Pagsapit ng gabi katahimikan ang namayani sa buong palasyo. Marami ang nabahala sa pagsugod ng mga assassins sa amin, Dahil napag alamang parte nga ng isang mafia organization ang mga iyon at gusto kaming iligpit, lalong lalo na si Zyaire.
Napag pasyahan ng mga ministro na dito muna sa palasyo ang magiging sentro ng kanilang mga pagpupulong at ito na muna ang magsisilbing opisina ni Zyaire para narin sa kaligtasan naming dalawa. Wala namang kontra dito ang impakto, mas ayon pa nga raw sya rito at tuwang tuwa pa dahil hindi na daw nya ko kailangang iwan tuwing pupunta sya sa main palace.
Ngayon ay nasa ikalawang pagpupulong pa ito at sigurado akong naiinip na iyon dahil kanina pa sya chat ng chat sa akin, tulad nalang ngayon. Kusa nalang umikot ang aking mata ng mag vibrate muli ang phone ko, alam kong sya yon at magrereklamo nanaman.
Impakto:Wife!! I'm really bored here, i miss you baby.
:👍
Muli akong napairap ng mag vibrate iyon hindi ko ito pinansin at muling dinrop ang kanyang chat saka muling nag scroll ng mga articles, kasalukuyan akong nagbabasa sa social media, mga articles na tungkol sa amin at sa mga assassins na tiangka kaming p*tayin. Mabilis nga talagang kumalat ang chismis, puro kalokohan at kasinungalingan lang ang lumalabas. Nailing nalang ako na nagpatuloy, pero maya-maya ay natigilan ako ng makita ang isang article agad nitong nakuha ang atensyon ko
'Emperor Zyaire is in danger, Ace organization is ready to revenge for their queen'
'Queen in exchange of queen'
Kusang napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng aking organisasyon, totoo nga na active parin sila. Buong akala ko ay binuwag na ni Xvaille ang oraganisasyon matapos kong mawala
yun kase ang sinasabi nya tuwing sasabak kami sa laban noon.'Try to d*e queen, ibebenta ko lahat ng kayaman mo. Pati mga tauhan mo isasangla ko'
Napangisi ako ng maalala yon, hanggang salita lang talaga ang gunggong na iyon. Ngayon sya na ang namamahala sa lahat, at alam kong nasa tamang tao ang mga kayamanan ko. Honestly i miss them Minsan naiisip ko na dalawin manlang sila at ang puntod ko pero hindi ko alam kung saan at sigurado naman ako na hindi ako papayagan ng impakto, baka mag wala pa iyon at ikulong ako. Ngayon pa na pinagkakatiwalaan na nya ako. Lumipas ang minuto ay mas lalo akong naaliw sa pagbabasa, sira lang naman talaga ang maniniwala sa mga article. Puro gawang kwento ang mga ito, pa booggahan at may according to pang nalalaman
''Lady, Hindi nyo parin ba papalitan ang damit nyo. Kahit maligo manlang'' Taas kilay kong linngon si Kzia nakita kong inosnte itong nakatingin sa kabuoan ko na ngayon ay nakapan dekwatro nanamang upo sa may sofa, Pakiramdam ko ay sanay na sya na nakikita akong naka bestida na mukang tomboy sa kilos. Pero ngayon ay gusto ay gusto ko na syang batuhin ng throw pillow sa sinabi nya.
'Makaligo ito, mabaho naba ako para sabihin na iyon'
''Bakit?'' Takang tanong ko, inamoy ko pa ang suot ko maski kili-kili ay inamoy ko baka hindi ko alam ka-amoy ko na pala yung classmate mong naliligo ng pawis kapag papasok, may pahabol pang asim sa armpit. Pero hindi naman ang bango ko pa naman, hindi pa naman siguro makrereklamo si Zyaire sa amoy ko.
'Ayaw naman siguro nyang mawalan ng asawa'
''Bakit lady, wala ka bang balak maligo hanggat hindi ka nangangamoy'' Matalim ko itong tinignan ng sabihin nya iyon, agad naman syang natawa at humingin ng tawad. Tawa pa mag sosorry din
naman, Corny non ah''Whatever oo na, sige kahiya naman sayo maliligo nako'' Asar na sabi ko saka padabog na tumayo
at naglakad, naramdaman ko sa aking likuran ang kanyang pagsunod at sa ngiti nya alam kong hindi pa ito titigil sa pang-aasar'Kamahalan, dapat ay maging magandang halimbawa ka sa iyong nasasakupan, Gusto mo bang dumami ang mga kabataan na hindi naliligo dahil sa iyong kataran'' Agad ko syang tinignan ng masama ng sabihin nya iyon. Sinasabi ba ng babaeng ito na tamad ako?
YOU ARE READING
FATE SERIES 01: LOVING THE STORM
RomansaWhat if the fearless mafia queen, Reincarnated as an emperor's Obsession?