Ang Probinsyana ☆ Part 6

68 4 0
                                    

Idinaos talaga agad ang engagement party nina Elijah at Jasmine.Baka daw maisipan pang tumakas pa si Elijah Ricaforte.Dumalo si Hilaya na nakawheelchair at nakadextrose pa.Dahil medyo humina ang katawan niya.Kelangan niya lage may dextrose na nakakabit daw.
"Hilaya Tanaka bakit ganyan ka pumunta.?Are you insulting my engagement ha.?Inagaw mo na nga sa akin si Ethan.Tapos nang iinsulto ka pa."inis na salubong ni Jasmine kay Hilaya.
"Jasmine buntis siya at mahina imune system niya.Bakit mo ba inaaway ang manugang ko aber.?Lumugar ka sa tama ka Jasmine Morales.Baka di mo pa alam na kaya kong ilampaso kita ngayon.Sa dami ng bisita bakit si Hilaya pa talaga napapansin mo.?"bulyaw na ni Carmina kay Jasmine.
"T-tita kasi siya lang umattend ng engagement party na nakawheelchair at nakadextrose."giit ni Jasmine feeling kasi niya iniinsulto siya ni Hilaya ngayon.
"Honey uwi na tayo di ka dapat kasi lumabas ng bahay."nag alala ng husto si Ethan sa kalagayan ng gf niya.
"Ethan gusto ng mga babies mo kumain ng madami.Uuwi tayo agad kung mabusog na ako."ngumuso pa si Hilaya.
"Ganun ba kumain ka na agad.Buti naman kahit mahina katawan mo matakaw ka Honey ko."dali daling binigyan ni Ethan ng pagkain si Hilaya.Di biro pala magbuntis ng triplets.
"Jasmine matuto ka nang gumalang sa amin.Kami na ang mga magiging byenan mo sa ayaw at gusto mo.Hindi ka naman inaano ni Hilaya ah."pinagalitan ni Manuel ang spoiled brat na si Jasmine Morales.
"Balae hayaan mo pagsasabihan namin si Jasmine.Jasmine dapat iwelcome mo ang mga bisita natin.!"hinila na ni Mrs.Morales ang anak.Nakakahiya kasi ang asal nito sa mismong party nito.
"Next year sana kami ni Jerard din ang maengage."pagpaparinig ni Ellise sa pamilya niya.
"Ellise wag mo akong pahiyain maliwanag ba.?Kababae mong tao di ka dapat tumulad sa kaibigan mo.I think bad influence mga kaibigan mo tulad ni Jasmine Morales."sermon ni Manuel sa anak.
"Daddy nagagawa mo ngang asawahin si Tita Carmina ng walang consent namin diba.?Bakit ba gusto mong mangialam sa lovelife ko.?"pagmamaktol ni Ellise.
"Ok sana kung gusto ka ni Jerard Ellise.Pero sabi niya ayaw niya sayo dahil kasing ugali mo bff mo na si Jasmine.Wag mo ng ipilit sarili mo sa kaibigan ko.Di kita susuportahan sa bagay na iyon.!"seryosong ani ni Ethan sa half sister niya.
"Parang ako lang gusto ko makakita ng mayamang prince charming ngayon.Tulad ni cinderella kamo."bulalas ni Mayumi bigla.
"Ikaw poor cinderella ang datingan.Ako yong princess na ang prince charming si Jerard."mataray na ani ni Ellise.
"Pero si cinderella may happy ending.?Ei ikaw ang tanong gusto ka ba ng prince charming mo.?"tinapatan ni Mayumi ang kamalditahan ni Ellise Ricaforte.
"Mayumi Chua go go fighting sister.!"nagcheer pa si Hilaya sa kapatid.
"Speaking of prince charming here he come.My dala pa siyang flowers for me."taas noong ani ni Ellise.
"Baka yong kasama sa akin yong flowers."pang aasar pa ni Mayumi sa babae.
"Jerard thank you kay gandang flowers na ito."lumapit agad si Ellise kay Jerard ng biglang lampasan siya at ibigay kay Mayumi ang bulaklak na dala ni Jerard.
"Kuya Jerard gusto daw ni Mayumi yong flowers sa katabi mo.!"turo ni Malaya kay Carlo.
"H-ha type niya si Carlo.?Pero ikaw ang type ni Carlo Malaya."napakamot sa batok si Jerard paano kaya iyon.
"Flowers lang gusto ko naman.Palit kayo ng dala."biro pa ni Mayumi kala niya di seryoso sina Jerard at Carlo.
"Oh my god puso ko aatakehin bigla yata.Buti na lang bulaklak lang ang pinalit mo.Mayumi flowers for you pwede bang maging escort sayo ngayong gabi.?"tanong ni Jerard kay Mayumi.
"Naligaw kayo yata di po ito prom date.Teka baka iiyak si Ellise sige ka po."biglang layo ni Mayumi kay Jerard at dumikit sa ate niya.
"Mayumi kawawa naman sila.Tanggapin na lang natin bulaklak na bigay nila.Sayang ang ganda pa naman.Thank you po may ilalagay na kami sa kwarto ni ate Hilaya."si Malaya naman gusto lang yong bulaklak.
"Better next time if serious kayo dont give up.Like Ethan sa akin gumawa ng paraan.Except yong nirape niya ako.Ay di pala iyon rape tumirik ang mata ko sobra."tawang tawa biro ni Hilaya sa katabi na naibuga ang iniinom juice.
"Your so silly Honey."pinanggigilan ni Ethan si Hilaya.
Samantalang di lang si Jasmine ang brokenhearted pati si Ellise.Asado siya kanina si Mayumi Chua pala nililigawan ngayon ni Jerard.
"Dont worry Ellise guguluhin natin ang magkapatid na iyan.Papayag ba tayong maging luhaan at talunan na lang.?"di matanggap ni Jasmine na masaya na sina Ethan at Hilaya ngayon.Tapos siya yong nagdurusa naengage siya sa lalakeng ayaw niya.
"Never ako papayag na maging talunan.Tulad ng Mommy ko inagaw niya si Daddy noon kay Tita Carmina.Ganun din ang gagawin ko kay Jerard.Akin lang siya akin lang."naikuyom ni Ellise ang kamao she is like her mother.Kung may gugustuhin siya pipilitin niyang makuha.At isa na doon si Jerard na minahal niya noon pa.Nafailed man si Jasmine maangkin si Ethan.Pero full of confident siya na mapasangkanya si Jerard.Naniniwala si Ellise na ang mayaman para lang sa isang mayaman.Ang cinderella na story ay isang fantasy lang kung tutuusin.Ang realidad daw na para lang sa kanya si Jerard.
"Ate Hilaya kay kulit nitong katabi ko.Sarap paluin ng heels ei noh."naiirita na si Mayumi kay Jerard ayaw niyang awayin siya ni Ellise kaya binabasted na niya agad ito.
"Ikaw naman baka awayin ako ng parents mo.Ako pa naman yong tipong di naniniwala sa fantasy.Lubayan mo na din ako Manong.May kasabihan ang mayaman para lang sa mayaman."ismid din ni Malaya kay Carlo.
"No comment basta ako gusto ko ng mayaman na fafa."pagbibiro ni Hilaya para mawala ang inis ng dalawang kapatid niya.
"Ah basta binabasted na kita.Mahilig man ang sa fantasy.Ayoko awayin lagi sa mansion ni Ellise Ricaforte.Di namin iyon pamamahay para patulan ko siya.Siguro naintindihan mo sinasabi ko diba.?"seryoso na saad ni Mayumi.
"Di ko naman siya gf Mayumi.At wala siyang karapatan na umepal lage sa buhay ko.!"giit ni Jerard kay Mayumi.
"Sa kanya mo iyan sabihin.Araw araw kami nasa mansion.Buntis si ate kaya iniiwasan namin mastress siya.Kaya wag mo nang paguluhin ang sitwasyon.Yong mga babaeng tulad niya di mo mapipigilan pa."galit na si Mayumi kay Jerard.
"Tama si Mayumi tulad siya ng Ina niya.At di nila ako nirerespeto kaya di ko din mapipigilan si Elliese."sumabad na sa usapan si Carmina.
"Pero mapipigilan ko siya ako ang ama niya Carmina.Nakakahiya talaga ang babae na iyon.Pasensya na kayo kay Ellise.Kulang lang yata siya ng pansin kumbaga."hingi ng paumanhin ni Manuel sa mga kabataan na topic ang ugali ng anak niyang sobrang warfreak.
"Kahit na ayoko pa rin.Ayoko pang mag bf magpokus muna ako kay ate."alibi ni Mayumi ayaw lang niyang mastress ang ate nila sa ngayon.
"Lalo naman ako di ikaw ideal type ko."pero si Malaya ayaw niya talaga ng mayaman na tao.
"Sorry mga kapatid ko pag ayaw di na talaga mapipilit pa.Busog na ako uwi na tayo Honey ko."tinapos na ni Hilaya ang issue na ito.Kaya umuwi na agad sila.
Binalikan naman ni Ethan ang nadismayang mga kaibigan.Di pala madali na manligaw sa magkapatid na puno ng prinsipyo sa buhay.
"J-jerard sorry napahiya ka kanina.Sabi ni Mayumi ayaw daw niya sayo.Its ok andito naman ako Jerard.Laging nakaantabay lang na mapansin mo balang araw."lumapit si Ellise kay Jerard di niya inaasahan na ibalya siya nito.Masama ang pagkabagsak niya sa sahig.
"How dare you to hurt my sister.!"naghahamon agad ng gulo si Elijah.
"Pagsabihan mo iyang kapatid mo.Na magkaroon ng konting hiya sa sarili niya.Di niya ako pag aari tang ina ninyo.!"lasing na si Jerard at nagbasag ng baso.
"Dude babae lang si Ellise tama na pwede ba."awat ni Ethan sa kaibigan.
"Nirerespeto ko siya dahil kapatid mo nga siya dude.Pero ang umepal sa diskarte ko kay Mayumi ibang usapan na iyon."bulyaw ni Jerard kay Ethan.
"Ethan wag mo ng ipagtanggol ang Ellise na iyan.Tinulungan ka namin para makawala sa malanding si Jasmine diba.?Wag mong kakalimutan iyon dude.Di porket kapatid mo si Ellise ok lang kontrolin niya si Jerard pare."kampi si Carlo kay Jerard.
"Ellise tigilan mo na si Jerard di ka na talaga nakakatuwa.!"yon lang at hinila na ni Ethan ang mga kaibigan.Baka magkasakitan pa ang mga ito pareho ng lasing ang kaibigan niya.Dehado si Elijah sa mga macho gwapito na mga kaibigan ni Ethan na sanay sa basagan ng mukha.

Ang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now