–CHAPTER TWO–
"IKAW YUNG BABAE SA PAINTING" Mahinang bigkas ko sa sobrang pagka-gulat sya naman ay tumingin sa akin gamit ang repleksyon ko sa salamin kagaya ng ginawa ko.
My mind went blank wala akong maintindihan ni isa paanong napunta ako dito sa kwarto nya ulit!...Palabas na ko kanina eh bwisit may bigla pang sumingit na epal!
'BURAOT, KAINIS!'
"Finally, it was nice to meet you Zaina..By the way my name is Zeinarah Deborah Constanza-Cassano but you can call me Zein for short" Aniya sa ka ngumiti tumigil ito sa pagsuklay sa kanyang buhok at saka tuluyang humarap sa akin.
Ganoon din ako blanko ko syang pinagmasdan at inobserba naka-bestida itong blue at kulay asul rin ang kanyang mata. Nice huh! Panis ang blue nya sa dark grey kong mata tsk bwisit.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig ngunit may-diing ani ko. Natigilan naman sya at maya-maya ay sarkastiko itong tumawa. Bigla nag-init ang ulo ko dahil doon kaya wala sa sariling napakapit ako sa kumot na naka-balot sa akin.
'Adik rin ba sya?'
"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa iyo, Kwarto ko ito, kama ko ang hinihigaan mo at damit ko rin ang suot mo. Ngayon ibabalik ko sayo ang tanong mo, Anong ginagawa mo rito?" Mapag-larong tanong nya saka ngumisi sa akin.. Hindi ako sumagot kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko na syang sakalin at ilibing ng buhay.
Mukhang gustong magka-black eye ng mangkukulam na toh
Nanatiling blanko ang ekpresyon ko at buong angas na tumayo mula sa higaan
"Bakit hindi mo itanong sa lalaking nag-dala sa akin dito? Maski nga ako hindi ko rin alam kung bakit ako nandirito" Sarkastikong tugon ko sa sinabi nya. Nadagdagan nanaman ang mga epal ang gusto ko lang naman ay makauwi sa aking mansion at maglaro ulit ng chess kasama si Xvaille hanggang sa magsawa kami.
Nakita ko ang pagsilay muli ng kanyang ngisi
"Pero ako alam ko" Aniya saka ngumiti ng nakakaloko naningkit ang mata ko dahil doon mukha syang engot sa part na yun huh? Akala ko barahan lang ito ng linya mukhang mapapalaban ako sa isang ito tsk."Walang interesado sa alam mo, kaya kung maari ay lalayas nako dito. Dahil baka masiraan nako ng bait kapag nagtagal pa ko dito kasama ka" Pabalang na sagot ko saka nagsimulang maglakad at linagpasan sya.
Ayokong patulan ang bruhang iyon. Hindi pako war freak para patulan sya dahil gaya ng sabi ko nasabugan lang ako ng bomba at hindi ng ulo.
Atsaka para narin sa pagtanaw ko ng utang na loob sa pagligtas nila sa akin. Nakakahiya naman sa iba kung aawayin ko sya.
Muli humakbang papunta sa direksyon ng nilabasan ko kanina ngunit wala pa man akong tatlo hakbang na layo sa kanya ay muli itong nagsalita.
"Masiraan ng ulo? Paano pa kaya kapag sinabi kong ginagamit mo ngayon ang katawan ko" Ani pa nya hindi ko sya hinarap at sumagot
"Hindi ako interasado sa-" Natigilan ako ng marealize ko ang sinabi nya, Limingon nako sa kanya ng tuluyan ngunit nanatiling kalmado ang aking ekspresyon kahit na kanina pa ko kabado!
"Anong sabi mo?" Seryosong sabi ko saka sinalubong ang kulay asul nyang mata.
Ramdam ko ang pagbilis ng kabog sa aking dibdib ganoon din ang panlalamig ng aking kamay."ZAINA GABRIELLE MONESTERIO hindi ko alam kung linoloko mo ko o ang sarili mo. Sa talino at galing mong iyan alam kong alam mo ang ibig kong sabihin kaya bakit ko pa kailangang ipaliwanag sayo" Makahulugang ani nito saka seryosong tumitig sa akin. Hindi ako sumagot at nanatiling lumaban ng titigan sa kanya.
YOU ARE READING
FATE SERIES 01: LOVING THE STORM
Storie d'amoreWhat if the fearless mafia queen, Reincarnated as an emperor's Obsession?