[Chapter 38] Breakeven
It's been a few days since that confrontation at the coffee shop. Since then, sinasamahan na ako palagi ni Will. Tinodo na namin ang pagpapanggap. Tanging si Liesl lang at kaming dalawa ni Will ang nakaka-alam ng totoo. The truth about me not totally dating him.
Naiinis kasi ako. Ako na nga itong niloko nila at inagrabyado, ako pa itong patuloy nilang sinasaktan. Well, I think we're even now. Kasi hindi din ako titigil hangga't hindi ko naipapamukha sa dalawang iyon na I've moved on.
Masaya ako sa ginagawa ko.
Una kasi sa tuwing nakikita kami ni Wren na masayang magkasama, natatawa ako sa expression nya. Nakabusangot sya at kung paminsan minsan ay nag-wawalk out. Then Amber will go to find him.
At pagkawala nila, natatapos na din ang pagpapanggap naming dalawa ni Will. We will end up laughing our lungs out. 'Nakita mo ba kung paano sya makatitig?'; 'Nakakatawa diba?'; 'Akala nya sya lang ang marunong mang-gago ah?', those are the phrases we used to tell each other.
It was very unfortunate kasi hindi namin nakakasama si Liesl. She said she needed space away from Clay. She said that only vacation can make her forget her. But all those words only ends up attached to, maybe.
Kasi aminin man nya or hindi, mahal pa rin nya si Clay. And even though that summarizes her feelings, that can't change the fact that Clay cheated on her back. That can't change the fact that whenever she sees him, nasasaktan pa rin sya na para bang sinusunggaban ng milyon milyong karayom ang puso nya.
Syempre nalulungkot din ako sa kanya. Nalulungkot ako na tumawag sya sa'kin sa kalagitnaan ng gabi habang mahimbing akong natutulog para umiyak lang sa akin. She never spoke even a single word that night.
That's why I don't want to bury myself under love. Kasi kapag dumating na ang time when it's destined to say goodbye, kaaawaan mo yung sarili mo kasi wala kang magagawa kung hindi umiyak na lamang.
I was thankful that hindi pa ako gaanong nahuhulog nang malaman ko yung kagaguhan ni Wren. Kasi kung sakaling nangyari man sa'kin yung pinagdadaanan ni Liesl, parang hindi ko na kayang iharap pa yung sarili ko sa kanilang dalawa ni Amber ng ganoon katapang at katatag. Siguro by at that time, baka bumigay ako at maglumpisay sa sahig para lang balikan nya ako.
At sampal sa'kin yun pag dumating sa'kin. Everything that I worked for para lang makita ng mga tao na ako si Rachel Mae Pascua, lahat iyon mawawala in case na gawin ko iyon.
And I can't lose that reputation just because of love.
"Leader, wag po kayong umuwi ng maaga mamaya," Julian says catching up on me. Lunch na kasi at may usapan kami ni Will na magkasabay kaming kakain.
Lumingon ako. At nakitang hingal na hingal syang humahabol sa akin. Hinintay ko syang makapagpahinga at tinaasan ng kilay.
"May bago pong pinapagawa si Mrs. Buenavista," he panted once again. Ugh. Si Ate Sandra. "Yung dapat daw pong project, yung about dun sa music... yung group sing-"
"I know what project that is," mataray kong sabi. "Anong meron ngayon?"
"Since hindi daw po sya makakapanuod, video-han na lang daw po natin para makita nya. May emergency daw po kasi siyang pupuntahan." he explained.
"Ahh..." tumango tango ako. "That means we have to record our project later?"
Tumango sya. "Si Wren daw ang tutugtog. Tapos lahat tayo ang kakanta."
I plastered a fake smile. Bakit ba kasi kailangan maging ka-grupo ko si Wren sa project na iyon? And the hard part in here is hindi ko ka-grupo si Will kaya naman mahihirapan akong pakisamahan si Wren.
BINABASA MO ANG
The Perfect Boyfriend List
Teen FictionRachel isn't the romantic type of girl. Hindi siya naniniwala sa sweetness ng love. Siya yung tao na medyo bitter kahit na wala namang pinagdaanan. Yun ang akala ng lahat na mga kakilala niya. But deep inside, she's only waiting for the right person...