Special Chapter: You May Kiss the Bride

39 2 1
                                    

Title: Pablo
Genre: Slice of Life
Author: Wiz Ligera

Special Chapter: You May Kiss the Bride

Paunawa: Naisip ko lang bigla. Ang saya siguro kung si Father Pablo ang magkakasal, ano? Walang boring na moment! Kaya heto ang maikling story na hindi related sa paranormal para maiba naman.

Isang maalinsangang Linggo, aligaga na ang bride na si Antonia dahil late na ang groom niya. Alas-siete dapat ang kasal pero lagpas alas-otso na. Nag-walk out na ang magkakasal sana sa kanilang masungit na pari kaya mas kabado na siya. Dahil doon ay naghanap na ang mga organizers sa malalapit na parish kung sino ang paring papayag na magkasal.

Kabang-kaba na siya dahil wala na ngang pari, hindi pa mahagilap ang groom. 'Di nagtagal ay may humintong taxi at inakala ng lahat na iyon na ang magiging kabiyak ng babae.

Laglag-panga silang lahat nang lumabas ang isang makisig na lalaking tila ba nagmula sa lahi ni Adonis. May suot itong itim na pantalon at manipis na puting t-shirt kaya nang masilayan ng araw ay naaninag pa ang ganda ng katawan nito. Mula sa mala-abong mga mata nito at kakisigang dinaig pa ang mga artista at modelo, maging ang bride ay napanganga na lamang.

"Ay, ayan na siguro si groom!" halos sabay-sabay na nasabi ng mga nakikiusyoso lang sa kasal.

Tila ba nag-slow motion ang lahat kay Antonia nang lumapit sa kanya ang pinakaguwapong lalaki na nakita sa tanang-buhay niya. Nabitiwan pa niya ang dala-dalang flower bouquet nang ngitian pa siya nito.

"Good morning, " pagbati pa nito kaya napaawang lalo ang bibig niya at kaunti na lang ay maglalaway na.

"A...a...e...hehehe..." ang tanging nausal niya. "G-Good morning din!"

Subalit, magigising siya sa katotohanan nang may humintong puting kotse sa tapat at lumabas ang humahangos na lalaking naka-Barong Tagalog.

"Sorry, na-late ako!" paghingi nito ng paumanhin sa kanya. "Nasunog kasi ng plantsa ang pangkasal ko kaya nag-rent muna ako sa katabing punerarya ng Barong Tagalog!"

"Ah, ikaw pala ang groom!" pagbati na ng poging lalaki na ang pangalan pala ay Pablo Sandoval, ang parish priest ng San Nicolas. "Ikaw pala ang may dahilan kung bakit galit na galit 'yun parish priest dito, gustong manakit! Ayaw nang magkasal kaya ako ang pinadala rito ng obispo!"

"H-Ha?" halos sabay-sabay na bulalas ng mga nakikiusyo roon na akala ay siya ang groom. Hindi sila makapaniwala na ang mestisong binata na may lahing Kastila ay isa rin palang pari.

"E bakit kasi alam mo na kasal natin, ngayon ka lang namalantsa?" paninita na ni Antonia kay Nicanor, ang groom. "Hindi ka na nahiya kina Father, late na late ka!"

"Sorry na, mahal. Akala ko kasi, mabilis lang unatin ang gusot ng barong..."

"Hmph! Ang sabihin mo, ayaw mo na yatang matuloy ang kasal!"

"Hindi totoo 'yan! Aksidente talaga ang nangyari sa barong ko!"

"Ugh!" umiikot ang mga matang panunuplada pa rin ni Antonia. "Bilad na bilad na kami rito sa labas, for your information!"

"Huwag na kayong mag-away, neh?" pag-awat na ni Pablo sa dalawa upang kumalma na. "Pero next time, on time, ha! Bawal ma-late sa kasal!"

"Pero Father, wala ng next time ang kasal sa Simbahan, 'di po ba?" pagpapaalala ng bride. "Wala ng next time!"

"Ah! Oo nga pala," patango-tangong pagsang-ayon naman niya. "Lutang lang ako kaya kalimutan mo na ang sinabi ko."

"Once in a lifetime lang ito pero na-late pa siya!" paninisi pa rin niya kay Nicanor na namamawis na nang malapot dahil sa inis ng magiging misis. "Wala na, sira na ang moment ko na magmartsa nang maaga sa Simbahan! Seven o'clock dapat ang simula ng wedding pero pasado eight na! Muntik pa kaming mawalan ng pari! Kasalanan niya ang lahat!"

PabloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon