Chapter 40

9 1 0
                                    

[Chapter 40] Lovers in Rain

I've never felt so destructive before. I felt so wrecked. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko just by looking at him. Looking at him, on his knees, begging to talk. Pero sadyang hindi ko talaga siya kayang harapin. Not when all the pain is still visible.

Ang sakit ng ginawa niya sa'kin eh. He told me that he loves me. Kung hindi naman talaga pala bukal sa puso niya iyon at plinano nilang lahat like what Amber said, bakit kailangan pa niyang sabihin sa'kin yung mga salitang iyon? Talaga bang gusto niya akong saktan nang sobra sobra?

Well, congratulations to him. Kasi he made me the foolish girl ever lived in the world. Ang tanga tanga para paniwalaan na totoo lahat ng ginawa niya.

At ngayon, sinasaktan niya ulit ako.

Just looking at him like that, parang pinipiga ang puso ko sa awa. I love him. Simple. And even though a thousand hatred are filling up my heart, I can't ignore the fact that I don't want to see him in sorrow.

Tanga na kung tanga. Pero ganon naman pag nagmahal hindi ba? Magiging tanga ka sa kaka-asa at magbubulag-bulagan ka kahit sa obvious naman. Kasi nakasentro ang isip, puso at mga mata mo sa kanya lang. Kaya kahit talaga magpakatanga ka, okay lang.

But sometimes, we need to wake up from the silly dream of ours. Kasi hanggang kailan ka ba magpapakatanga? Hanggang sa kadulo-duluhan ng mundo? Paano mo masasabi sa sarili mo na kaya mong tumayo ulit kung magpapatuloy ka lang sa ginagawa mo?

And that's what I'm trying to do know.

Kaya kahit anong gusto ko na puntahan siya dun at yakapin muli, sabihin na mahal ko siya, sadyang hindi ko magawa. Kasi nasaktan na ako sa pagiging tanga at wala na akong balak na gawin yun muli.

I squinted as I heaved a sigh.

Sana naman umalis na siya. Sana tumayo na siya at panindigan niya yung desisyon niya na niloko niya ako. Kasi mas lalo akong nasasaktan sa ganitong set-up.

"Hija, wala ka bang balak na kausapin si Wren?" Manang Belinda asked when she entered my room to give me my snack. Umiling iling ako nang nakangiti. She understood me. Kahit na hindi niya alam yung full-story namin, naiintindihan niya.

Nang papalabas na siya, lumingon siya ulit sa'kin at ngumiti. "Sana maging tama ang mga desisyon mo, Rachel. Nandito lang ako para sa'yo. Pero sana bigyan mo naman ng isa pang pagkakataon si Wren. Kasi parang hindi lang din naman ikaw ang nasasaktan. Intindihin mo rin. Kasi mukhang totoo naman siya sa mga nararamdaman niya. Luluhod ba siya d'yan ng ganyan katagal para lang sa isang babae na galit na galit sa kanya?"

Nginitian ko lang siya at pinihit na niya ang seradora. Her presence and words left like a smoke in my room.

Kinain ko yung pagkaing dala niya at pumikit panandalian. Ako na itong inagrabyado eh. Bakit parang ako pa yung lumalabas na mali? Bakit parang nakokonsensya ako kahit na wala naman akong ginawang mali?

Kahit na pigilan ko, I can't help but feel so guilty. Nasasaktan din ako sa ginagawa niya. Sobra.

I tried everything to divert my attention away from him. I opened Facebook and surfed the Internet kahit na hindi ko naman normal na ginagawa yun. Nagbasa ako ng libro but my mind can't concentrate on the story. I opened the tv to watch something pero parang pumapasok ang mga sinasabi nila sa isa kong tenga palabas sa isa.

In the end, I ended up playing an app on my phone. Pero bago ko pa man mabuksan yung phone ko, lumabas na agad ang mukha niya sa screen. Naibato ko na lang sa kung saan ang phone ko.

I tried to draw pero sa hindi malamang dahilan, I found myself drawing a guitar. It was simple yet holds a lot of words and meaning.

I groaned as I opened the tv one last time. I flipped the channel to MTV. Baka music lang ang magpapagaling sa'kin.

The Perfect Boyfriend ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon