Next week pa sana due date ni Mayumi pero biglang sumakit ang tiyan nito.At bumuka na ang panubigan.
"Atat ng mangitlog si Mayumi Inang.Ano gagawin natin.?"tumitiling tanong ni Hilaya na nagpataranta sa mga lalake din.
"Ginawa mong inahin ang kapatid mo Hilaya.Nurse naman si Malaya siya na lang magpaanak sayo Mayumi.Buti na lang boy scout ang Itang mo.Ryan tumawag ka ng ambulance.Tiyak na matatagalan iyon dumating.Dito na natin siya paanakin.Gaya ni Carmina noon dito din sa falls siya nanganak kay Ethan.Nakalimutan ko saan banda basta dito ako naglalaba kasi sobrang linaw ng tubig diba.?"nagkwento pa si Anastacia.
"Inang mangingitlog na si Mayumi.Bakit sobrang daldal mo pa.?"kontra ni Hilaya sa Ina kaya napatawa ang mga kapatid niya.
"Ate Hilaya wag mo akong patawanin di ko kayang umere."iyak tawa na rin si Mayumi.
"Tutulungan kitang umere Mayumi dont worry."pinupunasan pa ni Hilaya ang pawisan na kapatid niya.Buti na lang sumunod sila Ethan sa mga ito.Masasaksihan niya ang panganganak ng kapatid.
"Ate 5 months pa iyang triplets.Bawal ka pang umere ahhh ang sakit.Tang ina mo Carlo ang sakit ng puday ko."sinabunutan pa ni Mayumi ang umiiyak din na fiancee niya.
"Nakakabaliw itong mga anak mo Nestor mana sayo itong dalawa na ito."tawang tawa ani ni Anastacia sa mga anak niyang sina Mayumi at Hilaya.Pag nagsama ang mga ito para na rin silang may mga saltik lahat.
"Ikaw lang atleast magaganda sila mahal."ganting biro ni Nestor na hinahanda ang kelanganin ng bagong panganak na sanggol.
Mayamaya pa lumabas ang baby at pinalo ni Malaya sa pwet para umiyak ito ng malakas.
"Malaya baby pa lang ang pamangkin natin.Wala pa siyang kasalanan bakit pinalo mo siya sa pwet.?Kurutin ko singit mo makikita mong babae ka."galit na ani ni Hilaya sa kapatid.
"Ate dapat ganun iyon para masiguro na humihinga ang baby."natatawang pagpapaliwanag ni Malaya sa inosenteng ate Hilaya niya.
"Dito din ko pinaliguan si Ethan noon.Aba gusto niya ang tubig Nestor.Teka baka bading itong apo natin.Serena kung baga mahilig sa tubig."pagbibiro ni Anastacia habang nililinisan ang bagong silang na apo sa mismong falls na iyon.
"Si Ethan ang pinaglilihian ni Mayumi.Mahilig din sa tubig si Ethan diba mahal.?"kay saya din ni Nestor nasilayan ang unang apo nila.
"Kung buhay pa ang anak ni Kerra.Malamang 9 yrs old na iyon diba.?"malungkot na bulalas ni Ethan.
"Sabi ng OB noon mahina daw ang kapit nong baby.Kaya nalaglag agad daw Honey ko.Kaya di talaga siguro para sa akin iyong baby ko noon.At kung may anak ba ako liligawan mo ba ako noon sa Japan.?"seryosong ani ni Hilaya.
"Syempre aakuin ko pa ang anak mo Kerra.Para sa akin tanggap ko ang nakaraan mo.Kaya lang nakakaramdam ako ng insecurity sa pinsan ko.Childhood sweetheart kayo ni Reggie.Marami siyang alam sayo na di ko alam."honest na ani ni Ethan sa nararamdaman niya ngayon.
"Hayaan mo iopen ko lahat sayo ang kwento ng kabataan ko.Total 2 months yata tayo dito sa Cebu.Antayin pa natin maengage si Ellise diba.?Sayang din pamasahe.Kahit CEO ka na magtipid tayo dapat.Mahal ang gatas at diapers tapos tatlo pa ang anak natin agad Ethan."umandar pagiging kuripot ni Hilaya.
"Malaya baka may ex bf ka din na hindi ko alam."sabad naman ni Jerald sa usapan.
"Kami ni Mayumi wala dahil pokus kami sa pag aaral.Ayaw namin sayangin ang effort ni ate Hilaya Bhe.Ayan nahugasan ko na ang puday ni Mayumi."nakangiting sagot ni Malaya.
"Presko na ang puday ko.Inang pwede ba ako maligo bukas dito.?Balik ulit tayo bukas magdala na lang ako ng tabo.Kay presko talaga ng tubig dito."ok na agad si Mayumi mayamaya pa dumating na ang taga ambulance.Medyo kasi makitid ang daan doon kaya nilalakad na lang ng mga taga ambulance.
"Ok lang basta di ka magbubuhat ng mabigat pa anak.Ay kay bait ng apo natin Nestor buti na lang mana kay Carlo."tuwang tuwa si Anastacia karga ang apo nila.
Deretso na sila sa ospital healthy daw ang mag ina.Kaya pwede nang umuwi ng bahay sina Mayumi at baby Carl.
"Bhe tsaka na ako magbuntis pag nanganak na si ate Hilaya ha.I access ko pa kasi sila ni Mayumi.Marami pa silang kelangan matutuhan sa pag aalaga ng baby."hiningi ni Malaya lagi ang opinion ni Jerald.Para sa kanya ang mister ang padre de pamilya.Gaya ng Itang nila ito ang nagbabalanse ng bagay bagay.
"Its ok Im not rushing na magkababy tayo Malaya.Atat lang akong maging misis na kita."malambing na ani ni Jerald kay Malaya.
"Ay mas matipid na ikasal dito sa probinsya.Total Mayor na si Reggie pakasal na kaya kayong apat.?Tsaka na yong gusto ninyong kasal na bongga sa Manila mga anak.Andito din ang lahat ng kamag anak namin.Sa tingin ko mas ok na maikasal kayo dito."ideya ni Nestor para maging legal na ang pagsasama ng mga anak nila.
"Honey pakasal din tayo aba di ako pahuhuli noh.Gusto ko iharap kita sa munisipyo."sabay lambitin ni Hilaya kay Ethan.
"Ok sasabihin ko kina Daddy at Mommy."kay saya ni Ethan nagrequest si Hilaya na maikasal sa Cebu City mismo.Mas mapapatunayan na niya na siya ang mahal na ngayon ni Hilaya hindi na ang pinsan niyang si Reggie.
"Papuntahin din namin ni Jerald ang parents namin dito sa Cebu.Tiyak na matutuwa ang mga iyon sa ideya mo Itang."excited na ani ni Carlo.
"Sweetie ng lumabas si baby Carl nawala na ang inis ko sayo.Kaya lang bakit kamukha mo lang ang baby natin.?"sumimangot naman reklamo ni Mayumi habang pinapabreastfeed ang anak nila ni Carlo.
"Mas ok ang di singkit na mata.Para malinaw diba anak.Kay gwapo naman ni Carlo ah wag ka ng magreklamo pa Mayumi."biro ni Anastacia nasa bahay na sila ngayon.Naghahanda na sila ng hapunan.Payak man ang pamilya nina Anastacia at Nestor.Ang mahalaga sama sama na ngayon at masaya.Lage sila nagpapasalamat sa biyayang natatanggap nila araw araw.Kaya siguro maraming blessings dumating sa kanila ngayon.
Kinabukasan nagpunta silang lahat sa Hacienda.At sinabi ni Ethan ang balak nilang kasalan sa munisipyo.
"Kuya Ethan dapat mauna ang engagement ko.!"reklamo agad ni Ellise dapat bongga ang engagement niya.Para di siya pagtatawanan pa ng mga kaibigan nila.Una kasing inayawan siya ni Jerald tapos si Carlo.Swerte na niyang maengage siya kay Reggie Lopez ngayon.
"Di naman bongga ang handaan namin ah.Sa baryo lang namin gaganapin ang handaan.Para makatipid kami lahat."casual na ani ni Hilaya.
"Kerra tinitipid ka ba ni Ethan.?"kumunot ang noo sabad ni Reggie.
"Baliktad tinitipid ko ang asawa ko.Ako humahawak ng mga credit niya.Binibigyan ko lang siya ng pang gasolina at allowance.Gastador kamo si Ethan.Kung magshopping wagas bili doon bili dito.Reggie ikaw bananacue lang naman ang pinapakain mo noon sa akin diba.?Bakit ka nagtanong sa bagay na iyon.?"sarkastikong ani ni Hilaya.
"Wag mo na kasi pakialaman si ate namin.Ellise kasal namin to wala kami pakialam sa bongga mong engagement duh."malditang ani ni Mayumi.
"Suggest ko wag tayo kay Mayor Reggie magpakasal.Sa pare mismo ate Hilaya paka pekein niya marriage certificate ninyo ni kuya Ethan."inis din si Malaya sa ex bf ni Hilaya.
"Ganito na lang total matagal pa ang preparation ng engagement nila Reggie at Ellise diba.?Unahin na lang natin ang kasal nila."namagitan naman si Don Miguel sa nagkakainitan na mga apo nila.
"Basta po sa bakuran namin ang handaan.Ayoko po dito gaganapin dahil di naman mayaman angkan namin."giit ni Anastacia dahil kay Milgred Lopez.Ayaw na nga niyang umapak pa sana sa Hacienda na iyon.
"Papa dapat mauna ang engagement nina Reggie.Mayor ang anak ko baka pagtatawanan siya dahil naunang ikasal si Hilaya."giit din ni Milgred.
"Anong koneksyon ko sa pagiging Mayor ng anak mo Mrs.Lopez.?"kunot ang noong tanong ni Hilaya dito.
"Sana pala di na tayo pumunta dito mahal.Bakit ba nangingialam iyang Milgred na iyan.?Mayaman nga pero pasang awa naman ang grado noon.Sorry Cello sobra na kasi ang asawa mo.Kinokontra lage si Hilaya.Gusto ko noon si Reggie pero dahil sa mahadera mong asawa.Sobrang galit kami sa kanila ngayon.Si Ethan na ang manugang namin.Wala na kami pakialam kay Reggie."nagalit na talaga si Nestor dahil talagang di titigilan ni Milgred ang anak nilang si Hilaya.
"Manahimik ka na Milgred.Sobrang nahihiya na ako sa pamilya ni Hilaya.Ikaw din ang dahilan kung bakit namatay ang apo ko pala.Baka maimberna ako at layasan kita Milgred."banta na ni Cello sa misis niya kaya natahimik na lamang ito.
Samantalang inis na inis naman si Ellise.Mauna pang maikasal sina Jerald at Malaya.Parang dinurog ang puso niya maging fiancee niya ang tira tira ni Hilaya Tanaka mismo.Malas sila ni Jasmine ika nga.Di nila naangkin ang mismong mahal nila.