[Chapter 25] Test
I can still feel Wren's hand on my back as I continue to puke on one transparent bag. My head's still spinning. My stomach are flipping upside down.
Nahihiya ako sa kanya. Nasukaan ko kaya siya! Sinong hindi mahihiya dun?!
I can feel other's eyes on me. Tinitignan nila kung sino yung sumuka or ewan. Nakakainis talaga. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Siguro dahil bad luck talaga si Wren.
Ate Sandra came immediately to my aid. Narinig kong nag-uusap silang dalawa ni Wren kahit na hindi ako nakatingin sa kanila.
"What happened?" tanong ni Ate Sandra.
"She puked," he replied. "Just let it all out, baby." sabi niya sa'kin.
At nakakainis din dahil dumadagdag sa pagkahilo ko yung mga sweet words niya! Hindi ba siya marunong ilagay yung mga salita niya in right places and situations?
"Baka nahilo dahil sa pabango mo, gurang!" Ate Sandra shrieked. Hinagod na din niya yung likod ko. I start to recover. Mukhang naisuka ko na lahat ng kinain ko. I found myself puking saliva. "Okay ka na?"
I slump back to the soft chair. "Mukha ba akong okay?" I asked, naniningkit ang mga mata ko. Dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, there are tears running down my cheeks. "Nagkahalo halo kasi ang lintek na mga pabango ng tao dito! Nahihilo ako."
Tumingin si Ate Sandra kay Wren. "Told ya, little bro. Palitan mo na 'yang pabango mo. Mas lalong hindi mo makukuha si Rachel n'yan e."
Wren scowled at her. "This isn't the time for jokes, sister."
"Hindi naman biro iyon e!"
"Can you go away, please?" I asked Wren. "Nababahuan kasi talaga ako sa pabango mo."
Wren's eyes widen. "No!" he disagreed. "Pa'no kung sumuka ka ulit? Sinong mag-aalalay sa'yo?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Tingin mo, gugustuhin pa kitang makatabi? You smell puke!"
"The same puke that came out of your system," he clarified. "Hindi ako papayag! Dito ako." He pout like a little boy.
Kung hindi masama ang pakiramdam ko, baka tawanan ko siya. Pero hindi e. Wala akong energy na makipagharutan sa kanya.
"Sige na, Wren," Ate Sandra chimed in. "Ako nang bahala kay Rachel. Ako na lang tatabi sa kanya."
I reached for my bag and fished my favorite cologne. I sprayed some on midair and on my shirt. Ang baho ko na!
"Ayoko nga, Ate e," he said. "Is there any way for me to stay by her side?"
Napangisi ako. It's time for payback. Pagbabayaran mo na rin sa wakas yung mga ginawa mo sa'kin noong nasa Pangasinan tayo. Tignan natin kung gustuhin mo pa ako sa mga ipapagawa ko sa'yo.
"There's a way," I proclaimed. Parehas silang napatingin sa akin. "I will spray some cologne on you para hindi ko maamoy yang masangsang mong amoy."
Nag-iba ang expression niya. And I swear, I might puke again. In laughs!
"Seriously?" he asks. "A girl's cologne?"
I found Ate Sandra silently giggling. Minsan talaga nag-iisip ako kung paano naging 30 years old itong ate ni Wren. Daig pa ako kung makatawa nang parang bata e.
I shrug.
"Well, kung ayaw mo, edi wag," I said. "Umalis ka lang sa tabi ko kasi nababahuan ako sa pabango mo."
I pushed him away using my hands. Nanatili lang siyang nakaupo doon na para bang pinagiisipan ang alok ko.
"Sige na! Umalis ka na!" I shouted almost telling the whole bus our situation. "Leche ka. Ang baho mo!"
BINABASA MO ANG
The Perfect Boyfriend List
Teen FictionRachel isn't the romantic type of girl. Hindi siya naniniwala sa sweetness ng love. Siya yung tao na medyo bitter kahit na wala namang pinagdaanan. Yun ang akala ng lahat na mga kakilala niya. But deep inside, she's only waiting for the right person...