Lumipas ang dalawang linggo, na puno ng saya at kaguluhan dito sa palasyo. Puro sakit sa ulo ang mga pangyayari ngunit nasisiguro naming dalawa na masasaya ang mga iyon. Sermon dito, kuda doon iyon parati nabubungaran kapag may kalokohang nagyayari, mabuti nalang at walang high blood sa mga tao dito, dahil sigurado ako baka atakihin sya at m*matay ng maaga sa lupet ng kabalbalan namin wala talagang tatagal ang buhay dito sa palasyo....
Hindi lang dahil sa akin, kung di dahil na rin sa kanya. Tulad nalang ng nangyayari ngayon.
''Asus maria napupuno ka ng grasya, saan nanaman ba kayo nagpunta ha. Bakit ganyan ang inyong kasuotan, dinaig nyo pa ang sumabak sa giyera.'' Nag aalalang sermon sa amin ng inang imperatris nakatayo ito sa aming harapan at naka pamewang pa, habang kaming dalawa ng impakto ay nakayuko nalang at natatawang sinusulyapan ng isa't isa.
'Pfttt'
'I told you baby, that thing will explode' Bulong nito mahina akong napa bungisngis ng sabihin nya iyon. Malay ba namin na ganon nakita ko lang naman sa tiktok yon kasalanan nung experiment ng experiment din naman totoo.
''Ano tinatawa-tawa nto dyan!'' Bumalik kami sa seryong pag upo ng biglang sumigaw ang nanay ni Zyaire, muka kaming batang sinesermonan ng nanay ngayon. Gusto kong humagalpak ng tawa, habang tinitignan ang mga nakatingin na tauhan namin. Sa tuwing ganito ang sitwasyon naming dalawa ni Zyaire ay dinaig pa nila ang naka kita ng maligno, Pl
Para namang hindi kapani paniwala na kayang gawin ng impakto ang mga yon. Sa totoo lang ay ang OA nila, Linalabas ko lang ang true colors nya.
''Empress Zeinarah...''
Napa balik ako sa realidad ng biglang tawagin ng inang imperatris ang pangalan ko, Inosente akong tumitig sa kanya.
''Po?''
''Ano nanaman ang ginawa ni Zyaire at nagka ganyan ang mga wangis ninyo, Look at your skin ang dungis mo na. Okay pa sana kung si Zyaro ang madungisan, balat kalabaw naman ya-''
''MOM!'' Muli akong napa bungisngis ng taasan sya ng kilay ng nanay nya, Ibang klase talaga ang pamilya Cassano parang walang mataas na katayuan sa monarchy ng Zyria.
'Balat kalabaw ka pala eh' Mahinang katyaw ko sa kanya napabusangot naman ito at saka mabilis na tumayo
''What?'' Mataray na sabi nito saka naupo sa isang sofa na kaharap lang namin. Sa tabi nito ay nororoon ang tatay ng impakto umiinom ng tsaa habang nagbabasa ng dyaryo.
Sa buong vacation nila this week ay puro sermon lang ang kaganapan sa palasyo, Mukang na sanay na ang ama ng Cassano at parang wala lang nangyayaring eksena sa kanyang harapan.
''You don't have to say that, saka sya naman ang pasimuno'' Parang batang sumbong nito sabay turo pa sa akin napatingin ako sa kanya tinaasan ko rin ito ng kilay ng sabihin nya iyon napa iwas naman ito ng tingin.
''Sabi ko nga ako ang pasimuno'' Mahinang bulong nya saka muling na-upo at yumuko. Hindi ko naman ito pinansin bahala sya dyan at tumingin sa inang imperatris nakatingin din ito sa amin at mukang problemado na napahawak pa ito sa kanyang sentido.
Kasalanan talaga ito ng tiktok experiment na yan, dapat talaga ipa ban na dito naninira ng imahe. Muka tuloy kaming engot ngayon, badtrip.
'Wife?' Rinig kong tawag ni Zyaire, kinalbit pa ako nito pero hindi ko ito pinansin
'Zein?' NO IGNORE HIM
'Zaina?' Nye-nye wala akong naririnig
'BABYYY!' Agad na nanlaki ang mata ko ng ibulyaw nya iyon, Taenis talaga! gulat akong napatingin sa kanya. Pinanlakihan ko ito ng mata para sabihing manahimik pero sadyang gumaganti ito at inosente lang na tumingin sa akin.
YOU ARE READING
FATE SERIES 01: LOVING THE STORM
RomanceWhat if the fearless mafia queen, Reincarnated as an emperor's Obsession?