Kinabukasan maagang nagsusuka si Mayumi.Dahil yata sa marami siyang nainom kagabe.
"Punta na tayo ng doctor baka may ulcer ka na Mayumi.Malaya wag ka munang pumasok ikaw muna bahala sa triplets ha.Dadalhin ko lang si Mayumi sa ospital."dali dali si Hilaya ganun siya hands on noon pa sa mga kapatid niya.
"Sige lang ate tawag agad kayo kung anong sakit ni Mayumi ha."nababahala din si Malaya sa kapatid.Di ito sakitin pero lately sobrang tamlay ni Mayumi talaga.Apektado masyado ito sa break up nila Carlo.
Mayamaya pa pumunta din si Ethan sa bahay nila Hilaya.Si Malaya lang nadatnan niya doon.
"Nagsusuka si Mayumi kanina lang.Dinala na ni ate Hilaya sa ospital ngayon lang kuya.Kuya gustuhin ko man tulungan kayo.Pero sobrang apektado si Mayumi sa nangyayari."umiiyak na ani ni Malaya kay Ethan.
"Pupuntahan ko sila sa ospital.Malaya salamat sa pag aalaga sa triplets namin ni Kerra.Dont worry naintindihan ko kayo.At kasalanan ko ang lahat ng ito.Ok lang sumbatan ako ni Kerra araw araw."malungkot na ani ni Ethan.
"Sige kuya misis mo na si ate pasasaan ba maging ok siya sayo."binigyan ng lakas ng loob ni Malaya si Ethan.
Samantalang nagitla sina Hilaya at Mayumi sa resulta.Buntis na pala si Mayumi pero nakuha pa nilang maglasing kagabi.
"Ate nalasing siguro ang baby ko kagabe.Kaya nagsusuka ako kanina."nakadextrose na si Mayumi ng sambitin ang bagay na iyon.
"Malamang ay doctora wala ba kayong gamot sa hang over ng baby.?Di kasi namin alam na buntis siya kaya naglasing siya kagabe."nababahala naman si Hilaya sa pamangkin niya pala soon.
"Mrs.Ricaforte fetus pa ang baby kaya dont worry.Although healthy siya sa tiyan ng mother.Pero di advisable na uminom ng alak ang buntis.Restahan ko na lang ng vitamins ang mother ng baby.At 3 days dapat siya maconfine.Nanghihina ang resestensya niya kelangan niya maturukan ng dextrose na may vitamins sa ugat."sabi ng doctora sabay paalam nito.
Mayamaya pa dumating si Ethan na may dala ng breakfast sa kanila.
"Kuya ang bango ng dala mo.Ate nagugutom na ako bigla."natakam naman si Mayumi gusto niya bigla kumain.
"Here di din pa ako kumain kaya dinamihan ko na ang breakfast.Kerra anong sakit ni Mayumi.?"nag aalalang tanong ni Ethan sa asawa.
"Buntis siya nalasing si baby kaya nagsuka.Dont worry Mayumi mana sa kuya Ethan mo ang baby mahilig maglasing.Tse kung di ka lang gwapo di ko kakainin itong breakfast na dala mo."kinurot pa ni Hilaya sa tagiliran ang mister niyang namiss din niya sobra.
"Ok kung kasing gwapo ni kuya Ethan ang baby ko masaya na ako."nakangiti ng ani ni Mayumi habang maganang kumakain ngayon.
"Bati na tayo Honey ko hmmmppp.Gagawin ko ang lahat ng parusa mo sa akin.Aalagaan ko din mabuti si Mayumi."nilambing na ni Ethan ang misis niya.
"Ok mahal ang annullment pasalamat ka.At namiss kita sobra."biglang lambitin ni Hilaya sa mister.
"I miss you more kain na tayo baka mainggit pa si Mayumi sa atin."biro na ni Ethan masaya na siya dahil nagkabati na sila ni Hilaya sa wakas.
"Gutom na din ako kain na tayo.Buti naman magana si Mayumi matapos magsuka kanina."masaya na si Hilaya kasalo na niya ulit ang mister.
"Bigla akong naging energetic ng makita ko si kuya Ethan ate.Kay gwapo niya sa paningin ko."nagningning ang mga mata ni Mayumi.
"So si Ethan ang pinaglilihian mo.?Not bad kay gwapo ng brother in law mo agree ako.Ethan doon na muna tayo sa bahay tumira until matapos maglihi si Mayumi ha.Dapat lage ka niyang nakikita kung ikaw ang pinaglilihian niya."utos na ni Hilaya sa mister.
"Its ok basta bati na tayo.Dadalhin ko din si Mayumi sa trabaho.Doon kayo magtambay sa opisina ko buong araw ok lang Honey."lahat ng gusto ni Hilaya gagawin ni Ethan.Ngayon maging aware na siya sa mga babae na malandi kagaya ni Jasmine Morales.Ayaw na niyang magkaproblema pa sila ni Hilaya dahil sa ibang babae.
"Gusto ko din makita kung paano ka magtrabaho buong araw."maging gwardya civil na si Hilaya kasi doon din nagtatrabaho lately daw si Jasmine sa company nila Ethan.Isa sa mga stockholder daw ang pamilya nito sa company.
"Mas ok iyon for me Honey ko."masaya si Ethan kung lage niya nakikita ang mag ina niya while nagtatrabaho siya.
Samantalang humahangos si Carlo papunta ospital.Pinaalam kasi ni Malaya kay Jerald na sinugod sa ospital si Mayumi.
"Sweetie ko are you alright.?Its my fault din sana di ako pumunta sa lintek na party na iyon."nag aalala ng husto si Carlo.
"Iha sana bigyan mo pa ng chance si Carlo.Maniwala ka sa anak ko na di niya magagawang pumatol sa ibang babae in a random way."nangialam na si Mrs.Santos ang mother ni Carlo dahil ni halos di na kumakain at magtrabaho ang anak nila kasi.
"Mrs.Santos wag nyo pong stressin si Mayumi.Buntis po ang kapatid ko."awat naman ni Hilaya sa mother ni Carlo.
"Gagu ka talagang lalake ka bakit inistress mo ang manugang namin.?Mahal mamanhikan na tayo pagdating ng parents ni Mayumi."sobrang saya naman ng father ni Carlo.
"Tita at Tito si Ellise ang nababagay po kay Carlo hindi ako."nagself pitty naman si Mayumi ngayon.
"Di kami papayag na si Ellise ang maengage ni Carlo iha.Pinagsabihan ko na si Carlo.Teka may gusto ka bang kainin.?Wag mo munang isipin si Carlo gagu nga siya.Bakit ba siya naglalasing tuloy nasaktan ka niya.?"di kampi si Mrs.Santos sa mismong anak.
"Kakain lang po namin kanina nila ate Hilaya.Wag na po kayo mag abala pa.Three days ako po dito maconfine sa ospital."magalang na ani ni Mayumi sa parents ni Carlo.
"Ikaw lalake dapat alagaan mo ng mabuti si Mayumi simula ngayon.Iha kung may kelangan ka magsabi ka lang.Tayo na Mahal maghanda na tayo sa pamamanhikan."paalam na ni Mr.Santos ayaw nila kay Ellise Ricaforte sa totoo lang.Gusto nila si Mayumi Chua na maging manugang daw nila wala ng iba pa.
"Opo Mom Dad."kay saya naman ni Carlo dahil tulad ni Ethan magkababy na siya.Di na siya manghihiram pa ng baby ng mga ito.
Mayamaya pa biglang nasusuka na naman si Mayumi.
"Ate ayaw ko sa amoy ni Carlo."nanghihinang reklamo ni Mayumi.
"Pare maligo ka muna maamoy ka daw."natatawa pang biro ni Ethan kay Carlo.
"Ah ok naligo na ako pero maligo ako ulit.Sweetie babalik ako mamaya ha."dali dali namang nagpapaalam si Carlo.
"Ok lang di ka bumalik tse.Mas gusto ko ang amoy ni kuya Ethan kesa sayo."yumakap naman si Mayumi kay Ethan.
"Si Ethan ang pinaglilihian ni Mayumi kaya di mo na kelangan pumunta dito pa Carlo.Kaya namin alagaan si Mayumi."pagtataboy ni Hilaya sa lalake.
"P-pero Hilaya buntis si Mayumi kelangan ko siyang alagaan right now."giit ni Carlo.
"Sa tingin mo ba nakakatulong ang pagpunta ng parents mo dito.?Galit pa ako sayo dahil sayo nalasing kagabe ang baby ko.!"galit na bulyaw ni Mayumi kay Carlo.
"Bulyawan mo man ako sweetie di ako lalayo sayo.Ngayon magkababy na tayo.Alam kong mas kelangan mo ako ngayon."napaiyak ulit si Carlo di madali palang paamuhin si Mayumi at Hilaya.
"Whatever so bilhan mo ako ng letson manok.Gutom ulit ako dahil naisuka ko ang kinakain ko kanina lang."biglang demand ni Mayumi.
"Ok bibili na ako ngayon din mismo sweetie ko.Matapos ko din maligo babalik agad ako dito."biglang umaaliwalas ang mukha ni Carlo dahil inutusan siya bigla ni Mayumi.
Samantalang pumunta sina Don Ricaforte sa bahay mismo ni Carlo.Pipilitin nilang maengage sina Carlo at Ellise daw.
"Anong ginagawa ninyo dito Don Ricaforte.?"galit na salubong ni Mrs.Santos sa matanda.
"Pinagtataguan yata kami ng anak mo.Gusto kong panagutan niya ang ginawa niya sa apo ko.Kahihiyan namin iyon na ibasura lang ni Carlo si Ellise namin."maawtoridad na demand ni Don Ricaforte sa parents ni Carlo Santos.Mayaman din kasi ang mga ito kaya naghahabol siya about sa puri daw ng apo niya.
"Don Ricaforte di na uso na pikutin mo ang anak ko dahil may nangyari sa apo mo.Kung di naman malandi iyang apo mo.Wala sanang nangyari sa kanilang dalawa kung meron ngang nangyari.Base sa kwento ni Carlo wala siyang maalalang ginalaw niya ang apo ninyo.Pag gising niya nasa kama na niya si Ellise.Klarong set up iyon ng apo ninyo.Kaya tingin ko walang obligasyon si Carlo sa apo ninyo."galit din ani ni Mr.Santos sa mayabang na Don.
"Ellise buntis na ang manugang namin.Kaya siya dapat ang asawahin ni Carlo wala ng iba pa.Di ka naman buntis diba bakit naghahabol ka pa sa anak ko.?"deretsahang ani ni Mrs.Santos kay Ellise.
"Lolo I said di na kelangan iyon."bulong ni Ellise sa lolo niya dahil napahiya na siya ng husto ngayon.
"Sigurado ba kayong si Carlo ang ama ng pinagbubuntis nong Mayumi na iyon.Baka gusto lang nilang ipaako sa anak ninyo ang bata.Kelangan di mapapahiya ang apo ko.Ipaglalaban ko ang karapatan ni Ellise.!"giit ni Don Ricaforte mayaman sila pero naapakan ang ego niya dahil inaayawan ng mga ito ang mismong apo.
"Ano kita na lang tayo sa korte.?Kasuhan nyo man si Carlo wala kaming pakialam sa apo ninyo.!Alis na kayo baka kasuhan ko kayo ng tresspassing.!"pagtataboy na ni Mrs.Santos sa maglolo na demanding.Kung makademand sa kanila wagas.Si Mayumi Chua lang ang kinikilala nilang mamanugangin wala ng iba pa.