Case Number 6: Blood

44 2 0
                                    


-PART 1-

Umalingangaw ang hiyaw ng kaawa-awang mga dalagita na nakatali nang patiwarik sa Kastilyo ng Csejte, Slovakia.

Taong 1610, dalawang gabi bago ang bagong taon, habang ang karamihan ay kumakain ng tinapay at sopas bilang hapunan, ibang putahe naman ang pinagkakaabalahan ng may edad na kondesa.

Dala-dala ang isang gintong mangkok, lumapit siya kay Eszter na dati ay isa sa mga alila. Nakangising hinawakan niya ang mahabang buhok nito at sinalat ang leeg kung saan mas malakas ang pagdaloy ng dugo.

"M-Maawa po kayo," pagsusumamo ng dalagita na hinang-hina na rin nang dahil sa mga natamong sugat mula sa amo.

"Hmmm, pero mailangan kitang isakripisyo," kaswal na sinabi lang nito habang tinatapik-tapik pa ang pisngi ng alipin na katorse anyos pa lamang. Ilang sandali lang ay sinampal niyo iyon sapagkat naiinggit at naiinis siya sa kabataan nito. Pinaglipasan na ng panahon ang kondesa kaya napopoot siya sa mga babae na higit na mas bata at maganda sa kanya.

"G-Gusto kong makita si Inay...pakiusap...ako na lang ang maaasahan niya...maysakit pa siya," habol ang hiningang pagmamakaawa ng biktima. "H-Hindi ko siya pwedeng iwanan!"

Tila ba walang narinig ang pinapakiusapan sapagkat parang manok lang niya itong ginilitan sa leeg. Sumirit ang dugo at tumalsik sa braso kaya natuwa pa ang mala-demonyong babae. Pakiramdam niya ay mas bumata pa ang kanyang katawan nang unti-unting nawalan ng buhay ang pinaslang. Sabik na pinahid pa niya sa mukha ang umaagos na dugo paibaba sa bangkay sa pag-aakalang maibabalik niyon ang kagandahan noong edad na hinahangaan pa siya ng maraming lalaki.

Habang ginagawa ang napakabrutal na akto, sakto naman na bumukas ang bakal na pintuan. Lumantad doon and imbestigador na si Thurzo, kasama ang iilang mga pulis na matagal na pala siyang minamatyagan dahil sa napapabalitang nawawalang mga babae at huling nakita malapit sa kastilyo.

"Countess Elizabeth Bathory, ikaw ay inaaresto namin sa salang pagpatay at pagpapahirap sa mahigat tatlong daang mga babae..."

Taong 1962, isang malamig na umaga ang gumising sa kura paroko ng San Nicolas. Ramdam ni Pablo ang kakaibang ginaw kaya nang may umihip na hangin mula sa bintana, nanuot iyon sa kanyang katawan. Napabuntong-hininga na lang siya nang maramdaman ang pagkirot ng kasu-kasuan na para bang magkakatrangkaso pa siya.

"Hindi ko gusto ang panahon," matamlay na naisip pa niya. "Kadalasan, may nagbabadyang hindi maganda o kaya naman ay may malakas at masamang espiritu ang nasa teritoryo kapag ganito ang pakiramdam ko."

Napahiling na lang siya na sana ay mali ang hinala sapagkat kahit sanay man na may nakakalabang elemento, malaking abala iyon sa kanya. Kung maaari lang, nais na lang niyang gawin ang responsibilidad ng normal na pari na nagmimisa, nagpapakumpisal at tumutulong sa mga nangangailangan, hindi ang nakikipaghabulan o nakikipagbardagulan sa mga demonyo, multo, bampira at marami pang iba.

"Sana, walang masamang mangyari," pamamag-asa pa rin niya habang binubuksan ang kabinet kung saan naroon ang abito.

Subalit, tila ba hindi siya pinagbigyan ng langit sa kahilingan dahil hindi pa man nakalalayo mula sa rectory, bumungad na ang salbaheng alkalde na si Art. Nang makita ang kinaiinisang lalaki, binalak pa niyang takasan iyon sa pamamagitan nang paglihis ng daan patungo sa hardin, ngunit mabilis naman din siyang napansin nito.

"Uy, Father!" pagbati pa nito kasabay ng pagtapik sa balikat niya. "My friend!"

"Uy, Art!" sarkastikong pagsagot din niya sa pulitiko na malakas ang kutob niya na may hihingin na naman na malaking pabor. "Hulaan ko, my friend! Siguro, may favor ka na naman na hihingin?"

"Tumpak! Kilala mo na talaga ako! Hahaha! Pero good news ito, huwag kang mag-alala!"

"Kinakabahan ako kapag good news ang sinasabi mo," pagkontra pa rin ng pari. "Pwede ba na sa ibang araw mo na lang ikuwento because I'm busy, my friend."

PabloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon