[Chapter 41] The Start of Poreyber
"Tangina naman Wren oh!" I said as I shook the wrapper of my all time favorite snack on his face. Naglalaro siya ng Xbox kasama si Clay. "Hanggang kailan mo ba ako iisahan?"
Hindi pa rin siya tumingin sa akin. Iniwas niya yung ulo niya at tumingin sa nilalaro.
We've been together for a week now. And we have damn issues...
Kagaya ng pagkuha niya ng mga pagkain na dapat ay para sa'kin. Hanggang ngayon ba naman ay nanakawan niya ako ng pagkain.
Sinapo ko yung ulo ko at hinimas himas ko ito. Nakakainis kasi. May pera naman siya eh. Lalo na't nalaman ko ngayon na may ari pala sila ng isang napakalaking shipping line. Aba't mas lalo kong ipagdadamot ang mga pagkain ko ano! 50x ang yaman sa'kin ng lalaking nagnanakaw na 'to.
"Sorry, agápi mou. Galing kasi ako ng practice tapos--"
"I don't wanna hear your damn explanation." I stopped him. "Tangina, Wren. Sana naman tinext mo ako. Eh ngayon na kakain ako, anong kakainin ko?"
Hindi siya sumagot. Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa screen ng tv.
It's a hundred times better when Wren still lives at our house. Kasi dun, wala siyang Xbox na mapaglalaruan. And wala din akong kahati sa atensyon niya.
Pero hindi pwede. Kuya Troy disagrees. Baka daw ma-tempt kami at araw araw na mangyari ang mga dapat na hindi mangyari. Tss. As if that could ever happen!
Nag-init nanaman ang pakiramdam ko. Nakakabwisit na talaga ito.
Lumapit ako sa likod ng tv. Hindi naman nila ako mapapansin eh. Masyadong busy ang dalawa sa kakalaro ng lecheng video game na 'yan.
Walang pag-aalinlangan na tinanggal ko ang pagkakasaksak ng tv at Xbox sa plug. Mabilis na umani ang katahimikan sa paligid.
"What happened? Bakit namatay?" nagtatakang tanong ni Clay. Napalingon silang dalawa sa akin at itinaas ko yung plug. I smiled wickedly. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Namutla siya at ngumiti. "Oops, Wren. I forgot to do something. May pinapagawa pala sa'kin si Mama."
Dali dali siyang tumakbo sa papunta sa pintuan ng condo ni Wren. And a few seconds later, kaming dalawa na lang ang nandito.
Lumapit siya sa'kin. Tumalikod ako at umirap sa kanya. Kung alam ko lang na mahirap maging girlfriend ni Wren, baka pinag-isipan ko muna bago ko inangkin ang title. It's hard to cooperate to a boy who is full of reasons. Hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ko. Parang pasok sa isang tenga at labas sa isa.
Maya maya pa, I felt his arms wrapped around my waist. He pulled me from behind. My back is against his broad chest. He dipped his chin on my shoulder.
"Sorry na, agápi mou. I was hungry and your snack is the first thing I saw when I entered this condo," he explained. "As a payment, I will triple it. Bibili na lang tayo ng bago."
I sighed as I turned and look at him. "Wren. Just tell me to put my ass off of this apartment. Kapag ginawa mo yun, aalisin ko lahat ng gamit ko dito. Parang galit na galit ka kasi talaga sa mga gamit ko at kinakain mo."
"Agápi mou, hindi. You know that the last thing I want is for you to go. Talagang nagutom lang ako nung panahon na 'yun kaya nakain ko. It will never happen again."
I sighed. Bakit? May magagawa ba ako para tanggihan itong gagong ito? Mahal ko nga eh. Malamang sa malamang, patatawarin ko 'to kahit ilang beses na magkasala sa'kin.
"I'm so sorry. Please wag ka nang magalit sa'kin..." he pouted like a little boy. I smiled. Ang cute niya eh!
"You really know how to please a girl, huh?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Perfect Boyfriend List
Teen FictionRachel isn't the romantic type of girl. Hindi siya naniniwala sa sweetness ng love. Siya yung tao na medyo bitter kahit na wala namang pinagdaanan. Yun ang akala ng lahat na mga kakilala niya. But deep inside, she's only waiting for the right person...