[Chapter 19] Love & Hate
Something bad happened back when I was still in elementary. Grade Two ata ako nun. I suffered post-traumatic brain injury after they saw me unconsciously lying on the garden. Pinaghihinalaan nilang nahulog ako from the rooftop down to the cold cement. Mahilig daw kasi akong tumambay dun sa rooftop nung bata ako e. They told me that I probably slipped from the rooftop down to my almost heart-wrenching death.
Because of the injury, I suffered memory loss particularly lahat ng tungkol sa past ko. Hence, mom and dad filled me in about myself and how I used to act. They told me everything I should know.
That is why I'm confused. Hindi ko alam kung bakit nila tinatago sa akin the fact that I used to play with someone whose name is Andrei. Bakit nila ako nilalayo sa nakaraan ko?
Hanggang sa school, hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa nalaman kong pagsisinungaling ni Manang Belinda. Bakit kaya siya magsisinungaling? May pinagtatakpan ba siya? Inutusan kaya siya ni Mommy at Daddy to lie?
"Earth to Miss Pascua," I heard Mr. Domingo cleared his throat. Napatingin ako sa kanya and surprised na malamang nagsasalita pala siya pero hindi ako nakikinig. "Payag ka ba?"
Nakunot ang noo ko. Ano ba ang sinasabi niya? "Come again, sir?"
He sighed. "There's an important leadership seminar that is to be held in a camp in Bulacan this incoming weekend. Friday to Sunday. And it's your duty to attend. Ikaw ang Class President, hindi ba?"
Tumango tango ako. "Yes, sir. I am."
"Oh, well, wala na palang problema," sabi niya. "Alongside with Mr. Flores, you will be joining the leadership seminar."
Napanganga ako. Nagkikita na kami ni Wren ng 7 days in one week tapos pati ba naman sa leadership seminar, makakasama ko siya? Sayang din yun. Three days sana nang walang Wren.
"But sir, Mr. Flores is not part of the student body council of our section." pagpapaliwanag ko.
"It doesn't matter. I can see leadership in him," he countered. "At since bakante naman ang isang spot para sa program na sasalihan niyo, I decided to pick him."
"Pero bakit hindi po si William Cruz ang ipasama niyo sa akin?" tanong ko ulit. "He is the class vice president, sir."
Naiiritang napatitig siya sa akin. I felt goosebumps on my arm. "Bakit ba pinangungunahan mo ako, Miss Pascua? I chose Mr. Flores so he's the one who you'll be joining with. No buts."
I sighed in surrender. "Yes, sir."
Lumabas ako sa faculty room nang nakatango. Ayaw kong tignan pabalik si Sir Domingo. Nakakahiya. Ngayon lang ako naging ganon sa harap ng isang teacher. Mukha akong tulala.
Sir Domingo is our teacher in Mapeh (Music, Arts, Physical Education and Health). Mukhang tungkol sa physical activities ang mangyayari sa seminar. Kaya siguro he was the one tasked by the principal to do it.
I was walking on the meticulous silent hallway nang bigla akong akbayan ng di ko kilalang tao. I was about to growl in anger nang mapansin kong hindi pala si Wren ang umakbay sa'kin.
Napaawang ang bibig ko.
"You thought it was somebody else, huh?" tanong ni Will.
I shook my head. "Hindi ah. Alam ko namang ikaw yan kasi ang tigas ng biceps ng umakbay sa'kin."
That was true. Will used to have a set of barbels at home. Pinalalaki niya yung mga braso niya since nacoconcern siya na mas malakas sa kanya ang kapatid niyang si Ate Catherine.
"Maniwala? Halatang halata yung shock mo when you saw me e." he said.
I sighed. "Hindi nga. Ang kulit mo!"
He chuckled. "Easy. Masyado kang high blood."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Paano hindi iinit ulo ko? Imbis na ikaw makasama ko sa leadership seminar, yung kaibigan niyong balasubas pa talaga ang makakasama ko."
"Si...Wren?" he hesitantly asked.
Tumango ako.
"Bakit ayaw mo ba siyang makasama? Uyyy..." Tinusok niya ang tagiliran ko. "Napaghahalataan siya!"
Umiwas ako. "And why would I have a certain feeling for that person?"
He grinned. "I didn't say that. Yan pala ang nasa isip mo all along."
"Wala akong sinabi."
"Bakit ba kasi ayaw na ayaw mo kay Wren? Wala naman siyang ginagawang masama ah?"
"That's easy for you to say. Hindi mo siya nakikita, nakakahalubian at nakakaaway araw araw sa bahay."
He laughed.
"What's so funny?" tanong ko.
Hinahaplos niya ang noo niya. "Nothing. Ngayon ko lang napatunayan na..."
"Na?"
"Na totoo pala na there's a thin line that bounders between hate and love."
Hinambalos ko ang braso niya. Mas lalong kumulo ang dugo ko. Pilit ko ngang iniiwasan na isipin yun e. Tapos siya pa itong napakabait kong kaibigan na magpapaalala sa akin tungkol sa Wren na yun.
"Gago ka talaga!" sigaw ko. Napatingin ako nang biglang sitsitan ako ng isang teacher. Yumuko ako.
"Hahaha. Wag ka kasing magmura. Nagiging habit na e." natatawang sabi ni Will.
"Pakielam mo? Magsama nga kayo ni Wren!" akmang aalis na ako nang nawalan niya ang braso ko. "What?!"
"Masyado kang pikunin ate. Kung saka sakali mang may nararamdaman ka, pwede bang wag kang pahalata?"
"Wala nga kasi sabi e!"
"Masyado kang nagdedefend. There's nothing wrong in falling in--"
"Don't get there." I hissed.
He cleared his throat.
"Okay. Pero sinasabi ko lang na walang mali tungkol dun. Baka kasi naiintimidate ka na sa kanya tapos hindi mo lang alam kung paano ipakita." He shrugs.
"Wala nga sabi e. Bakit ayaw niyong maniwala? I'm not that cheap para makuha nang isang walang kwentang taong tulad niya noh."
"Grabe ka naman."
"Bakit? Nasaktan ka?" I grinned. "Mukhang ikaw ang natamaan ah. Don't tell me naiba na ang taste mo when it comes to girls?"
Halata ang pag-iba ng timpla ng mukha niya. "Never." straightforward niyang sagot.
"Oh e bakit ganyan ka makielam pag dating kay Wren?"
"Do you think I'm chiming between the both of you?" his face looked stern. Nasaktan ata ang loko sa sinabi ko.
"That's not what I meant."
"Don't worry," he smirked. "I'm just making sure that you are making the right decisions."
Nagtaas ako ng kilay. "At tingin mo naman tama ang ginagawa mong pagpush sa'kin sa kanya?"
"Yeah. I know that someday, he can make you happy," he patted my back. "At para naman magkaroon ka na ng first ever relationship. Naaawa na ako sa'yo sa tuwing pinaguusapan namin yung love na o-op ka e."
I pinched his side. "Shut up."
We both laughed.
"So what do you plan for your birthday?"
I shrug. "The usual."
BINABASA MO ANG
The Perfect Boyfriend List
Teen FictionRachel isn't the romantic type of girl. Hindi siya naniniwala sa sweetness ng love. Siya yung tao na medyo bitter kahit na wala namang pinagdaanan. Yun ang akala ng lahat na mga kakilala niya. But deep inside, she's only waiting for the right person...