[Chapter 18] Lies
Being a reckless girl has never ever been on my list of attitudes. Kapag may ginagawa akong kalokohan, I make sure that walang nakakaalam ng ginawa ko kahit na sino. Probably because ayaw kong masira yung reputasyon ko sa ibang tao. Ayaw ko yung tinitignan nila ako na para bang napakalaki ng kasalanan ko. Simply, I'm afraid na mabisto ako ninuman sa mga ginagawa.
And this scenario is one of the memories I'd like to bury six feet deep.
"Uhm... anong ginagawa niyo?" Clay broke another wall of silence.
Napatingin ako kay Wren. Nakaibabaw pa rin siya sa akin pero nakatingin siya kila Clay at Liesl.
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig na ang natatanging warmth lang na natira sa katawan ko ay ang sobrang pula kong pisngi.
I kicked his thing para mawala ang pagkaibabaw niya sa akin.
He groaned in pain while falling off the sofa.
Umupo agad ako ng maayos.
Clay immediately rescued to Wren's aid. Tinulungan niya itong makatayo at iniupo sa sofa.
"I'll just get some ice," Liesl proclaimed. Tumayo ako.
"Samahan na kita," sabi ko at tumingin kay Wren. "Sorry." I embarrassedly uttered. Pinanlisikan lang niya ako ng mata. Si Clay naman ay napangiti.
I followed Liesl to the kitchen. Since bestfriend ko siya, kabisado na rin niya ang pasikot sikot dito sa bahay namin. Alam nga niya kung saan nakalagay yung undies ko e. Ganyan kaming dalawa. No secrets.
Binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang cube ice namin.
I sensed her smile. Mukhang iba ang pagkaintindi niya sa nakita niya.
"Hindi mo naman kailangang mahiya... mukhang ikaw pala yung type ng girl na gustong may mangyari muna bago magkaaminan. Siguro after or during non? Dun mo ba aaminin?" tanong niya, laughing.
Sapo ko na ang ulo ko. Ito ang mahirap e. It's difficult to explain to Liesl. Hindi kasi bukas ang ulo niya sa mga possibilidad. She only believes kung ano man ang gusto niyang paniwalaan. Hindi man niya iniisip na may iba pa palang meaning yun.
"Shut it, Estrada. Walang meaning yung nakita mo kanina." I clarified.
Nawala na ang ngiti sa bibig niya pero halatang pinipigilan niya ang pagtawa. Nakakainis naman e. Bakit kailangang sa ganoong akto pa kami mahuli? Ngayon pagbabayaran ko ang consequences ng pagkahuli sa akin. Buti sana kung may nangyari talaga e, hindi ako magsisisi na pagbayaran kung may kasalanan talaga ko. Pero wala naman talaga e. I'm innocent.
"Kasi naman. Dapat sa kwarto ginagawa 'yun." Liesl clicked her tongue. "Mas safe dun. Hindi pa kayo mahuhuli ni Manang Belinda."
Hinampas ko ang braso niya. "Sinabi nang wala yun e! Bakit ako magtatago sa kwarto kasama ang lalaking 'yon?! You know me, ni kiss nga ay hindi ko pa binibigay. Pati ba naman buong sarili ko! Saka, wala pa naman akong boyfriend ah!"
Ngumuso siya. "E anong tawag mo dun sa nakita namin? Bahay bahayan? Tingin mo may maniniwala sa palusot mong bulok?"
I sighed. "Ayaw ko nang pag-awayan pa iyan. Hindi naman kasi totoo e."
She comforted my back. "Wag nang iiyak baby."
Umiwas ako at lumabas ng kusina. Sumunod naman siya. Dumaan ako sa sala pero hindi ako tumingin sa kanila. Magpapanggap akong galit. Hmp!
I remained my poker face. Dumiretso ako papasok sa kwarto ko nang walang alang alang. I heard Liz called me behind pero hindi ako lumingon o tumigil. Derederetso lang. Bahala sila sa buhay nila.
Sinarado ko yung pintuan pero hindi ko nilock. Hahayaan ko silang maghabol sa akin. This is my time to host a game.
Sinadya ko ring binalibag yung pintuan. Sobrang lakas nun na para bang lumindol yung tinatayuan ko. Sa sobrang lakas nun, yumanig ang bookshelf ko at nalaglag ang box of photos ko. Nagkalat ang mga litrato sa sahig.
I dipped down to pick them up nang may bigla akong napansin sa isang picture.
I snatched it up at tinignan ang nasa likod na nakasulat.
Andrei and Mae
I'm sure that it was me whose in the picture. But, who the fuck is that boy who's with me? Wala akong matandaang boy na kalaro ko noong bata ako. Ang alam ko kasi ay home schooled ako at Kuya Troy locked me away from the world. Gusto niyang solohin ako para kaming dalawa lang ang makapaglaro.
Pero kung ganon, bakit may kasama akong boy dito?
Could it be possibly si Wren ang tinutukoy na Andrei dito?
Iisa lang kaya ang Andrei na mukhang kababata ko at si Wren Andrei na kaharutan ko?
"Rachel?" biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa aking harapan si Manang Belinda.
Agad kong pinagpupulot ang mga litrato at isiniksik sila sa loob ng box. Itinabi ko iyon agad.
Lumapit sa akin si Manang Belinda at hinawakan ang kamay ko. Para ba niya akong pinipilit na lumabas.
"Bakit iniwan mo yung mga bisita mo sa labas?" tanong niya. "Ikaw talagang bata ka! Dapat marunong kang makihalubilo sa ibang tao."
I know. Hindi naman ako loner e, nais kong sabihin. Ayoko lang sa mga taong epal.
"Medyo masama lang po ang pakiramdam ko," pagpapanggap kong may sakit.
Sinapo niya ang noo ko. Maya maya ay hinaplos niya ang leeg ko. "Wala ka namang sakit ah?"
"Medyo pagod lang po."
"Ah... sige. Ako nang bahala magsabi sa mga kaibigan mo."
Tumango ako at isang ngiti ang binigay ko sa kanya. Pero napakunot ang ulo ko nang may maalala ako.
"Manang, hindi ba matagal ka nang nagtatrabaho kila Mommy?" tanong ko.
"Oo. Bakit mo natanong, hija?"
"Tungkol po sa aksidente ko. Bago po ba ako maaksidente may kilala po ba akong kaibigan ko na lagi kong kasa-kasama?"
Biglang namutla ang mukha niya.
"Bakit mo naman naitanong iyan?" tanong niya pabalik. Umiwas siya ng tingin. "Wala akong natatandaan na kalaro mo. Hindi ba si Kuya Troy mo lang ang palagi mong kasa kasama? Hindi ba hindi ka nila pinag-aral sa totoong eskwelahan?"
"Wala naman po. Para lang pong may napanaginipan akong batang lalaking kalaro ko," pagsisinungaling ko. "I'm just thinking if that's a hunch or pangitain ba iyon. Iniisip ko din po kung parte siya ng nakaraan kong hindi ko maalala."
Ngumiti siya. Pero halatang pilit. "Wag mo nang alalahanin iyon. Baka naman nananaginip ka ng tungkol sa mga pinapanuod at binabasa mo. Nagkukulang ka na rin sa tulog dahil dun."
I smiled. "Baka nga po."
She smiled back. Hinawakan niya ang kamay ko. "Labas na muna ako. Magpahinga ka na. Magluluto ako ng paborito mong pagkain mamaya para bumuti ang pakiramdam mo."
I grinned. Talagang alam niya ang comfort food ko.
Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.
Sa sobrang tagal ko nang kakilala sa Manang Belinda, kilalang kilala na niya ako. Alam niya kung may bumabagabag sa akin o kung may mali ba sa akin. Ganon din ako sa kanya.
Pero isa lang ang hindi ko masagot.
Bakit siya nagsinungaling?
BINABASA MO ANG
The Perfect Boyfriend List
Teen FictionRachel isn't the romantic type of girl. Hindi siya naniniwala sa sweetness ng love. Siya yung tao na medyo bitter kahit na wala namang pinagdaanan. Yun ang akala ng lahat na mga kakilala niya. But deep inside, she's only waiting for the right person...