Dinaos ang bonggang engagement party nina Reggie at Ellise.Nandun din ang kaanak ng Don.
"Hilaya kumusta ka na aba buntis ka na pala.Akala namin si Reggie ang mapapangasawa mo.Diba close na kayo bata pa lang.?"masayang ani ng kaanak ni Don Miguel.
"Di talaga natin masasabi ang panahon diba.?Pero kung di lang kontra si Milgred kay Hilaya.Malamang si Reggie ang mister mo ngayon diba Hilaya.?"segunda ng isa pa.
"Excuse me po di ko po engagement ito.Sana yong fiancee po ni Reggie ang lapitan ninyo.May pakiramdam din ang asawa ko po.10 yrs na ang nakaraan namin ni Reggie.Sana po wag nyo ng ungkatin pa."prangka man si Hilaya magalang naman.
"Pasensya ka na Hilaya talagang nanghihinayang kaming lahat sa pinagsamahan ninyo ni Reggie."napapalatak na lamang ang kaanak ng Don.Boto ang pamilya Lopez kay Hilaya Kerra Tanaka.Kaya ganun na lamang panghihinayang nilang lahat.
"Kahit pa bf ni Hilaya noon si Reggie pipilitin namin ni Anastacia ang magkatuluyan sila ng anak ko."biglang sabad ni Carmina sa usapan.
"Carmina wag mo sanang mamasamain ang ibig sabihin namin.Teka wala yata si Anastacia ah.Di mo ba inimbita Hilaya ang Inang mo.?"puna nong isa pa ayaw nilang lapitan talaga si Ellise.Busy din ito sa mga bisita nito galing Manila daw.
"Kapapanganak lang ni Mayumi po.At buntis na rin si Malaya.Ayaw nilang pumunta po dito."sagot naman ni Hilaya ayaw ng Inang nilang maging parte sa engagement ni Reggie Lopez mismo.Wala daw dahilan para pumunta ang pamilya niya sa ganung party.
"Carmina parte na si Anastacia ng pamilya natin.Baka di mo pinilit pumunta."ani ni Cello gusto niyang magkaayos na sila Anastacia.Sabay sila lumaki sa Hacienda.Kaya parang kapatid na ang turing niya dito.
"Kuya Cello galit si Anastacia sa asawa mo.Ayaw lang niya ng gulo pa.Padadalhan ko na lang sila ng mga pagkain sa bahay nila mamaya."ani ni Carmina.
"Buti naman di mahaluan ng mahihirap ang party na ito."bulalas bigla ni Milgred.
"Will uuwi na pala ako Mommy.Ethan pasundo na lamang ako kina Itang dito.Ayoko nang matulog din dito Honey.Naligaw ako di ko alam na bawal pala ang mahihirap sa party na ito."matalim ang mga salitang binitiwan ni Hilaya.
"Cello sumusobra na iyang asawa mo.Talaga bang di iyan magbabago.?Naengage na si Reggie sa iba.Ano pa ba ang gusto niyang mangyari.?Ano ba ang karapatan niyang insultuhin ang pamilya ni Hilaya ha.?"nagalit na si Don Miguel sa manugang niya.
"Manugang ko na si Hilaya balae.Di ako makakapayag na insultuhin mo siya sa madaming tao.!"bulyaw ni Rogelio kay Milgred.
"Daddy nakakahiya sa mga bisita ko."awat agad ni Ellise sa ama.
"Pabida kasi iyang Hilaya na iyan.Gumagawa ng eksena kamo."ginatungan pa ni Jasmine ang inis ni Ellise.
"Teka sino naman itong babae na ito.Hoy si Hilaya lumaki dito sa Hacienda.Kaya namiss namin siya sobra.Ikaw sino ka naman para sumabad sa usapan."tumaas ang kilay nong mga kamag anak ni Don Miguel.
"M-manugang po ako ni Daddy Rogelio Ricaforte.Asawa ako ni Elijah Ricaforte."napapalunok si Jasmine dahil tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
"Dapat lang mapansin namin si Hilaya dahil wala ka sa kalingkingan ng kagandahan niya.Ikaw mayaman nga pero kulang ka pa yata sa gluta.Teka may alam akong magaling derma clinic.Magpaputi ka muna doon bruha."pang iinsulto ng pinsan nina Ethan kay Jasmine.
"Mawalang galang na wag nyo insultuhin ang asawa ng apo ko."pagtatanggol ni Don Ricaforte kay Jasmine.
"Dapat wag din niya insultuhin si Hilaya.Di porket mga bisaya kami may karapatan na kayo sa bagay na iyon.Kerra wag ka na kayang umuwi sa Manila."galit din ang kamag anak kay Don Ricaforte.
"Masaya ka na ba ha Hilaya.You ruined my engagement right now.Dahil ba ang totoo nasasaktan ka dahil ako ang magiging fiancee ni Reggie Lopez.?"di paawat si Ellise sa kamalditahan.
"Walang ginawa ang asawa ko kundi ang batiin ang mga bisitang dumating.Ellise watch your language then.!Galangin mo ang sister in law mo.!"singhal na ni Ethan sa kapatid.
"Come on kuya Ethan alam mong malalim ang samahan nina Hilaya at Reggie.Dont tell me di ka nainsecure sa ex bf ng asawa mo.Gusto lang ni Hilaya magpabida sa party ko.Yon ang totoo naman diba.?"bulyaw din ni Ellise kay Ethan.
"Kung di mo gusto si Kerra galangin mo ako bilang kuya mo.!"sinampal na ni Ethan si Ellise sa harapan ng maraming tao.
"Kuya Ethan engagement party ni Ellise ito.Bakit mo siya sinampal tang ina mo.!"sinuntok naman bigla ni Elijah si Ethan.Kaya nagkagulo na tuloy sa party.Panay awat si Hilaya kay Ethan.Aksidente na naitulak siya nito.Bumagsak siya sa sahig at nagdugo ang hita niya.
"No my babies isalba ninyo ang mga anak ko."nanginig na hiyaw ni Hilaya sumakit ng todo ang tiyan niya.Next week pa ang due date niya.Mapaaga yatang ilabas ang baby nila.
"Kerra no Im sorry tumawag kayo ng ambulance.!"hiyaw naman ni Ethan na pinilit na kargahin si Hilaya.Tumulong na si Reggie sa pagbuhat kay Hilaya.
"Honey ko kahit anong mangyari isalba ninyo ang babies natin."yon lang at nawalan ng malay tao si Hilaya.
"No Honey ko dadalhin kita sa ospital agad."nanginig man si Ethan ang nasa isip niya ngayon ay masalba ang mag ina niya.
Dali dali naman pumunta ang pamilya ni Hilaya sa ospital.
"Carmina anong nangyari sa anak ko.?"niyugyog pa ni Anastacia ang umiiyak na kaibigan niya.
"Im sorry Anastacia nagkagulo sa Hacienda kasi aksidente naitulak ni Ethan si Hilaya."impit na hagulgol ni Anastacia.
"Careless ka Carmina triplets ang nasa tiyan ni Hilaya.Kung nagkagulo dapat nilayo mo siya agad.Tang ina mo Carmina pag may mangyari sa anak ko.Kalimutan mong naging kaibigan mo ako.Ethan mahal kita pero di ka nag iingat ngayon.Pinilit ni Hilaya pumunta para makasama mo din ang pamilya mo sa Hacienda.Kayong mayayaman tanging sorry lang magagawa ninyo ngayon diba.?Ito ang tandaan mo Ethan oras na may mangyari kay Hilaya.Di na kami uuwi ng Manila."banta na ni Anastacia sa mga ito.
"Im sorry Inang sana pala di na kami pumunta sa letseng engagement na iyon.!"sinusuntok ni Ethan ang pader.Mayamaya pa sunod sunod ang iyak ng sanggol.Lumabas ang doctor na malungkot pa rin ang mukha.
"Sorry naisalba namin ang triplets.Pero ang mother comatose po.Delikado ang magbuntis ng triplets kaya di yata kinaya ng katawan ng mother.Di namin alam kung kelan siya gigising.Or di na gigising pa ang Ina ng mga babies."malungkot na balita ng doctor.
Hiyawan at iyakan ang namutawi sa naghihintay sa labas ng ER.
"Malaya no Bhe magiging ok ang ate Hilaya mo."nahimatay kasi si Malaya kaya pati ito naconfine.
"Umalis na kayong lahat di kayo kelangan ng anak ko.!"nagwawala na si Anastacia.
"Rogelio anong nagawa ko."umandar ang postpatrum ni Carmina.Sa simpleng awayan ng magkapatid nalagay sa peligro si Hilaya.
Kahit pagtabuyan si Ethan ng Ina ni Hilaya.Pinilit niyang makalapit sa mahal na misis niya.
"K-kerra wag mo ako iwan marami pa tayong plano diba.?Magpapakasal pa tayo sa simbahan diba.?Kelangan ka pa ng mga anak natin.Please Kerra nagmamakaawa ako sayo lumaban ka."impit na hagulgol ni Ethan.
Samantalang sa kawalan ay naroroon si Hilaya.May isang batang nakangiti na humihila sa kanya patungo sa liwanag.Madaling araw na nagising si Hilaya.
"E-ethan nauuhaw ako."nanghihinang tawag ni Hilaya sa mister niya.
"K-kerra totoo bang gising ka na.?Di ba ako nanaginip lang.?"nagising agad si Ethan.
"Oo pero nauuhaw ako pahingi ng tubig."request ni Hilaya na pinilit na ngumiti na.
"Ok here konti lang itatanong ko lang sa doctor or nurse kung pwede ka bang uminom ng tubig.Thanks god nagising ka agad.Isang himalaya yata ito."pinupog ni Ethan ng halik si Hilaya sa buong mukha.Kinuwento din niya na nagalit ang Inang nila Hilaya kay Ethan.
"Wag mong dibdibin ang sinasabi ni Inang.Matalas talaga ang dila noon.At intindihin mo siya bilang Ina namin din ha Honey."haplos haplos ni Hilaya ang namamagang pisngi ni Ethan sa kakaiyak malamang.
"Naintindihan ko but I insisted na bantayan ka.Nasa kabilang kwarto si Malaya.Tulog na sila kaya di ko na lang ginising pa."masaya si Ethan stable na ang lagay ni Hilaya.
"Sino kamukha nong babies natin.?"excited na tanong ni Hilaya.
"Di ko pa sila tiningnan.Buong araw kitang binabantayan kasi.Tulog na daw sabi ng nurse.Picturan ko ba Hon.?"puno ng pagmamahal na pinapakain ng lugaw ni Ethan si Hilaya pwede na daw konting mild na lugaw.
"Bukas na lang di pwede silang gisingin naman.Malaki itong kama tabihan mo na ako."malambing na request ni Hilaya at nag iingat naman si Ethan na wag masagi ang tahi niya sa tiyan dahil syempre CS siya at deretso na ligate daw.Second life na niya iyon at naisip niya yong batang nakita niya sa panaginip.Malamang iyon ang fetus na pinalaglag niya.Marahil binabantayan siya lage nito.Siguro pinapatawad na siya ng anak niya sa maling nagawa niya dito.