Ang Probinsyana ☆ Part 18

39 4 0
                                    

Sakit sa ulo naman ang nadatnan ni Rogelio Ricaforte sa mansion.
"Carmina ipakita mo ngayon ang pagiging Ina mo kay Ellise.Ginalaw siya ni Carlo sa mismong mansion natin.Tapos ayaw panagutan ang apo ko dahil buntis na daw si Mayumi Chua.Kahihiyan sa pamilya natin ito diba Rogelio.?"demand na salubong ni Don Ricaforte sa mag asawang nagulat sa sinabi nito.
"Teka Don Ricaforte dapat mo pagsabihan sana si Ellise na wag mang aagaw ng lalake.Klarong inaagaw niya si Carlo kay Mayumi.Alam ninyo na may gf yong tao diba.?Kung dati yon ang rules sa mga ninuno ninyo.Ibahin na ninyo ngayon sustento na lang ang pwedeng mahahabol natin for Ellise."realtalk ni Carmina sa byenan.
"Buntis ka ba Ellise kung si Carlo talaga ang ama pwede tayong humingi ng sustento.Pero mabuntis ka man di na kelangan yong sustento naman diba.?Papa mas kahihiyan sa pamilya natin kung ipipilit natin si Ellise kay Carlo."malumanay na pahayag ni Rogelio.
"Ang sabihin ninyo mas panig kayo sa pamilya ni Hilaya.Anak mo si Ellise Rogelio dapat sa pagkakataon ito manindigan ka for the sake of your daughter."pamimilit ni Don Ricaforte sa anak.
"Papa si Mayumi ang inagrabyado ng apo ninyo.Tapos feeling victim kayo ngayon.?Di ka naman nirape diba Ellise.?Kung hahabulin natin sa korte wala tayong pwedeng maikaso.Manahimik ka na lang Papa kung wala ka naman alam sa batas.Buntis ka ba Ellise pwede ko pakiusapan ang parents ni Carlo kung gusto ninyo ng rights sa bata.Wag ninyong sabihin na kumakampi ako kay Hilaya at sa pamilya nila.Dahil kung tutuusin mali ni Ellise iyon Papa.Pumatol siya sa may gf na at seryoso na sa pakikipagrelasyon."galit na si Rogelio sa ama kahit kelan demanding na tao ito palibhasa mapera daw kumpara kina Hilaya.
"Lolo di naman ako buntis.Daddy gusto ko si Jerald hindi si Carlo.Pero mapilit sina lolo at kuya."reklamo na ni Ellise.
"Don Ricaforte ikaw lang pala ang paranoid.Di naman pala buntis si Ellise.At isa pa bakit ninyo ba pinipilit ang isang lalake sa apo ninyo.?Sa tingin ko mas nakakahiya iyon.Kung anak lang kita pinalo na kita Ellise.Kababae mong tao pumasok ka daw sa guess room kung saan natutulog si Carlo.Klarong wala kang delekadesa bata ka."biglang sermon ni Carmina sa step daughter niya.
"S-sinong maysabi sa inyo noon.At isa pa you are not my Mom para sermunan ako Tita Carmina."inis na ani ni Ellise.
"Kasasabi lang ng lolo mo na mangialam ako diba.?Yan Rogelio sinabi na ng anak mo wala akong pakialam.Kaya papanig ako sa mga anak ni Anastacia.May salo salo daw sa bahay nila ngayon dahil buntis daw si Mayumi.Pwede na ba akong umexit ha Don Ricaforte.?"sarkastikong saad ni Carmina.
"Tita patay na si Mommy kaya gumawa kayo ng paraan for Ellise."biglang sabad ni Elijah gusto din niyang manggugulo dahil ayaw niyang magkaayos sina Jerald at Malaya.
"Elijah isa ka pa kaya nagiging spoiled ang kapatid mo dahil kinokonsenti ninyo ng lolo mo.Igigiit ninyo ang baluktot na pananaw.Or gusto lang ninyong gumulo ang pagsasama nila Ethan at Hilaya diba Papa.?Maraming taong nainvolve pati ang triplets nilayo daw ni Hilaya ng 1 month kay Ethan.Ano bang gusto ninyong gawin namin.?Ang tutukan ng baril si Carlo para maengage sila ni Ellise.?"singhal na ni Rogelio  sa tatlong pareho lang ang mga ugali.Sariling kapakanan lang iniisip.Walang pakialam ang mga ito na may naapakan silang mga tao.
"Bakit ninyo kami pinakasal ni Elijah aber.?Si Ethan ang gusto ko hindi itong walang pakinabang ninyong anak Mr.Ricaforte."kabobohan ang pagsabat ni Jasmine sa usapan.Out of topic at wala sa lugar iyon.
"Si Elijah ang nakabuntis sayo Jasmine hindi si Ethan.Di naman tamang si Ethan ang pikutin mo diba.?Nag iisip ka ba or talagang boba ka talaga babae ka.Rogelio isuli mo na nga itong babae sa kanila tinawag niya si Elijah na walang pakinabang.Hoy babae lahat ng pangangailangan ni Ellie si Elijah ang nagbibigay.Hindi siya nagkulang sayo diba.?Pasalamat ka inako talaga ni Elijah ang ginawa niya sayo.Kung ibang lalake iyon tutukan mo man ng baril di talaga aakuin ang anak ninyo.Kaya wag mong masabihan si Elijah ng walang pakinabang.!"duro ni Carmina kay Jasmine.
"Jasmine talaga bang iinsultuhin mo lage si Kuya Elijah.?Sana pala di kita tinulungan na makasal sa kuya ko.Wala kang kasing sama pala.Nagtatrabaho si Kuya ng mabuti para sa future ni Ellie ah.Tapos sinasabi mong wala siyang pakinabang."sumbat naman ni Ellise sa kaibigan.
"Jasmine kung di ka kontento sa apo ko.Umuwi ka na sa inyo di din ako makakapayag na insultuhin mo si Elijah sa harapan namin.!"biglang nabaling ang galit ni Don Ricaforte sa di nag iisip na babae.
"A-ang ibig ko pong sabihin lolo.Si Malaya po ang mahal ni Elijah.S-sinasabi niya sa lahat na kasal lang kami sa papel.Nahihiya ako sobra sa mga kakilala ko.May asawa nga ako pero parang wala namang pakialam sa akin."palusot ni Jasmine pagkakamali niyang ininsulto niya si Elijah sa harapan ng pamilya nito.
"Tigilan nyo na nga sila Hilaya.Kayong dalawang mga babae kayo di na kayo nakakatuwa.Pilit ninyong guguluhin ang pagsasama nina Ethan at Hilaya diba.?Rogelio kung di titigil ang pamilya mo.Mas mabuti na lang yatang magfile ako ng annullment.Sawang sawa na ako sa gulong gusto nilang mangyari.Alam mo mas pipiliin ko si Anastacia kesa sayo.Yang mga anak mo sakit sa ulo.Nadadamay lang si Ethan sa mga kapatid niyang gusto lage ng gulo.!"bulyaw ni Carmina kay Rogelio.
"Elijah may asawa ka ng tao.Dapat magpokus ka na kay Jasmine at Ellie.At ikaw naman Ellise tigilan mo na si Jerald pwede ba.Papa wag mo akong pahiyain sa mga Santos.Baka tuluyan ko kayong kalimutan bilang ama.Mali ang pagpapalaki mo kina Elijah at Ellise sa totoo lang.Gustuhin ninyong may inaapakan na ibang tao para lang makuha ninyo ang gusto ninyo diba.?"maawtoridad na saad ni Rogelio sa pamilya niya.
"At ikaw naman Jasmine sisiguraduhin kong ilalayo ko si Ethan sayo malandi ka.Di ka na nahiya sa balat mo may asawa ka ng tao.Gusto mo pang kumiringking sa anak ko.Kahit sinusuka ka ni Ethan diba.?Di ka ba marunong pahalagahan ang sarili mo ha.?Ellise sa ginawa mo baka isuli ko na itong Daddy sa inyo.Para di na ninyo magulo sina Hilaya.Magfile na lang ako ng annullment.!"matatag na deklara ni Carmina.
"As if naman papayag ako.Carmina away lang ng mga bata ito.Ang dapat natin gawin ang ayusin diba.?Magtigil ka na Papa sinisira mo ang reputasyon ko.Kung ipipilit nyo ang gusto ninyo.Itatakwil ko kayo bilang magulang ko.Di na kayo nakakatuwa sa gusto ninyong mangyari.Ginugulo ninyo sina Ethan at Hilaya lage.Elijah at Ellise kung ayaw ninyo sa Tita Carmina ninyo.Wag kayong mandamay ng ibang tao.Di ko hihiwalayan ang Tita ninyo tulad ng dati.!"maawtoridad na ani ni Rogelio kaya natameme ang tatlo.Umalis agad silang mag asawa sa mansion.
"Jasmine makakaalis ka na sa pamamahay ko kung ayaw mo talaga kay Elijah.Kasalanan ko din kung bakit iginiit ko sa apo ko na pakasalan ka.Ikaw ang may problema hindi ang apo ko."di pinalampas ng Don ang pang iinsulto ni Jasmine kay Elijah.
"At iwan mo si Ellie dito kaya ko naman alagaan siya Jasmine."galit na ani ni Elijah sa wakas sinabi iyon ng lolo niya sa bruha na misis niyang hilaw.
"L-lolo I did not mean it.G-galit lang ako kay Elijah dahil lage niya inaalala si Malaya Lee."alibi ni Jasmine natakot siyang ilalayo ng mga ito ang anak niya.At mawalan ng access na makalapit pa kay Ethan.
"Ikaw lage ang insecure kay Hilaya at Malaya tang ina mo.Wag mong sabihin na mahal mo ako dahil kakasabi mo lang si kuya Ethan ang gusto mo mapangasawa diba.?Lolo ano pa ba ang saysay ng pagsasama namin ni Jasmine kung sinasabi niyang wala akong pakinabang diba.?"sulsol pa ni Elijah sa matanda para tuluyan ng paalisin ito sa mansion.Naalibadbaran siya sa pagmumukha ng babae sa totoo lang.Gusto pa kasi nitong bigyan niya ng malaking allowance.Sa tingin ni Elijah di siniswerte si Jasmine.Nagtatrabaho siya ng matino dahil sa anak lang niya hindi sa Ina nito.Tama ang Daddy niya di talaga mapipilit ang puso.Parang naranasan ni Elijah ngayon ang nararanasan ng Daddy niya sa piling ng real mother nila ni Ellise noon.May anak man sila ni Jasmine pero hanggang doon lang koneksyon nila sa babae.Mas worst pa dahil di siya mahal ni Jasmine.Kaya di talaga mahuhulog ang loob ni Elijah sa bruhang babae.

Ang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now