Chapter 41
I Don't Care. I Do Care.
(Zayn's POV)
"At the age of twenty? How come? Umalis ka sa Pilipinas at the age of seventeen."
Totoo ba tong narinig ko? Talaga bang curious si Scarlet sakin ngayon?
Napangiti na lang ako ng hindi ko namamalayan. Sino ba namang hindi? Kahit galit siya sakin, ito at may bagay pa ring gustong malaman sakin.
"Ako kasi ang nag-manage ng business na naiwan ni papa sa loob ng tatlong taon. Hinintay ko pa kasi yung kapatid ko na maglegal age para mailipat na ng tuluyan sa kanya ang business. Iyon din ang dahilan kung bakit umalis ako noon agad," pagpapaliwanag ko habang nagpipigil ng saya. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko maipapaliwanag sa kanya ang dahilan ng pag alis ko noon.
Bigla namang nag iba ang tingin sakin ni Scarlet. Parang.. galit.
"May problema ba?" Pagtatanong ko ng nag aalala. Galit pa rin siyang nakatingin sakin.
"Oh yeah. That was the time you left with Cezane, right?"
Ah kaya naman pala biglang ganun ang tingin niya sakin. Sa isip isip pa rin niya, iniwan ko siya dahil kay Cezane, when in fact, wala lang akong choice.
"Mag isa lang akong umalis, Scarlet." Inirapan niya ako na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Hindi naman totoong may relasyon kami ni Cezane noon. I lied."
Binaling niya ulit ang tingin niya sakin at ngayon ay nagtataka na siyang nakatingin sakin. "What do you mean?"
"Not now, Scarlet," narinig kong bulong ni hilaw kay Scarlet habang nakatingin sa paligid. Napatingin na rin ako sa paligid at nakita na nagbubulungan na pala ang mga tao.
Mukha namang napansin na din iyon ni Scarlet. Nagpeke siya ng ubo at binati ako.
"Good luck, Mr. Gonzalez," sabi niya at inabot sakin ang kamay niya. Tinanggap ko iyon at nakipagkamay ako.
Pagkatapos non ay inalalayan na siya ni hilaw sa susunod na chef na kailangan niyang batiin.
BINABASA MO ANG
Let's Flip a Coin. Heads, "You're Mine". Tails, "I'm Yours"
De TodoI will be revising some chapters of this story. Inuuna ko lang ang DTBWY then IYD. Reasons are: -kajejehan ng narration; and -kakornihan Nakakagoosebumps lang. If you're still willing to read this story, then, please, do feel free to do so. Thanks :...