[Chapter 21] Roller Coaster
As a normal girl, for sure my body will tingle with excitement since I don't particularly know where we'll go. But as I always say, I'm not ordinary or normal or any word that anyone describes as simple. I'm Rachel Mae Pascua and I'm extraordinary.
That's what I used to feel.
Pero dahilan na rin siguro nang adrenaline rush, naeexcite na rin ako. Hindi ko lang pinapahalata but I kept looking out of the window.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" I can't help but ask this boy next to me. Medyo kinakabahan din ako because I know that he's somehow reckless. Kagaya ng sinabi niya, his license is addressed only in the States. Pag nahuli kami ng pulis, parehas kaming malilintikan. I'm don't have a license either.
"Surprise nga e. Masyado kang palatanong," he said without looking at me. "Are you somehow familiar with the phrase, curiosity killed the cat?"
"Shut up. Don't speak unnecessary things," I said. "Mag drive ka na lang at pakibilisan. Hindi tayo pwedeng magpuyat dahil may pasok tayo bukas."
He scowls. "Wag mo ngang ipaalala sa'kin iyan. Ayaw ko ngang sumama sa leadership training na yun e."
"E hindi naman bukas yon ah?"
"Kahit na. I'm opening a new topic."
I scowled back. "Tindi mo ah."
"Of course. I'm Wren Andrei Flores."
Inirapan ko siya. "K dot."
"Anyway, hindi ba talagang hindi ako sumama dun?" he asks. "Ayaw ko kasing sumama kung kani kanino lang e. Baka isama nila ako sa hindi ko kilala. OP nanaman ako."
"Okay lang," I said nonchalantly. "Okay lang naman sa'kin na wala ka e. Mas mabuti pa nga iyon. Walang mambwibwisit sa'kin."
His face lit up. "Ikaw ba yung makakasama ko?"
"Ay hindi hindi. Si Batman." Umirap muli ako. "Malamang ako! I'm the freaking class president, remember?"
He chuckled. "Yeah. Remembered."
"Good."
Napansin ko na lang na tumigil ang sasakyang lulan namin sa isang theme park. Maliwanag ito at punong puno ng mga ilaw ang rides nito. Wala nga lang katao-tao.
"D'yan ka lang." he commanded. Umirap lang ako. Panigurado, may gagawin sa loob 'yan. But in my surprise, he opened the passenger door for me.
I stepped out and glared at him. "Bakit parang gentleman ka ngayong araw?"
Nagkibit balikat siya. "Dunno. Trip."
Umirap ako at hinintay siya. He stared at me. "Lead the way," I said. "Ikaw ang nagdala sa'kin dito kaya ikaw dapat maging tour guide ko."
He starts to walk while I'm behind him. Pero di pa siya nakakalayo nang tumigil siya at nilingon ako. He yanked my hand and grasp it gently.
Sinubukan kong makawala pero parang nanghihina ako sa malalambot niyang hawak.
"Let me go." I ordered. He looked at me but he turned away instantly. Hindi man lang ako pinakinggan!
Umabot na kami sa gate and I looked at the ticket booth. Walang taong nakabantay doon like I used to think. It's impossible naman na basta basta na lang kami nitong papapasukin.
Tinanggal ni Wren ang harang and motioned me to enter. Tumingin ako sa kanya at sumunod.
Nang makapasok na kaming dalawa, he locked the gates. Hindi lang simpleng pag-lock. May susi siya!
"How did you get a key? Bakit na sa'yo 'yan? Bakit walang tao? Bakit mo inilolock?" sunod sunod kong tanong.
He scowled at me. "Wag nang tanong nang tanong pa. Mamaya ko na lang sasagutin lahat ng iyan."
I rolled my eyes. "Whatever you say."
He smirked. "Whatever you do."
Derederetso ang mga paa ni Wren papunta sa Roller coaster. Wala ding bantay doon kaya naman agad kaming nakapasok. Pumwesto kami sa pinakaunahan.
Napansin kong pagkaupo namin, his knuckles went white because of his tight grip on the holder. I smiled. Napansin niya naman agad iyon.
"Anong ngini-ngiti mo d'yan?" maangas at naiinis niyang tanong sa'kin. "Nasisiraan ka na ba ng bait? Gusto mong magpatawag ako ng taga mental?"
Tumawa na ako ng malakas. Sinadya ko iyon para mas lalo siyang mabwisit sa'kin.
"Tawa pa more!" Asig niya habang tawa pa rin ako nang tawa. "Sigurado akong may kapalit iyang mga hiyaw mamaya. I'll be most gladly to laugh at you."
Hindi ako nagpatinag. Tumawa pa rin ako. When I slightly recover, nginisihan ko siya at sinabing, "Kalalaki mong tao, halatang takot na takot ka sa mga rides na ganito!"
"Sinong nagsabing--oh, Mama!" he shrieked when the ride starts to rock lightly. Palakas ito nang palakas. Meaning, palakas din nang palakas ang pag sigaw ni Wren.
"Manahimik ka nga d'yan!" I commanded as another strain of hair blocked my eyesight. Hinawi ko iyon and glared at him. "Daig mo pa ako kung makahiyaw e."
Hindi niya ako tinignan. Talagang enjoy na enjoy siya kakasigaw. Hindi ko naenjoy ang ride kasi puro sigaw niya ang naririnig ko. But no worries, nagenjoy naman akong panuorin siyang ilabas ang tunay niyang katauhan.
Nang makababa kami ng ride, tumawa ako nang napakalakas. Tinignan niya ako. Hinihingal pa rin siya at sapo sapo niya ang dibdib niya.
"I will never ever ride that freaking thing again!" he exclaimed.
Tinatawag pa rin ako. Sapo sapo ko na ang nananakit kong tiyan. "You're such a cry baby!" I proclaimed. "Roller coaster lang? Grabe ka! Daig mo pa ako e!"
He rolled his eyes. "Magkaiba naman tayo e," he said but I just can't stop laughing. He fold his arms on his chest. "Tapos ka na ba? Saan mo gustong pumunta?"
I looked everywhere. Isa lang talaga ang iisang ride na hinding hindi ko pag-sasawaan.
"Dun tayo! Sa may horror house!" I said.
Natindig siya sa kinatatayuan. Tumakbo ako papunta dun. But when I felt his presence away from me, I stopped.
"Anong ginagawa mo d'yan?! Tutunganga ka lang?" I asked.
"Can't we just go somewhere else?" he asks.
I wiggled my brows. "Why? Are you scared?"
He shook his head immediately. "I am? No! Of course not!"
Tss. Masyadong mataas ang pride. Ayaw pang aminin. Halatang halata naman na nanglalata siya sa kinatatayuan niya e.
Nilapitan ko siya. "Kung ganon naman pala, bakit ayaw mong pumasok? You can just admit it. Hindi na ako magpupumilit pa kung natatakot ka."
"Hindi naman sa ganon--" he countered.
"Kung hindi yun ang dahilan, edi bakit ka pinagpapawisan ng malamig d'yan?" I asked. "Hoy, Wren Andrei Flores. Tandaan mo na ikaw po ang nagdala sa akin sa ganitong lugar. I have no intention on coming here. You just dragged me. Ngayon, hindi ka ba makikisama sa akin at gusto mong iwan kitang mag-isa dito sa deserted perya na ito or sasama ka sa loob and you will prove to me how straight you are and how brave you are for accepting my challenge?"
He looked at me for a second. Nakita kong lumunok siya nang ilang beses bago pumikit.
Tss. Kalalaking tao takot sa mga simpleng bagay.
"Fine. I'll go with you."
BINABASA MO ANG
The Perfect Boyfriend List
Teen FictionRachel isn't the romantic type of girl. Hindi siya naniniwala sa sweetness ng love. Siya yung tao na medyo bitter kahit na wala namang pinagdaanan. Yun ang akala ng lahat na mga kakilala niya. But deep inside, she's only waiting for the right person...