"A-Aray," nag-iinit ang mga pisnging pagrereklamo ni Charito habang nakakuyom ang mga kamao. "Tama na, baka dumugo 'yan lalo!"
"Kaunting tiis pa," may tono ng panunuyo na sinabi naman ni Pablo. "Pagkatapos nito, magiging maayos na ang pakiramdam mo."
"Masakit na talaga, e," mangiyak-ngiyak na sinambit pa rin ng kausap. "Huwag mo naman idiin masyado! Baka mamaga na e!"
"Heto na nga, pinaka-gentle na nga ang ginagawa ko. Malapit na akong matapos..."
Maingat na pinahid niya ang basang bulak na may pinakuluang dahon ng bayabas sa sugat ni Charito at pinunasan ang natuyong dugo sa paligid niyon. Pagkatapos ay kinuha niya ang gasa at medical tape upang matakpan na ang pinsala. Subalit, kahit anong ingat niya ay napaiyak pa rin ang ginagamot dahil may kalaliman ang sugat nito sa hita na dulot ng pagkakatusok ng alambre.
"Ay! Ramdam ko, ang sakit!" pagtili niya nang maramdaman ang magkahalong hapdi at lamog. "Sagad na yata sa buto ko, huhuhu!"
Nakaawang ang mga bibig na pinanood lang sila ng mga kamag-anak ng dalaga habang nililinisan ng inaakala nilang mister nga niya. Sa pamamaraan ng pag-uusap pa naman ng dalawa, hindi nila maiwasan na maging green-minded at ma-imagine ang mga bagay na ginagawa lamang ng tunay na mag-asawa. Honeymoon na ang narating ng kanilang mga isipan kaya pigil na napahagikgik ang mga kababaihang lihim ng may paghanga sa mestisong dayo at medyo naiinggit pa kay Charito.
"Kung makaiyak ka, wagas!" pagbibiro na ni Pablo upang tumahan na ang ginagamot na kanina pa humihikbi. Nang masigurong maayos na ang pagkakadikit ng gasa, binaba na niya ang palda nito na nakalislis lang nang kaunti. "Para kang baby, hahaha!"
"Hindi na ako baby!" mariin na pagtanggi naman ng kinakantyawan. "Eighteen na kaya ako!"
"Hmmm, mukha ka pa rin nene, kaya baby ka pa rin para sa akin!"
"Hindi kaya!"
"Ka-cute mo naman kapag naiinis! Mas tumatambok 'yun cheeks mo! Butchug!" Kinurot pa niya ito sa pisngi kaya mas nainis ang kinatutuwaan sa pagtrato niya na parang paslit lang. "Smile na 'yan, huwag nang magalit si Baby Charito!"
"Hmph! Ganyan mo ba dapat ako kausapin na misis mo?" napipikon nang pagpapaalala nito kaya bumalik na sa isipan niya ang pagpapanggap nila. Parang nakababatang kapatid lang kasi ang tingin niya sa dalagang halos sampung taon ang tanda niya kaya muntikan na niyang makalimutan na fake wife niya ito.
"Malayo 'yan sugat mo sa bituka kaya relax ka lang, neh?" paglilihis na niya ng usapan upang hindi na mapagdudahan pa ng mga naroon ang tunay nilang relasyon. "Bukas, papalitan ko ulit 'yan para maiwasan ang infection. Sa ngayon, ingatan mo muna na huwag mabasa 'yan."
"Kailan nga ba kayo naikasal?" pagsingit na ng ina ni Charito na si Aling Sally, na hindi pa rin makapaniwalang may napangasawa na ang bunsong anak. "Parang kaka-birthday mo lang. Mabilis yata ang naging desisyon niyo na mag-isang dibdib na."
"Hindi ko na kailangang pag-isipan pa!" mabilis na pagsagot naman ng anak. "Sa gwapo ba naman niya, baka po maunahan pa ako ng umaaligid na ibang mga babae! Ayaw ko na siyang pakawalan!"
"Pero, halos dalawang linggo ka pa lang na naglayas," pagdududa pa rin ng kanyang nanay. "Baka naman, nagsisinungaling ka lang para maiwasan na maialay sa bakunawa!"
"H-Hindi po!" nauutal nang napabulalas ng dalaga. Kabadong napatingin na lang siya sa katabi na para bang nanghihingi na ng saklolo laban sa inang mapanuri at halatang wala man pakialam sa kalagayan ng kadugo.
"Whirlwind romance," pagsalo na ni Pablo nang mapansing nauubusan na ng palusot ang pinoprotektahan. "Naikasal na kami sa pari, dalawang araw na ang nakalilipas. Kakilala ko 'yun kura paroko kaya madali lang para sa amin ang mag-isang dibdib. Masaya kami sa piling ng bawat isa kaya hindi ko na pinatagal pa at inaya na siyang sumama sa akin."
BINABASA MO ANG
Pablo
ParanormalTaong 1962, ang panahong namamayagpag sina Amalia Fuentes at Gloria Romero ng Sampaguita Pictures, may isang kakatwang pari na nanilbihan sa parokya ng San Nicolas. Ang pangalan niya ay Pablo at kilala siya dahil sa angking katapangan na kahit mism...