[Chapter 24] Let Go
Did any of you feel that you were jealous of someone even though you don't have any right to be jealous?
Welcome to my world.
Naiinis ako kasi Amber used to cling to Wren like an ivy vine. Wala na nga sila hindi ba? E bakit naman ganyan sila magharutan sa harapan ko pa talaga.
Ang nakakainis pa lalo, ito namang si Wren, tawa nang tawa kahit na wala namang nakakatawa. Ang sarap batukan! Ang sarap ingudngod sa pagkain na kinakain niya! Mabulunan ka sana, gago!
I was gritting my teeth the entire time na nasa lamesa kami. Nakiupo na rin kasi sa'min si Amber.
Bakit ba ang daming higad sa mundo?
Akala ko nung una si Ate Sandra higad dahil kagaya din siya ni Amber na kung makadikit kay Wren parang sila pa rin. Pero hindi kasi mag kapatid pala sila. Ang nakakainis lang dito, alam ko na nasi Amber ay ex ni Wren at nanggigigil ako sa galit kasi kung makaakto siya, hindi sa akin may gusto or in love si Wren.
Gusto ko ring kurutin sa singit si Wren kasi nakikipaglandian talaga siya kay Amber. Kanino ba talaga siya umamin ng pagmamahal? Sa'kin ba o kay Amber?
In the end, Wren asked me if I would like to join him pag-uwi. But since, he will drop Amber first, I turned down the offer. Nauumay na ako sa sweetness ng dalawa. Saka nakakahiya din naman kung makakagulo ako sa kanila.
Sumabay ako kay Liesl pauwi. Buti na lang at ang kasama lang namin sa loob ay sina Clay at Will kaya naman I'm comfortable to puke my thought about Amber.
"Gusto ko talaga siyang tirisin!" I cried out loud.
Will and Clay both laughed and I saw Liesl smiling. Buti na lang ang bestfriend ko, marunong magpigil ng tawa. Nirerespeto pa rin niya ang kahibangan ko.
"Why are you laughing?!" I asked.
"You sound like a jealous girlfriend. That's what we're laughing about," Clay said. "Bakit? Sinagot mo na ba?"
"Babe! She's planning. Sure ako sasagutin din niya si Wren. Di magtatagal, makakabiruan mo na si Wren tungkol sa pagiging mahigpit ni Rach," Liz smirked. She turned to face me. "Kaya sagutin mo na bago ka pa maunahan ni past." Then he turned to Clay again. "Anyway, how did you know her, babe?"
"Wren dated her for one year," Clay said. "And since magkabanda kami nila Wren sa America nung middle school, hindi malayong hindi niya sa'min ipinakilala si Amber. That's why we know her."
"Then why did she came back? Diba nasa America na siya nakatira?" I asked.
Clay clicked his tongue. "Curious aren't we?" umiling-iling siya with a sly smile on his lips. "Napaghahalataan na e. Confession na lang talaga kailangan."
Kahit na nakaupo ako sa harapan, I managed to turn around at batukan si Clay. Napangiwi naman siya. Sinuway ako ni Liesl for hurting her babe.
"Turuan mo nga iyan ng tamang asal!" usal ko kay Liesl. She just chuckled.
"Going back to the topic," Clay continued, rubbing his head. "Sinabi niya kanina na she came back because of their family's business. Resort sa Bulacan. Malayo sa kabihasnan."
"Ibig sabihin, mayaman din si Miss Amber?" Will piped in. "Maganda na, sexy, matalino, at mayaman pa! Nasa kanya na pala ang lahat nang hinahanap ko e."
Liesl smiled. "Good. And your mission is to keep her away from Wren. Siguraduhin mong maiinlove siya sa'yo para tantanan nun si Wren."
Will gasped in fake horror. "Ano ako? Si James Bond? 007?"
BINABASA MO ANG
The Perfect Boyfriend List
Ficção AdolescenteRachel isn't the romantic type of girl. Hindi siya naniniwala sa sweetness ng love. Siya yung tao na medyo bitter kahit na wala namang pinagdaanan. Yun ang akala ng lahat na mga kakilala niya. But deep inside, she's only waiting for the right person...