Sumama nga ang lolo ni Ethan,si Jasmine at ang parents niya.Sinamahan pa rin nina Carlo at Jerard ang kaibigan.Wala daw silang iwanan mula noon hanggang ngayon.Naabutan nilang naglalaro ng volleyball ang mga ito sa swimming pool ng mga ito.Nakatwo piece bikini si Hilaya kaya napalunok si Ethan.
"Ate magsuot ka ng tshirt ni Itang may mga lalake na pinapasok si Inang."pinahubad ni Malaya si Nestor at pinasuot kay Hilaya ang mismong tshirt nito.Macho gwapito din si Nestor kasi banat ang katawan sa madaming raket nito until now.
"Masyado kang conservative Malaya."tawang tawa si Hilaya dahil ang Itang nila ang half naked na ngayon.
"Buntis ka baka mausog ka ate.Inang bakit ka ba nagpapasok ng kung sino lang.?"reklamo ni Malaya sa Inang nila.
"Mga anak sila iyong kahapon kinuwento ko.Iyang daw binata na iyan ang nakaanak sa ate Hilaya ninyo."turo ni Anastacia kay Ethan.
"Ay kay pogi malamang na mga babies ni ate cute din."hinimas pa ni Mayumi ang flat pa na tiyan ni Hilaya.
"Tuloy po kayo basa sila kaya dito na lang kayo maupo sa may malaking payong Sir Maam."magiliw na ani ni Nestor.
"How cheap naman ng nabuntisan mo Ethan.Ayaw nila patuloyin tayo sa loob."taas kilay ni Jasmine kay Hilaya.
"Sino ka bang babae ka.?Di namin inaasahan na babalik sila ngayon.At isa pa di kayo welcome sa bahay namin.!Sabi lang nila lolo lang daw ni Ethan ang dadalhin nila.Tapos isa pala kayong batalyon."malditang ani ni Hilaya.
"Anastacia nakalipat na pala kayo dito sa Manila.?Ethan magmano ka sa Ninang mo.Besfren ko si Anastacia siya kalaro ko sa Hacienda namin sa Cebu."anak ng katulong ng pamilya ni Carmina si Anastacia.Pero sila lang close nito.
"Ay pasok pala kayo Carmina.Tamang tama may ginawa akong fruit salad at leche plan.Request ni Hilaya triplets apo ko Carmina.!Nestor pabihisin mo na mga anak mo.Doon kayo dumaan sa likod.Doon na kayo magbanlaw at magsabon."utos ni Anastacia sa asawa na sobrang bait.Kahit may instant na anak na siya ay minahal talaga siya ni Nestor.
Natameme si Jasmine dahil na out of place siya.Pero igigiit niya pa din ang engagement nila Ethan.
"Manuel siya yong kinuwento ko sayo na nagpaanak sa akin sa sapa.Sumama kasi ako diba kay Anastacia kahit kabuwanan ko na kay Ethan.Nakakatawa kasi naglalaba siya at ako naman kumakain ng baon namin.Ei si Ethan atat ng lumabas daw kaya ibintin niya patiwarik at pinalo niya si Ethan sa pwet."tawang tawa si Carmina nong pinanganak niya si Ethan ang panganay nilang anak.
"Darling ganun talaga dapat iyon pagbagong panganak."doctor si Manuel kaya bilib siya kay Anastacia.
"Ei di niya alam iyon basta bansag namin kay Anastacia kumadruna ng mga baboy.May piggery kasi kami expert siya magpaanak ng baboy.Nataranta na siya dahil naghihiyaw na kasi ako.Nalabas na kasi ulo ni Ethan.Buti na lang dumating agad sila Mama at Papa.May dalang gunting wala kami dala kasi.Kala ko next week pa lalabas si Ethan.Nilabhan pa ni Anastacia mga bagong lampin ni Ethan.Pati yong mga bagong kumot ni Ethan.Excited kami sa paglabas ng baby namin na panganay."haplos haplos pa ni Carmina ang pisngi ni Ethan.
"Wait po bak di po buntis yong babae.Di naman lumaki ang tiyan niya di po ba.?"biglang singit si Jasmine sa usapan.
"Jasmine I told you na pagtotoong may nabuntisan si Ethan.Kakausapin ko ang parents mo.At kaibigan ng manugang ko ang mother ng gf pala ni Ethan.Kaya Jasmine sana wag ka sumama ngayon iha diba.?"seryosong saad ni Don Ricarforte.
"Pero lolo kelangan maituloy ang engagement namin ni Ethan.Alam na ng mga friends and relatives ko ang tungkol doon."maktol ni Jasmine na parang pamilya na niya ang mga Ricarforte.
"Ayoko sana makialam sa desisyon ng asawa at byenan ko Jasmine Morales.Pero masyado ka ng demanding.Di ka naman gf ni Ethan namin ah.At isa pa arrange engagement lang ito.Ayaw ng anak ko maengage sayo.Kung makademand ka wagas naman Jasmine.Wala kaming utang at atraso sa inyo naman tang ina mo."galit na sa wakas si Carmina sa pagdedemand ni Jasmine na wala sa lugar.
"T-tita I think gusto mo ng mag asawa si Ethan diba.?"namutla sa pagkapahiya si Jasmine.Tahimik lang ang mother ni Ethan kasi.Kaya inakala niyang gusto siya nito.
"Gusto ko ng mag asawa ang anak ko.He is 28 yrs old na bago tumuntong ng 30's dapat magkakaapo na ako.Inoserbahan lang kita day by day Jasmine.Lumabas ang tunay mong pag uugali.Tinawag mo pang cheap ang ganitong bahay.?Para sabihin ko sayo bff ko ang Ina ni Hilaya.At Ninang mismo ni Ethan pala.Sa tingin mo ba itutuloy ko pa ang engagement ninyo.?Wala akong pakialam kung mapahiya sa ibang tao.Kahit pa tutol ang byenan ko kay Hilaya.Ako pa rin ang nagluwal kay Ethan.Sa akin dapat pumapel sana lage Jasmine.Bakit sa lolo ni Ethan ei hindi siya ang umere sa anak ko.?"di din gusto ni Carmina na si Don Ricarforte ang nagdedesisyon lage kung sino mapapangasawa sa anak niya.Ito ang nagreto kay Jasmine kay Ethan.Di man lang tinanong opinion niya bilang Ina ni Ethan.
"Papa nagtatampo si Carmina dahil sa pagdedesisyon mo about sa kung sino ang maengage kay Ethan.Di mo kinonsulta daw si Carmina lage.Sa tingin ko mali ang napili mong mapapangasawa ni Ethan.Ngayon kay gastos pa ng preparation ng engagement nila.Kayo kayo lang daw ang nagpaplano.Di ninyo sinasali ang asawa ko sa usapan.Papa you forget na si Carmina ang nagbuntis kay Ethan sa probinsya nila at pinanganak niya ang apo mo mag isa.Alam kong tutol ka sa amin ni Carmina noon pa.Pero sana naman nirespeto ninyo yong pagiging Ina niya kay Ethan.Apo mo man si Ethan anak pa rin ni Carmina ang mismong apo mo."nagalit na si Manuel sa ama niya dahil until now di pa rin tanggap si Carmina.Pinakasal siya sa ibang babae gayong alam ni Don Ricaforte na buntis na si Carmina noon.Tapos ng mamatay ang misis niya.Pumayag itong maikasal na sila at si Carmina pa ang pinaalaga kina Elijah at Ellise ngayon.Wala ngang boses si Carmina sa tuwing pumupunta sila sa mansion.Dahil ayaw kasi ng Don ang bumukod silang dalawa ng tirahan.Tatlong apo lang ng Don kasama nito sa mansion.
"Ay Carmina ayaw pa rin ng Don sayo kahit anak ka ng Haciendero sa Cebu.?Paano pa kaya ang anak kong si Hilaya fren.?"bulalas ni Anastacia dahil masama pala ang ugali ng byenan ng bff niya.
"Dont worry Carmina ako bahala.Aba ako ang nagluwal kay Ethan noh."ismid ni Carmina sa byenan niya.
"Di ko inaalala iyon baka atakehin ng highblood ang lolo ni Ethan.Ei kay maldita nitong anak ko.Parang ikaw ang Ina niya Carmina.Di maipinta ang ugali kamo."biro ni Anastacia sa matalik na kaibigan na sobrang maldita din.
"Gaga ka pa rin talaga bruha.Di mo na ako pinuri ni minsan."pabirong hinila ni Carmina ang buhok ng bff niya.Nang magdesisyon siyang manirahan sa Manila.Madalang na lamang komunikasyon nila ni Anastacia.Pero nakikibalita pa rin siya lage syempre.
"Umuwi ka muna Jasmine sa inyo.Kakausapin ko ang pamilya mo pagkatapos nito."napahiya si Don Ricarforte dahil pinangunahan nga naman niya si Carmina sa engagement ng nag iisang anak nito.
"Haler as if naman magpapakasal ako sa apo ninyo.Ei baka gagawin nyo lang akong mutsatsa.Over my dead sexy body noh."mataray na ani ni Hilaya.
"Paglipas ng buwan maging butete ka na.Ayokong walang ama ang mga anak mo Hilaya.Mahirap magpalaki ng mga anak.Lalo na kung gaya mo sobrang maldita kamo."kontra si Anastacia sa gusto ni Hilaya na buhayin na lang ang tatlong bata.
"Tama si Inang ate mahirap sa mga anak mo ang walang ama."segunda ni Malaya na mas matured mag isip kay Hilaya.
"Ayoko nga tumira sa kanila.So mag isa lang ako doon.Wala akong kakampi mga sistah."niyakap ni Hilaya ang dalawang kapatid na mga babae.Ayaw niyang mag asawa dahil ayaw niya mahiwalay sa mga kapatid niya.
"Ganito na lang Manuel bukod sina Hilaya at Ethan ng bahay.Ako mismo ang bibili."presenta na ni Carmina na bilhan ng bahay sina Ethan at Hilaya.
"Carmina pwede naman dalhin ni Hilaya muna sa mansion mga kapatid niya habang bunstis siya diba.?Di pwedeng pati si Ethan bumukod ng tirahan like us."malumanay na hiling ni Manuel sa asawa na ayaw makasama ang byenan niya.
"Kung papayag ang ama mo sa ganun Manuel.?"tinaasan ni Carmina ang byenan niya.
"Sa ngayon unahin ko muna maikansel ang engagement nila Ethan at Jasmine.Bago natin pag usapan ang bagay na ito."di na nakayanan ng Don ang kahihiyan ngayon sa pamilya ni Hilaya.Di pala nagbibiro lang ang apo niya.Buntis na pala talaga ang babaeng naka one night stand pala nito sa Japan.Buti kung di kilala ni Carmina ang babae.Pwede pa nilang maituloy ang engagement sana.Pero nangialam na ang malditang manugang niya.Mahihirapan si Don Ricaforte sa bagay na iyon.Dahil anak ni Carmina talaga si Ethan at unico iho pa.