Chapter 12 Part II --- The Past

210 8 0
                                    

Chapter 12 Part II

The Past

(Zayn's POV)

Pagkatapos ng klase namin ng babe ko ay lumabas na din agad kami. Pinauna ko na sya sa canteen kasi kakausapin pa ako ng teacher namin sa klase. Pinanood ko syang maglakad pero bigla kong naalala na konti lang kumain si Babe ko kaya tinawag ko sya.

"Babe."

Humarap sya sakin.

"Mm?"

"Magpakabusog ka, ha?"

Tumango sya sakin tapos magsisimula na ulit maglakad pero tinawag ko sya ulit.

Ewan ko ba pero parang ayoko talagang nalalayo sakin ang babe ko. Namimiss ko sya agad.

"Babe."

"Wha---"

"I love you."

Ang cute nya. Nagblush kasi sya. Sobrang pula ng pisngi nya. Hindi sya nagsasalita kaya tinanong ko na sya.

"Wala ka man lang bang sasabihin, babe?"

Katulad kanina, hindi sya umimik. Bigla ako nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Hala? Anong nangyayari sakin?

"Sige na nga. Wag na. Maghihintay na lang ako pag kaya mo na yun sabihin."

Pagkasabi ko nun ay nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya. Ang sakit pa din ng dibdib ko. Sabagay, kung iisipin naman, hindi naman talaga nya ako mahal. Nagkarelasyon lang kami dahil sa isang barya.

"Z-Zayn."

Napatigil ako sa napakabagal kong paglalakad at nilingon ang babe ko, "Bakit?"

Tumungo sya bago magsalita este bumulong. Hindi ko nga sya naintindihan eh. Medyo malayo na din kasi ako sa kanya kaya hindi ko maiintindihan ang pagbulong nyang yun.

"Ano yun, babe? Anong binubulong mo dyan?"

Tumingin sya sakin ng sabihin ko yun tapos ang sama ng tingin nya sakin. Ano nanaman bang nagawa ko? Huhu.

"Uy. Ano nga yun, babe?"

Bumulong nanaman sya kaya hindi ko naintindihan. Babe ko talaga, ang kulit. Kahit mukha syang mataray ay mali. Mataray man sya, mabait naman talaga sya eh. Kung may nakakakilala man sa kanya, ako yun.

"Babe naman eh. Hindi kaya kita marinig."

"I said I like you! What are you?! Deaf or something?!"

Pagkasabi nya nun ay naglakad na sya palayo. Naiwan naman akong gulat na gulat sa sinigaw nya. Ang saya ko kasi narinig ko na din syang sabihin sakin na gusto na nya ako. Pinanood ko syang magmartsa palayo sakin.

Let's Flip a Coin. Heads, "You're Mine". Tails, "I'm Yours"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon