Ang Probinsyana ☆ Part 19

34 4 0
                                    

Nagsumbong naman si Jasmine sa pamilya niya na pinapalayas daw siya sa mansion ng mga Ricaforte.At tinanggalan ng karapatan sa anak nitong si Ellie.Kaya galit na pinuntahan ng parents niya ang father mismo ni Elijah.
"Sumosobra na kayo sa anak namin.Lage na lang yong Hilaya na iyon kinakampihan ninyong mag asawa."galit na bulyaw agad ni Mrs.Morales kina Carmina.
"What are you talking about bakit binanggit ninyo ulit si Hilaya.?"kumunot ang noong tanong ni Carmina.
"Tita Carmina diba si Hilaya lang gusto ninyong manugang.At tinatrato ninyo ako sa mansion na parang basura."nag iinarte na saad ni Jasmine para magalit ng tuluyan ang parents niya.
"Di naman tama ang trato ninyo sa anak ko Rogelio Ricaforte.!Wag ninyong sabihin na mas lamang ang hampaslupa na Hilaya Tanaka na iyon sa anak namin.?"matapobreng ani ni Mr.Morales kay Hilaya.
"Tang ina mo Mr.Reyes iyang anak mo ang insecure sa manugang ko.Jasmine bakit lage mong ginugulo sina Hilaya at Ethan ha.?Ano bang sadya ninyo dito si Elijah or si Ethan.?"galit na din si Rogelio sa mga matapobre na ito.
"Hoy gagu ni minsan di nanghihingi sina Hilaya ng pangkain sa inyo mga Morales.Wag ninyo mainsulto ang pamilya ng bff ko.Di ko kayo papalampasin makikita ninyo ang hinahanap ninyo.Ano ba pinagpuputok ng butche ninyo at dinadamay ninyo pa si Hilaya.?"duro ni Carmina sa mga ito ayaw niyang insultuhin ng mga tao ang status ng buhay ng mismong bff niyang si Anastacia.
"Gusto lang namin na wag ninyong tratuhin si Jasmine na basura.Manugang din ninyo siya kung tutuusin diba.?"giit ni Mrs.Morales
"So ang problema ninyo si Elijah lang pala.?Tapos dinadamay ninyo si Hilaya.?Di iyon tama naman kinokonsenti ninyo iyang anak ninyo.Di ba niya sinabi sa inyo na tinawag niyang walang pakinabang ang anak kong si Elijah.?Tapos iginiit niya ang sarili niya kay Ethan.?Insecure lang si Jasmine kay Hilaya.Tapos dinadamay ninyo ang nanahimik na manugang namin.?Wag ninyo akong galitin baka sulsulan ko si Elijah na ilaban na lang costudy niya sa apo namin na si Ellie."maawtoridad na banta ni Rogelio sa mga ito.
"At isa pa pinalayas siya ni Don Ricaforte.Dapat siya ang harapin ninyo wag kami.Susulsulan ko din si Elijah na makipag annulled na lang sa anak ninyo.Ilalaban namin sa korte ang costudy ni Ellie.Try to provoke me di ninyo ako kilala mga tang ina ninyo.!"paghahamon na ni Carmina sa mga ito.
"A-ano Jasmine sinabi mo iyon.?Kaya pala nagalit ng husto si Don Ricaforte sayo.Ikaw na bata ka pinapahiya mo lang pala kami.Magsorry ka sa kanila parents sila ni Elijah.Di mo dapat sinabi iyon.!"biglang kabyo ni Mr.Morales napahiya sila bigla.
"Pero Darling di naman tama ang trato nila kay Jasmine diba.?They never acknowledge na manugang nila ang anak ko.Puro lang sila Hilaya Tanaka I wonder kung anong gayuma ginamit noon sa kanilang lahat."giit naman ni Mrs.Morales na dehado kuno ang anak nila.
"Gaga talaga di ba kayo titigil sa pagbanggit kay Hilaya.!Pwes di ko kayo uurungan tang ina ka.!"sinabunutan bigla ni Carmina si Mr.Morales.
"Wag mo akong sabihan na gaga punyeta ka.!"ganti naman ni Mrs.Morales.
"Enough or else tatawag ako ng pulis.Kakasuhan ko kayo ng tresspassing.Inuubos ninyo ang pasensya ko.Wala ng dahilan pa para magkaroon ng koneksyon sina Elijah at Jasmine.Kita na lang tayo sa korte ilalaban namin ang costudy ni Ellie."tinulak ni Rogelio si Mrs.Morales ng malakas.
"Magtigil na kasi kayo Jasmine sa palagay mo ba makakatulong sa problema mo ang annullment.Rogelio pasensya na sa abala.Pagsasabihan ko ang mag ina ko.Di na dapat aabot sa korte diba.?Kawawa naman si Ellie yon na lang isipin ninyo."biglang naging maamong tupa si Mr.Morales.
"Kung magpapadala ka sa kanila Rogelio.Lalayasan talaga kita gagu ka.Ang pamilya mo ang sobrang magulo.Nadadamay ang pamilya ni Anastacia.Para wala na tayong koneksyon lahat tayo na lang magfile ng annullment.Iniinsulto nila si Hilaya lage.Sa tingin mo ba palalampasin ko ito.?Gagamitin ko ang lahat ng koneksyon ko sa Cebu.Total di ka nila gusto maging manugang naman.Tiyak na magagalit sila pagkinanti ninyo ang pamilya ng kaibigan ko.!"baling ni Carmina sa mister.
"Jasmine para wala ng gulo tatanggalan kita ng karapatan sa anak at apo ko.!Humanda kayo mga Reyes pati pagsasama namin ni Carmina ginugulo ninyo.!Manang palabasin na ninyo ang mga bwisita na ito.Simula ngayon wag na ninyo papasukin sila agad agad sa bahay.!"gigil na pagtataboy ni Rogelio sa pamilya Morales.
Galit na sinisi ni Mr.Morales ang mag ina nila.Ginto na daw ang opportunity ni Jasmine kay Elijah naging bato pa.
"Jasmine dapat amuhin mo ulit ang matanda.Papayag ka bang ibasura ka na lang ng mga Ricaforte.?Wag kang boba tulad ng Ina mo.Di ninyo ba alam na mayaman ang angkan din ni Carmina sa Cebu.?At bff nga niya ang mother ni Hilaya.Malaki ang kapit ng pamilya ni Hilaya kay Carmina.Kaya ginusto ko na lang ipakasal si Jasmine kay Elijah.Dahil mas kontrolado natin si Don Ricaforte diba.?Mag isip kayong dalawa wag kayong tanga pareho.!"galit na bulyaw ni Mr.Morales sa mag ina niyang mga boba.
"Pero Daddy mahal ko si Ethan eversince alam mo iyon.!"naiyak na si Jasmine dahil mukhang pera lang ang mismong ama niya.
"Gaga ka talaga ayaw sayo si Ethan.At isa pa Jasmine nakakain ba ang pagmamahal na sinasabi mo.?Wag mong hintayin na magalit ako sayo.Gawin mo na ang pinag uutos ko maliwanag ba.?"maawtoridad na saad ni Mr.Morales.
"Anak wag mo ng galitin ang Daddy mo.Kalimutan mo na si Ethan magpokus ka ngayon kay Elijah.Kung maging mabuting asawa ka lang.Tiyak na may mamanahin ka din mula kay Don Ricaforte.Kasalanan mo pala ginalit mo ang matanda.Di tama na maging sincere ka lage sa kanila.Sino bang matutuwa na tawagin mo si Elijah na walang pakinabang.Anak si Elijah at Ellise ang malapit kay Don Ricaforte.Mas may pakinabang ang asawa mo kesa sa Ethan na iyon kamo."ganid sa kayaman din si Mrs.Morales tila binubugaw na niya ang nag iisang anak na babae.
Walang nagawa si Jasmine kundi ang magwala at umiiyak ng magdamag sa kwarto niya.Parents niya ay pera pera lang ang basehan sa tunay na kaligayahan.Kaya insecure siya kay Hilaya Tanaka.Dahil mahirap man ito nay pamilya itong masaya kahit salat sa karangyaan.Siya ay nakahiga na sa salapi pero ganid pa rin ang parents niya.Ang totoo di niya maramdaman niyang totoong mahal siya ng parents niya.Uhaw na uhaw siya sa tunay na pagmamahal kamo.
"Lolo may kasalanan din si kuya kay Jasmine.Kaya pabalikin mo na siya dito ha.Lolo frustration lang yata si Jasmine.At nabasa ko sa google na may postpatrum pa yong bagong panganak."isang gabe saad ni Ellise sa Don.
"Wala na akong pakialam sa inyo Rogelio kung pabalikin ninyo si Jasmine dito.At di na din ako aapak sa mansion na ito."kasalo din kasi si Carmina sa dinner na iyon.
"Tita dapat gumawa kayo ng paraan magkaayos sina kuya Elijah at Jasmine diba.?Kawawa naman kasi si Ellie pag broken family niya Daddy."giit ni Ellise.
"Kaya ako na lang ang lalayo.Ilalayo ko din si Ethan sa inyo.Ellise di ninyo ako kinikilalang Ina diba.?So pakialam ko ba sa pagsasama nila Elijah at Jasmine.!"malditang ani ni Carmina sa step daughter niya.
"You are so ridiculous Tita.Kasalanan din ninyo dahil favoritism kayo ng manugang."ani ni Ellise kay Carmina.
"Simula ngayon wag ninyo akong matawag na Tita.Di ko kayo kaano ano naman.Bakit ba ako nagtatyaga noon alagaan kayo.?Di ko akalain na paglaki ninyo di ninyo ako galangin.Rogelio tanggalin mo ang sa birthcerficate ng mga anak mo.Im not deserving na insultuhin nila ako lage ng ganito.Ellise lahat ng naibigay ko sa inyo ni Elijah dapat bayaran ninyo mula sa peso.Tama ang pamilya ko bakit magpakamartyr ako sa pamilya mo Rogelio Ricaforte.?Anak ako ng haciendero tapos kung tratuhin ang ng mga anak mo ngayon parang mutsatsa lang.At ikaw naman Don Ricaforte babawiin ko ang 30 percent shares namin sa company ng anak mo.Rogelio I will file a devorce.Dekada na ang nakalipas ng pagiging martyr ko.Kinalimutan ko na sana ang nangyari noon.Pero pinapaalala lage ng pamilya mo iyon.!"maawtoridad na sumbat ni Carmina sa mga ito.
"E-ellise magsorry ka sa Tita Carmina mo.Carmina pangako di ko na guguluhin pa sina Hilaya.Maawa ka sa anak ko di siya mabubuhay na wala ka."kabyo naman ni Don Ricaforte dahil takot siyang itakwil ng anak niya mismo bilang ama.
"Tita kung si Jasmine ang problema.Gagawin ko ang gusto mo.Narealize ko na mali ako na di ako naging mabuting anak sayo.Pangako maging filial son mo na ako.Hayaan mo din akong tawagin kita ng Mommy."napaiyak na yumakap si Elijah kay Carmina.
"Shhh..bakit ka ba umiiyak anak ko.Sige na tawagin mo na ako ng Mommy.Wag ka lang umiiyak pagtatawanan ka ng kuya Ethan mo."mamon ang puso ni Carmina kaya nalusaw ang sama ng loob niya sa pamilya ng mister niya.Para din kasi sa kanya anak na niya sina Ellise at Elijah kahit di ito nanggaling sa kanya.Bumuntonghininga si Rogelio nasalba siya ni Elijah ngayon.Di biro pag nagalit na ang misis niya.At di din siya gusto ng mga byenan niya.Kung may time dadalhin niya ang mag anak nila sa Cebu.Para makabonding niya ang mga byenan niya doon.

Ang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now