingin ako rito at ngayon ko lang napansin na naka tingin ito sa akin no scratch that naka titig ito sa akin. Walang emosyon ang muka nito which is sanay nako, pero may something sa tingin nya bahala sya I'll just ask him mamaya. Binalik ko nalang ang atensyon ko kay Reign na ngayon ay inaayos ang mga prutas sa basket nagulo kasi kanina.
"Here ate, i specially picked those fruits sa garden sa bahay. They're all fresh, that's why did not cover it na"
Ani nito saka inabot ang basket ng prutas, mukang bagong pitas nga ito. Ngumiti naman ako at nagpasalamat."Thanks for this, kakain ko ito ora mismo" biro ko rito
saka tumawa ng mahina ganon din naman ito.'You seeing this scenery Zein, i hope you're happy with it i know you do. You have your lilsis, you're no longer alone in this battle girl you have me and Reign.
I know its too early to think of this but, I'm gonna lose hope finding people that suits im her life. That's my mission, finding her missing piece. At isa na ito sa mga hinahanap ko.
Taong maaring mong sandalan sa kahit anong oras Zeinarah.
Lumipas ang ilang minuto, maybe 1hour and 30 minutes lol.
Bakit ba i enjoy this moment ninanamnam ko lang, marami kaming napagusapan ni Reign. Napag alaman ko na 3rd year college na ito at last year lang sya natagpuan ni papa. Nagtaka ako dahil doon pero sabi naman nito ay maraming proseso ang ginawa para maging legal din itong parte sa aming pamilya. I get that it's a royal family hindi basta-basta ang lahat.
Lumipas pa ang ilang minuto ay napag pasyahan na nitong umuwi, tumawag na rin kasi ang yaya nito mula sa labas at pinapatawag na daw ng aming papa. Kahit kailan epal talaga si tanda ibang klase.
"I'll go ahead na ate, when my time is available. I'll visit again or ikaw ang pumunta don anytime. Get well!" Bati nito ngumiti naman ako at nagpa alam na sa kanya
Sayang talaga..
"Sure, i will. Ingat ka rin!"
We bid our good byes again bago ito tuluyang nawala sa aking paningin ang kanilang sasakyan, nasa main door ako ng mansion dahil hinatid ko ito.
Maya-maya ay napag pasyahan ko ng bumalik sa living room doon ay naabutan ko si Zyaire na may hawak na baso mukang alak ang laman tequila? I guess. He's looking at me intensely, napakunot naman ang noo ko sa inakto nya kanina pa to e, tss kj din katulad ni papa.
Napabuntong hininga ito at tumayo..
"Let's talk wife." With that he started to walk, way to our main staircase.
Talk about what?
YOU ARE READING
FATE SERIES 01: LOVING THE STORM
RomanceWhat if the fearless mafia queen, Reincarnated as an emperor's Obsession?