Ang Probinsyana ☆ Part 21

32 5 0
                                    

Di alam nilang lahat sumunod pala si Reggie sa bahay mismo nila Hilaya.
"Kuya Reggie pasok po kayo."magiliw na ani ni Randy sa Mayor ng bayan nila.
"Randy Mayor na siya wag mo tawagin kuya."saway agad ni Malaya sa bunso nila.
"Gusto ko lang po makausap si Kerra Aling Anastacia."takot na tumuloy si Reggie sa bahay mismo nila Hilaya.
"Dito na kayo mag usap kasama namin sa sala.Reggie di na single si Hilaya.Di pwede yong kayo lang dalawa.Wala akong tiwala sayo."magaspang na pakikitungo ni Anastacia sa ex bf ni Hilaya.
"O-ok po."kay sakit na isipin ni Reggie ang mahal niya si Hilaya Kerra Tanaka ay may asawa at mga anak na.
"Ano pa ba ang dapat natin pag usapan pa ha Reggie.Diba pinili mong sundin ang magulang mo noon.At pinaabort ko na lamang sa Japan ang baby natin.?Dahil sinabi mo na di ka pa ready sa committment.?10 yrs na ang nakalipas kaya binaon ko na sa limot ang nakaraan."sumbat ni Hilaya kay Reggie na kinagulat ng lahat.
"Anak bakit di mo sinabing nagpaabort ka pala sa Japan.?Di mo din sinabi kay Ethan diba.?"gulat na tanong ni Anastacia sa panganay na anak.
"Kung pinaalam ko sa inyo Inang magugulo lang ang buhay natin.At isa pa ayaw akong panagutan ni Reggie noon.Alam kong masama ang magpaabort.Pero kesa lumaki ng walang ama ang anak ko.I have no choice Inang."napaluhang saad ni Hilaya yon ang pinakamabigat na desisyon niya sa tanang buhay niya.
"K-kaya nandito ako para humingi ng tawad sayo Kerra.Naging duwag ako noon at dala dala ko sa konsensya iyon."impit na hagulgol ni Reggie.
"Wala ng saysay ang pag iyak mo Mayor.Masaya na sina Hilaya at kuya Ethan ngayon.Wag mo ng guluhin pa sila."minsan lang magalit talaga si Malaya.Buti pa si Jerald kahit di pa siya buntis atat itong pakasalan siya ngayon din mismo.
"S-sana mapatawad ninyo ako balang araw.Masyado akong bata noon di ko pa alam tumayo sa sarili kong paa.Pero sa buong buhay ko Kerra ikaw lang ang minahal ko talaga."impit na umiiyak si Reggie ngayon.
"K-kerra wala ka bang tiwala sa akin.?Bakit di mo ikinuwento ang nakaraan mo.?Para akong bulag nangangapa sa dilim pala.Di ko din alam na may ex bf ka pala dito sa Cebu.Talaga bang minahal mo ako Kerra.Or second option mo lang ako.?"biglang dating ni Ethan kasama ang parents niya.
"Anak masakit ang break up nila kaya di pwedeng ungkatin ni Hilaya iyon.Kahit alam ko wala akong karapatan ikuwento iyon mismo sayo."pagpapaliwanag ni Carmina kay Ethan.
"Ethan masakit yong no choice akong ipaabort ang first baby ko.Alam kong kasalanan sa Dyos iyon.Kung tinatanong mo ako kung mahal ba kita.Di pa ba sapat pinaparamdam ko sayo ha Ethan Ricaforte.Ikaw ang pilit pumasok sa buhay ko.Kahit pa ayoko na sanang buksan muli ang puso ko."nanghihinang hagulgol ni Hilaya walang nakakaalam sa pagdurusa niya ng maraming taon.Kundi sinosolo niya iyon sa loob ng mahabang panahon.
"Ethan kami nga na magulang ni Hilaya ngayon lang namin nalaman na ang pag abort niya sa baby nila ni Reggie.Sana intindihin mo si Hilaya Ethan."namagitan na si Nestor sa mag asawa.
"Ikaw na bata ka bakit lage mong sinosolo ang sakit.?Sinosolo mo ang lahat ng bagay.Ano ba tingin mo sa pamilya mo ha Hilaya.?Ina mo ako di kita huhusgahan naman anak.Inaako mo ang responsibilidad mo sa pamilya natin.At di mo sinabi na nagdurusa ka pala mag isa dahil sa lalaki na ito."duro pa ni Anastacia kay Reggie.
"Wag ka ng magpakita sa amin.Talagang sasaksakin kita sa kutsilyong hawak ko ngayon Mayor.!"sa galit ni Mayumi may bitbit na itong kutsilyo pala.
"Oh my god sweetie ko akin na iyan.Baka masugat ka pa."dali daling binawi ni Carlo ang hawak na kutsilyo nito.
"Reggie umuwi ka na wag mo ng hukayin pa ang nakaraan.Dapat maengage ka na kayo ni Ellise sa lalong madaling panahon."deklara ni Carmina para maiwasan ang gulo.
"Darling ayoko ng ipaengage ang anak ko sa pamangkin mo."nag aalangan naman si Rogelio sa bagay na iyon.
"Para patuloy ang pantasya ni Ellise kay Jerald ha Rogelio.?Diba sinabi mo na may karapatan na ako sa mga anak mo.?Bigla mo yatang kinain ang sinasabi mo."galit na baling ni Carmina sa asawa.
"Ok na ikaw na ang boss."napakamot na lamang sa ulo si Rogelio.
"K-kerra gusto mo bang pakasalan ko na lamang si Ellise.?"tinanong pa ni Reggie ang opinion ni Hilaya.
"Tang ina mo walang pakialam na si Kerra sayo Reggie Lopez."kinuwelyuhan ni Ethan bigla ang pinsan niya.
"Si Kerra ang tinatanong ko hindi ikaw.Malalim ang pinagsamahan namin alam mo ba iyon Ethan Ricaforte.?"di din padadaig si Reggie sa katapangan ng pinsan niya.Willing na siya ngayon ipaglaban si Hilaya.Ngayon niya nalaman na huli na pala ang lahat.Pero kung may 1% pang natirang pagmamahal ni Hilaya sa kanya.Siguro pipilitin ni Reggie na makuha muli si Hilaya sa pinsan niyang si Ethan.
"Tama si Ethan wala na akong pakialam sayo.Gusto ko lang sumbatan ka sa lahat ng pagdurusa ko.Poot na lamang nararamdaman ko sayo Reggie."biglang binato ni Hilaya ng baso ang ex bf niya.
"Umalis ka na sabi ei.!"bulyaw ni Malaya sa kaunahang pagkakataon nagalit ito ng husto sa isang tao.
Laglag ang balikat ni Reggie na umalis sa baryo nila Hilaya.Siguro susundin niya ang elders na pumayag sa engagement nila ni Ellise Ricaforte.Gusto din niyang masilayan niya muli si Hilaya.Kung iyon ang paraan para mapalapit dito gagawin na niya ni Reggie na tulay si Ellise papunta muli kay Hilaya.
Katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat mayamaya pa.
"Hilaya siguro naman pwede mo ng ikwento sa amin kung ano talaga ang nangyari sa inyo ni Reggie diba.?Anak karapatan namin na pamilya mo malaman kung ano ang nangyayari sa buhay mo.Alam namin lumaki kang independent.Pero pakiusap wag mong solohin ang lahat anak.Handa kaming damayan ka gaano man kasakit."umiiyak na ani ni Anastacia sa panganay na anak.
"Inang ganito kasi iyon.Nong bago ako makatapos ng college.Di ko inaasahan na mabuntis ako ni Reggie.Gulong gulo ang isip ko ayoko din kayong madissappoint sa akin.Dugo at pawis ninyo ang pinuhunan para makatapos lang ako diba.?Kaya sinabi ko kay Reggie na pupunta kami ng Japan dalawa.Tapos pagkapanganak ko iiwan ko muna sa kanya ang baby namin.Di ako nagdemand ng kasal.Sabi niya di daw niya kayang buhayin ang baby namin.Kaya naisip ko ipaabort na lang siya.Uminom lang ako ng pangpalaglag dahil uso daw iyon sa Japan Inang.Simula noon kinalimutan ko na si Reggie.At kasabay noon takot na akong magmahal ulit.Takot na akong iiwan na lang basta sa ere matapos akong mabuntisan.Tapos kay kapal ng apog ni Reggie sinasabi niya yata sa lahat na naghihintay siya sa pagbabalik ko.I hate him so much di niya ako makuhang ipaglaban sa mother niya.Ang pinagsisihan ko lang kung bakit nagawa ko patayin ang fetus sa tiyan ko noon.Inang dahil doon namamanata ako lage na patawarin ako ng Dyos.Bata pa ako noon at natakot sa responsibilidad bilang isang Ina."impit na hagulgol ni Hilaya.
"Kawawa ka naman anak.Dahil sa kagustuhan mong makatulong sa amin ng Itang mo nagawa mo iyon.Mali nga lang ang ideya mo na ipaabort ang baby mo na inosente naman."bumaha ng luha sa sala umiiyak sila lahat ngayon.Sa likod ng mga ngiti at tawa ni Hilaya pala.May mabigat pala itong pinagdaanan mag isa.
Naawa man si Ethan sa misis pero sobrang nagtampo siya.Dahil may sumpaan sila ni Hilaya na for better and for worst dapat magkasama sila.Clueless siya sa nakaraan nito.Pakiramdam niya kulang pa sa trust si Hilaya sa kanya.Tahimik siya nakaupo sa terrace ng bahay nila Hilaya.Tinitingnan ang mga bituin sa kalangitan.Takot din siyang balang araw maisipan ni Hilaya na balikan si Reggie Lopez.Ganun kaparanoid si Ethan sa pagsasama nila ni Hilaya.
"Honey ko Im sorry na hindi ko sinabi sayo na may ex bf ako dito sa Cebu.Ethan para sa akin kasi masakit na alaala ang namagitan sa amin ni Reggie.Nahirapan akong pulutin ang nadurog na puso ko.Pero ikaw ang bumuo ulit nito.Honey ko past ko na si Reggie kaya sana wag mo sabihin na hindi kita mahal.Kung di ko kinayang ipaglaban si Reggie noon.Ngayon para sayo papatay talaga ako."umiiyak na niyakap ni Hilaya si Ethan.
"Kerra takot lang akong mawala ka sa akin.Pangako mo sa akin anuman ang lungkot at bigat sa puso mo.Sana ishare mo sa akin dahil mister mo na ako.Iisa na lang tayo diba sa mata ng Dyos.Yon ang sinumpaan natin Kerra sa altar.Para maassure din ang puso ko na mahal mo din ako."puno ng pagmamahal na pinapahid ni Ethan ang mukha ni Hilaya na puno ng mga luha.
"Sumpa man lahat ng nararamdaman ko ikaw ang unang makakaalam Honey ko.Papatunayan ko sayo na mahal kita talaga."gumaan ang pakiramdam ni Hilaya sa wakas.At feeling niya mailet go na niya ang bigat sa puso niya.Nasumbatan na niya din si Reggie after a decade.Unti unti na yata maghilom ang sugat ng nakaraan sa puso niya.

Ang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now