[Chapter 23] Amber
When I was a little girl, I can't help but picture myself in a palace next to my dream Prince Charming. But when I grew up, my mind revolved. I matured. Simply because I start to believe that fairytales aren't true and they were just part of our imagination.
Ang alam ko kasi wala naman talagang pagmamahal. Like my parent's love story, alam ko na ganun din ang kahihinatnan ko. Probably because that's one of the perks of being rich.
Deep inside, I'm really hoping for a Prince Charming of mine. Kaya nga ako gumawa ng Perfect Boyfriend List e. So that I will have a guide in finding my own happiness. And when the time comes na mahanap ko siya at mahanap niya ako, I will do everything to fight for him.
Kaya nga hindi ako nakapagsalita ng maayos nang umamin sa'kin si Wren. I was dumbly shock. Nahanap ko na siya and the good thing is, hindi tutol ang parents ko. They like him so much na kapag sinabi ko ito kay Mommy, baka magtatatalon iyon sa tuwa.
The problem is ayaw naman ng puso ko. He has some qualities that I want. Pero nga lang, I just can't picture myself loving him. Maybe because we're opposite. Maybe because hindi ko talaga siya nakita as a guy that I will love but only as a friend of mine who keeps bugging me.
That is my problem. Kaya nga nang sinabi niya iyon, 'ah, okay' lang ang nasagot ko pabalik.
My heart's not ready for this. It's too early para sa pag-ibig na iyon. I'm not ready to love him back. I'm not ready to be in a relationship.
Probably someday. Kapag naramdaman ko na sa kanya yung hitched thumping of heart, uncontrollably fluttering of butterflies in the stomach at yung pagmamahal na alam kong he's ready to risk anything just to have me by his side at mailigtas ako sa kapahamakan.
Alam ko na mukhang hindi ako naniniwala sa love. That's what other people used to say pero, deep inside, I'm a hopeless romantic. Isa din ako sa bilyon bilyong tao na naghahanap ng nakatakdang Prince Charming para sa kanya.
"Ano ka ba naman, Rachel?" iritadong tanong sa'kin ni Liesl pagkatapos kong ikwento sa kanya lahat nang nangyari kagabi. "Diba you wished for a prince to come and rescue you? Andyan na yung sundo mo oh! Pakilower naman po yung kataas taasang pride."
"This isn't about pride," I said.
"Then what is it?" She asked. "You like him. He loves you. What's the point on doing this commotion?"
"Yun nga e. Yun mismo yung problema." I answered.
"Anong ibig mong sabihin?"
"He loves me. Loves me. Gusto ko palang s'ya. Ayaw kong magmadali, Liz," I answered. "Wala akong pagmamahal na nararamdaman sa kanya."
"You sure about that?" she asks. Hindi ako sumagot. She reached for my hand and slowly tug it. "Makinig ka sa'kin. Probably hindi mo pa napapansin. Pero the way I saw you being with him... it's unexplainable."
Humugot ako ng malalim na hininga.
"You're happy. And it's rare for both of us ni Will na makita kang masaya. Kaya nga pinupush na kita sa kanya e. Gusto ko nang marealize mo kung ano yung nasa harapan mo," she continued. "You fell in love with him pero hindi mo pa napapansin."
I chuckled. "Ano yun? You sound cheesy, best." I said, lighting up the mood. "Quit saying things like that. Hindi pa naman ako magpapakasal e."
She looked at me sternly. "Pwede ba. Wag mo itong tawanan."
"Ewan ko sa'yo," I said. "Ganyan ba ang effect once pinana ka ni Kupido?"
She looks at me like I'm joking. "Seriously?"
BINABASA MO ANG
The Perfect Boyfriend List
Teen FictionRachel isn't the romantic type of girl. Hindi siya naniniwala sa sweetness ng love. Siya yung tao na medyo bitter kahit na wala namang pinagdaanan. Yun ang akala ng lahat na mga kakilala niya. But deep inside, she's only waiting for the right person...