CHAPTER FOURTEEN
''Hubby oh, kape'' May ngiting bungad ko kay Zyaire ng buksan ko ang pinto ng kanyang study room nakadalasan ay nagiging office room na nya. Agad na bumungad sa akin ang pagod nyang mukha, nakasuot ito ng cute kong reading glasses kulay purple ito.
Kanina kasi ay napansin kong hindi ito gumagamit ng salamin baka agad pumula ang mata nya kaya pinahiram kona, akala ko nga ay aarte pa sya. Well kung ako naman iyon ay magrereklamo ako dahil pangbabae talaga ang salamin. Pero masaya pa ito dahil concern daw ko sa kanya
Nang maalala iyon kahit alam kong pagod sya ay hindi ko mapigilang mapangiti pa lalo.
'K*ngina, Zaina kabahan kana napapangiti kana nya'
Napa-iling nalang ako at saka lumapit sa kanyang lamesa mukha kasing hindi nya ko napansin eh. Paano ba naman ay maghapon na itong nagpapaka pagod sa trabaho, Pinagsabihan kasi sya ng Duke slash Tito nya kanina dahil wala pa daw syang natatpos na trabaho at naiipapasa sa Palasyo, Natawa pa nga ako kanina dahil para syang batang pinapagalitan ng tatay nya kanina.
''Wife'' Ngumiti akong muli ng mapansin nya ko akala ko kailangan ko pang mag-acrobatics sa harapan nya mapansin lang ako.
''Kape oh, Baka inaantok kana dyan sa kakabasa mo'' Pabirong ani ko saka pinatong sa gilid ng lamesa ang kape malayo sa mga papeles nya baka kasi matapon ito at mabasa.
''Thank you wife'' Pagod na turan nya tumingin akong muli sa kanya at ngumiti. Ewan ko ba, Bakit nagiging pala ngiti ako simula noong napunta ako sa katawang ito. Feeling ko hindi na ang dahilan ng pagkam*tay ng aking tito ang dahila kung bakit ako masaya ngayon
'Bahala na, Basta masaya ako ngayon'
''Sige na inumin mo na yan, Ako na bahala sa mga natapos mo'' Ani ko nalang hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at nagsimulang pulutin ang mga nagkalat na papel sa sahig, Pinulot ko ang mga papel at saka linagay sa isa pang maliit na lamesa napatingin ako sa orasan na nasa harapan ng lamesa mag aala-singko na ng hapon.
'Ang bilis ng oras, Hapon na pala'
Ito yung oras na feel ko talagang mag Fast Drive at makipag bardagulan sa mga walang ingat at walang habas na nagdidrive sa daan.
'Sarcasm hindi ako kabilang don'
Habang nagpupulot ay naramdaman ko ang paghawak ni Zyaire sa aking braso. Taka akong napalingon sa kanya, Natigilan ako ng makita sya sobrang lambot ng ekspresyon nya ang kainang pagod na Zyaire ay parang nawala
''Bakit?'' Takang tanong ko, Hindi kaya ''Teka ayaw mo bang iligpit ko toh.'' Kinakabahang ani ko agad ko itong binalik sa lamesa ''Sorry
hindi ko sinasadya akala ko kasi-'' Nagulat ako ng bigla nyang hatakin at yakapin ng mahigpit.'Anyare?'
''Thank you wife, I really appreciate your efforts. But you don't have to do this, you don't have to do the things your not that good'' bulong na ani nya habang yakap ako, ngunit imbis na matuwa ay bigla akong nabwisit. Naningkit ang mata ko ng sabihin nya iyon.
Kumalas ako sa yakap at naka pamewang na tinignan sya ng masama.
'Sinasabi ba nya na hindi ako marunong maglinis at, tamad ako!'
''Sinasabi mo bang tamad ako ha!'' Inis na sabi ko, halakhak lang ang sinagot nya dahilan upang lalong maginit ang ulo. Siraulo ito ah
''I didn't say that wife, sayo na mismo nang galing yan'' Pangaasar pa nya saka muling tumawa, Lalo akong nainis. Akala nito hindi ako babawi.
'lintik lang ang walang ganti'
''Come on wife stop doing that, Magdudugtong na ang kilay mo'' Dagdag pa nya, hindi ko sya sinagot saka mabilis na pumunta sa kayang likuran at walang ano-ano ay sumampa sa kanyang batok. Agad syang nataranta habang pilit na binabalanse ang kanyang sarili. Ang kaninang tawa nya ay napalitan ng sunod sunod na mura.
YOU ARE READING
FATE SERIES 01: LOVING THE STORM
RomanceWhat if the fearless mafia queen, Reincarnated as an emperor's Obsession?