Chapter 45

15 2 0
                                    

[Chapter 45] Prince Wren and Princess Rachel's Unhappily Ever After

When someone says goodbye to me, I don't particularly care. Because I do know that someday, we'll see each other once again and the goodbye we both shared will be changed by another goodbye and we'll no longer remember it.

But here's the thing about goodbye:

When you said goodbye, you assume that you will see him/her again. Maybe because you were so used to that kind of scene. Alam mo na babalikan ka ulit ng taong iyon at aasa ka.

And sometimes... umaasa ka pala sa wala. Wala kang idea na hindi na pala babalik yung taong iyon sa buhay mo. Hindi na pala kayo magkikita pang muli.

This one's different. Walang goodbyes.

At 'yun ang pinakamasakit sa lahat ng uri ng goodbye. Yung matatapos ang lahat na wala man lang palitan ng Goodbye, take care or I hope I see you again at Sana maging masaya ka. Iyon ang pinakamasakit na pamamaalam.

Sumigaw ako nang sumigaw. Yung sobrang lakas. Yung super super grabe talaga. Pero walang sumasagot. Walang nakakarinig sa'kin kundi yung infinite cold breeze and freezing cold water.

I even swam back to the shore, hoping that he's there. Pero wala eh. I ended up lying on the seashore. Doon ko na pinayagan na makalabas ang mga luha na kanina pa nagbabadya. Iyak ako nang iyak.

This shouldn't be happening.

Akala ko ba magiging masaya ang gabing ito? Akala ko ba for the first time, magiging tunay na prinsesa ako? But the princess never cries, right? Bakit? Bakit ngayon pa? Bakit sa tuwing masaya ako, may kapalit na kalungkutan? Ganun ba talaga?

Kung alam ko lang na mangyayari lahat ng ito, dapat hindi na lang ako pumayag na makipagkarerahan sa kanya. Dapat hindi na lang ako nagpapatanggi pa na makuha niya ang v card ko. 'Yun lang naman ang habol niya kaya siya nagdesisyon na makipagkarerahan sa'kin eh. It was all because he wants to feel all of me.

Nakakainis! Gusto kong saktan ang sarili ko. Ang bobo ko talaga.

Kung may time ako... please. Sana sinabi ko na lang sa kanya na mahal na mahal na mahal ko siya. Na sana hindi na lang ako nagpapakipot. Sana ay ibinalik ko na lang din yung mga salitang gusto niyang marinig. Yung mga salitang hinihintay niya.

Kung alam ko lang at hindi ko mapigilan, sana sinabi ko na lang din pala lahat ng mga salita na gustong gusto kong sabihin. Pero naghihintay ako ng tamang pagkakataon. Hinihintay ko yung lecheng romantic and unexpected moment na 'yan na never nang mangyayari kasi impossible na.

Nasaan kaya ang katawan niya? Bakit hindi pa lumulutang?

Humagulgol ako. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa halos hindi na ako makahinga at puro sinok na ang lumalabas sa bunganga ko.

Now, I'll be living in regrets.

Napatigil ako nang bigla akong may maramdamang humawak sa balikat ko. Malamig iyon at parang mamasa masa. Agad akong tumingin, expecting to see a ghost.

At nakakita nga ako ng multo. Ang multo ni Wren.

"Bakit ka umiiyak?" nakangiti niyang tanong sa'kin.

"Oh Wren!" sigaw ko at walang pakundangan na niyakap siya. Susulitin ko na ito. I've been reading books where in the end, the ghosts will disappear. I don't even care if this is a damned hallucination. Bahala na kung nababaliw ako. Mayakap ko lang talaga siya. Okay na.

"I'm sorry... Kung alam ko na 'yun lang yung death wish mo, sana ibinigay ko na 'yung... gusto mo," humikbi ako. "Sana di na ako nagmatigas pa. Sana masaya pa rin tayo hanggang ngayon."

The Perfect Boyfriend ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon