Chapter 26
So It's Him?
(Zayn's POV)
"It felt so real, babe. It was as if I was the chubby little girl..."
Kanina pa yan nag eecho sa isip ko. Posible kayang may napaginipan si babe tungkol sa nakaraan nya?
Kung meron, ano?
Yung panahon na iniwan ko sya?
Yung panahon na iniwan sya ni madame?
O...
Yung panahon na naaksidente sya?
"Aish!" - bulyaw ko at dumapa.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko dito sa condo. Kahapon ko pa iniisip to hanggang ngayong umagang paggising ko.
It keeps bothering me!
Natatakot ako na may maalala si Scarlet at magalit sya ulit sakin.
Though, a part of me wants her to remember.
Kaya nga pinadala ko sa kanya yung human size teddy bear na binigay ko sa kanya noong mga bata pa kami. Pinag ipunan ko talaga yung teddy bear na yun.
[Flashback]
"Wow."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko yang sinabi ni Scarlet.
Tumingin ako sa tinitingnan nya at nakita ko ang kasing laki naming teddy bear.
"Gusto mo nan?" - pagtatanong ko.
Tumango tango lang sya.
"Osige. Hintayin mo, mag-iipon ako tapos bibilhin ko yan para sayo."
Nilingon nya ako at nakita kong tuwang tuwa sya.
"Talaga?" - pagtatanong nya at mahahalata mo sa boses nya naa tuwang tuwa sya.
"Oo naman."
Halos isang taon ko din pinag ipunan yung teddy bear. Ang mahal kasi eh. Buti na lang malaki ang napamaskuhan ko sa ninong ko kaya nakabili agad ako noong mag bagong taon. Wala na dun yung teddy bear na gustung gusto ni Scarlet kaya bumili na lang ako ng iba. Kasing laki pa din naman nung una pero mas mura kaysa dun sa gusto nya kaya naman nakabili pa ako ng ice cream. Tapos yung teddy bear na binili ko ay may kapartner na. Ang cute nga eh.
Umuwi muna ako para maitago ko na yung babaeng teddy bear pagkatapos ay pumunta na ako kayla Scarlet dala dala yung lalaking teddy bear.
"Hello po, tatay. Andyan po si Letlet?" - tanong ko sa papa ni Scarlet. Tatay kasi tawag ko sa papa ni Scarlet.
"Ikaw pala, hijo. Nandun sya sa kwarto nya. Teka, ano yang malaking box na dala mo?" - sabi nya at umupo sa harap ko para magkalevel kami.
"Teddy bear po. Regalo ko kay Letlet."
"Hahaha. Baka naman nililigawan mo na ang prinsesa ko, ha? Maghintay ka munang makagraduate kayo ng kolehiyo."
"Opo naman! Gagalingan ko po para ako top 1. Pag po nangyari yun, papakasalan ko agad si Letlet."
Tinapik tapik ng papa ni Scarlet ang ulo ko habang tumatawa.
"Hahahaha Osige. Kasunduan yan, huh? Hahayaan kitang pakasalan ang prinsesa ko basta grumaduate ka ng top one ngayong elementary, high school at college mo."
Tumango ako bilang sagot.
"Hahahahaha. Osige na. Pasok ka na. Nandun sya sa kwarto nya. May tea party sila ng Mr. Kittens nya."
BINABASA MO ANG
Let's Flip a Coin. Heads, "You're Mine". Tails, "I'm Yours"
De TodoI will be revising some chapters of this story. Inuuna ko lang ang DTBWY then IYD. Reasons are: -kajejehan ng narration; and -kakornihan Nakakagoosebumps lang. If you're still willing to read this story, then, please, do feel free to do so. Thanks :...