Chapter 29
Everything Really is Complicated
(Zayn's POV)
Makalipas ang ilang araw...
"Ang mga lalaki ay dapat hindi na dumadagdag pa sa sakit na nararamdaman ng mga babae. Dahil ang mga babae, buwan-buwan ng namomroblema."
Yan ang natutunan ko nitong nakaraang araw. Juicecolored! Totoo palang mahirap magkamenstruation. Awang awa ako kay babe. Hindi lang isang araw namimilipit sa sakit ang babe ko. Dalawang araw na magkasunod. Normal lang daw yun pero nakakaawa talaga babe ko.
Minsan aatakihin sya ng sakit ng puson habang nagkaklase ang teacher namin. Kapag nga nag-eexcuse sya para lumabas, pati ako damay. Sa totoo lang, ayaw nya na sinasamahan ko sya pero nagpupumilit ako. Ayaw ko namang mag-isa lang ang babe ko.
Pag inaatake sya, hindi sya sa clinic napunta. Sa rooftop.
Wala naman kasi masyadong tao sa rooftop. Ay hindi. Wala pala talagang tao sa rooftop.
Nung pangatlong araw, hindi na sumasakit ang puson nya. Tinanong ko sya kung bakit ganun. Eh kasi diba, two days sumakit ang puson nya. Bakit nung third day hindi na?
Hindi naman nya sinagot ang tanong ko. Nagalit pa nga sakin nung tinanong ko sya eh kaya nanahimik na lang ako.
Naglalakad kami ngayon ni babe palabas ng school. Awas na kasi kami. Ang sabi nya, nakapark na daw sa school gate yung kotse nya at hinihintay na daw sya ni kuya Ken.
"Babe, kamusta? May dalaw ka pa din?" - pagtatanong ko. Nauunang maglakad si babe. Ganyan naman lagi. Hirap na nga ako makipag HHWWNMPSSPa sa kanya eh. Namimiss ko na yun. *pout*
Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil sa paglalakad si babe at harapin ako.
"Do you have to f*ckin ask me about my period all day?!"
"Eh babe, nag-aalala lang naman ako eh. Atsaka hindi mo naman ako sinasagot pag tinatanong kita."
Nakita ko na napaface palm na si babe.
Huhuhuhu. Bakit nanaman ba? Nagtatanong lang naman ako.
"Today is my fourth day. So apparently, wala na kong dalaw. Jeez, Zayn. Please stop asking me about my period every f*ckin day because it's so embarrassing!"
"Osige, babe. Hehe. Madali naman ako kausap."
Nag-umpisa na ulit maglakad si babe. Naiiling akong sumunod sa kanya.
Ang moody talaga ng babe ko kahit wala na syang dalaw.
Everything was fine until...
"Hi, cous!"
I saw her. Si Cezane.
"Cous!" - bati ni babe pabalik.
Nang magkatagpo sila ay nagyakapan sila. Why do girls love to hug each other? Nagkita naman sila nung nakaraang araw.
Habang nakayakap si Babe kay Cezane ay bigla syang nagsalita nito, "You?! What the hell are you doing here?!"
Sinundan ko ang tinitingnan ni Babe at nakita ko sya..
Nakita ko si hilaw! Nakatayo sa may school gate! Ano ba?! Anong ginagawa ng dalawang to dito?!
Pero teka...
Magkakilala na sila ni babe?
Kailan pa?!
Lumapit si hilaw sa kinakatayuan ni Babe at ni Cezane.
BINABASA MO ANG
Let's Flip a Coin. Heads, "You're Mine". Tails, "I'm Yours"
RandomI will be revising some chapters of this story. Inuuna ko lang ang DTBWY then IYD. Reasons are: -kajejehan ng narration; and -kakornihan Nakakagoosebumps lang. If you're still willing to read this story, then, please, do feel free to do so. Thanks :...