Ang Probinsyana ☆ Part 15

41 3 0
                                    

Samantalang isang gabe susubukan ng tadhana ang matatag na pagmamahalan nina Ethan at Hilaya.Pool party iyon ni Ellise syempre dumalo sina Ethan,Carlo at Jerald sa birthday party na iyon.
"Jerald buti nakarating ka.I thought di ka papayagan ng gf mo."tuwang tuwa si Ellise dahil nakarating si Jerald sa party niya.
"Will magpropose na ako soon.Kaya last ko nang attend sa party na ito.Open minded si Malaya kaya pinayagan niya akong pumunta."casual na ani ni Jerald kay Ellise.
"G-ganun ba.?"biglang inatake ng selos si Ellise di siya makakapayag na matuloy ang proposal ni Jerald kay Malaya.Kaya naman pagkakataon na niya itong pikutin ang kaibigan ng kuya Ethan niya.Ngayon gabe pipilitin niyang maangkin si Jerald sa santong paspasan.Lasing na silang lahat ng pasukin niya sa guess room si Jerald na natutulog na.Di na niya binuksan ang ilaw tuloy tuloy siya sa paghuhubad.Palalabasin ni Ellise may nangyari sa kanila ni Jerald.Yon ang strategy na payo kasi din ni Jasmine.Sigurado siyang magkagulo sina Jerald at Malaya.Bukas magbabago ang tadhana niya.
Kinabukasan nagitla si Carlo na katabi na niya si Ellise sa kama hubot hubad.Jerald insisted na umuwi kasi sa kanila kaya siya itong naiwan sa mansion kasama si Ethan.
"E-ellise what are you doing here.?"nanlaki ang mata ni Carlo kung may nangyari sa kanila ni Ellise.Tiyak na magagalit sa kanya si Mayumi ng husto.Sobrang selosa pa naman ito at isip bata pa.
"C-carlo what are you doing here.?Ang alam ko si Jerald ang katabi ko kagabe."nagitla naman si Ellise dahil si Carlo ang nabungaran niya ng ke aga aga.Palpak yata ang plano niyang sirain ang relasyon nila ni Jerald at Malaya.
"Sabihin mo Ellise walang nangyari sa atin.B-baka hiwalayan ako ni Mayumi."natataranta si Carlo dali dali siyang lumabas sa guest room na iyon.
"C-carlo anong ginagawa mo kasama si Ellise.?Dont tell me na pinatulan mo siya.?"nanginig ang boses ni Mayumi nagpunta sila doon para sunduin niya bf  niyang nalasing daw.
"M-mayumi sweetie ko magpapaliwanag ako.Please calm down ok."nataranta pa lalo si Carlo dahil nasa harapan na niya ang pinakamamahal ng gf niya.
"Nakahubad na iyang babae na iyan tapos magpapaliwanag ka pa.?Its ok sana patulan mo si Ellise.Pero sana di ka nangako ng kung anu ano sa akin Carlo.Kay lake ng tiwala ko sayo alam mo ba yon."impit na singhal ni Mayumi sa bf niya.
"H-hilaya di ko alam kung bakit nasa kwarto ko si Ellise.T-tulungan mo ako magpapaliwanag kay Mayumi please."lumuhod si Carlo kay Hilaya.
"Ay ewan Ethan Ricaforte bakit mo ba di pinigilan iyang malandi mong kapatid.?Sana Carlo umuwi ka kagabi gaya ng ginawa ni Jerald para umiwas sa malalandi dito sa mansion.Ethan baka nagpalandi ka din ka ni Jasmine kagabe.Kung ikaw ang nakita ko ngayon kasama si Jasmine.Papatayin talaga kita ura mismo.Carlo harapin mo muna iyang problema mo.Wag mo nang malapitan pa si Mayumi.Kasalanan mo nagpapadala ka sa tukso.Tayo na Mayumi total nandun ang triplets sa bahay natin.Ethan di kami uuwi ng condo tse.!"galit na ani ni Hilaya at inalalayan na ang kapatid niya palabas ng mansion na iyon.
"E-ethan maniwala ka pare walang nangyari sa amin ni Ellise.At isa pa siya ang pumasok sa kwarto ko.!"luhaan si Carlo nagpapaliwanag.
"Carlo nasa pamamahay kita kaya panagutan mo ang ginawa sa apo ko."maawtoridad na saad ni Don Ricaforte.
"L-lolo no need na panagutan ako ni Carlo.Its not a big deal."alibi ni Ellise yong plano niya pasakitan si Malaya nagbackfired ngayon sa kanya.
"Ellise apo ayoko ng kahihiyan.Kaya kakausapin ko ang parents ni Carlo.Dapat maengage kayong dalawa.!"deklara ni Don Ricaforte.
"Ellise talaga bang di ka titigil sa panggugulo sa amin.?Di mo lang sinira ang relasyon nina Carlo at Mayumi.Pati ako nadadamay galit sa akin si Kerra ngayon."naguguluhan si Ethan di niya alam kung sino uunahin niya.Si Hilaya ba or ang problema ng kaibigan niyang si Carlo.
"Don Ricaforte over my dead body di ko makakasalan ang apo ninyo.Siya ang pumasok sa guest room.Kahit pa may nangyari sa amin or wala.Di ninyo akong mapipilit sa bagay na iyon.Ethan sana di na lang ako pumunta sa litseng birthday party na ito.Sinira ng kapatid mo ang relasyon namin ni Mayumi.At ikaw Ellise Ricaforte pag di kami nagkaayos ni Mayumi.Talagang babalikan at pagbabayaran mo ang ginawa mo ngayon."banta ni Carlo at galit na umalis sa mansion na iyon.
"Tang ina ka Ellise sobra ka ng KSP."sinampal ni Ethan si Ellise sa sobrang galit niya.
"Dahil ba galit si Hilaya sayo nanakitan ka kuya ha.?Lasing ako kaya di ko alam ang nangyari din kagabe."pinanindigan na din ni Ellise ang ginawa niya.Di naman pwedeng sabihin niya sa lahat plano niya iyon for Jerald sana.
"Ethan sa pagkakataon ito pumanig ka sa pamilya mo.Puro ka na lang Hilaya tulad ka ng ama mo.Priority niya si Carmina kesa sa pamilyang ito."galit na ani ni Don Ricaforte.
"Ang babaeng ayaw mo lolo ay Ina ko mismo.Ang mag ina ko ang buhay ko sa ngayon.Kaya uunahin ko talaga si Kerra.Si Ellise pagalitan mo wag kang mandamay ng iba.!"galit na umalis din si Ethan sa mansion.
Samantalang umiiyak si Mayumi buong araw.
"Hay naku Mayumi itagay na lang natin iyan.Wala kang mapapala kung iiyak ka buong araw."payo na ani ni Hilaya.
"Tama punta tayo sa bar mo ate.Hahanap din ako ng bagong fafa.Kung nagawang lumandi si Carlo.Magagawa ko din iyon diba.?"hikbing ani ni Mayumi.
"Mayumi wag mong palalain ang sitwasyon.Pag usapan mo ni Carlo ng maayos ang problema ninyo."matured kasi mag isip si Malaya.
"Sinasabi mo lang iyan kasi di si Jerald ang nakikita mong kasama ni Ellise sa iisang kama.Nakikita ko si Carlo sa mansion kasama ni Ellise hubot hubad.Kaya you dont know kung gaano kasakit iyon ate Malaya.!"hagulgol ulit ni Mayumi.
"Malaya wag ka na lang kasi kumontra.Kung si Ethan iyon mapapatay ko talaga.Sa amin ka pumanig wag sa mga lalake na iyon.Wag mo na din kontakin si Jerald.Di din ako uuwi ng condo namin."dinamayan ni Hilaya ang nasasaktan kapatid.
"S-sige na nga hay buhay pareho kayo isip bata."napakamot na lamang si Malaya sa batok.
Kay sexy ng tatlo pumunta sa bar mismo.Andun din pala ang tatlong magkakaibigan nag iinuman.
"Ethan Ricaforte umalis ka sa bar ko.Doon kayo sa ibang bar magtambay."pagtataboy agad ni Hilaya kay Ethan.
"Mrs.Ricaforte nagbabayad naman kami ng inumin.Hayaan mo doblehin namin ang bayad."masaya si Ethan nakita niya muli ang asawa.Dahil dinedma siya nito ilang araw na.Di na siya inuwian ng mag ina niya.
"Whatever girls wag na lang natin sila pansinin.Lets enjoy this night."nasa kabilang table lang sila naman.
"Namamaga ang mukha ni Mayumi.Sure ako umiiyak siya ng husto.Pinagalitan ako ni Mommy bakit ko daw pinaiyak si Mayumi.Buti na lang naniniwala si Daddy sa akin.Sorry Ethan di ko susundin ang lolo mo.Di na din ako pupunta sa mansion ninyo."nagsisi si Carlo kung bakit umattend siya sa party ni Ellise.Ngayon nagkaproblema tuloy sila ni Mayumi.
"Kapatid ko man si Ellise pero di ko siya kinokonsente.Carlo gawin mo ang gusto mong gawin.Nahihiya nga ako sayo ei nasira pa kayo ni Mayumi dahil sa malamdi kong kapatid."malungkot na pahayag ni Ethan.
"Buti pa ang Bhe ko walang problema.Sabay lang daw siya sa agos ng buhay.Cool off daw muna kami dahil dadamayan niya si Mayumi.Cool off kami pero may I love you sa dulo ng text niya."nasa ibang mundo naman ang isip ni Jerald.Natatawa siya kay Malaya sobrang cute.
"Wala kang pakinabang nasa ibang dimension ka pare.Feeling ko ikaw sana ang papasukin ni Ellise nong gabe na iyon.Ang masaklap ako inakala niya.Sana di na lang ako pumunta sa party na iyon.Kasalanan mo ito Ethan.Dahil sa kapatid mo makikipagbreak sa akin tuloy si Mayumi."umiiyak na saad ni Carlo.
"Dinamay na nga ako ni Kerra pare.Di umuuwi ang mag ina ko sa condo namin.Sina Mommy at Mama nasa vacation pa.Ayoko din istorbuhin ang bakasyon nila."pati si Ethan problemado ngayon.Wala ang parents nila di siya matutulungan nito.
"Mga pare sabi ni Malaya palipasin lang muna natin ang galit nina Hilaya at Mayumi.Tutulong daw siya para magkaayos kayo.Syempre ako tutulong sa abot ng makakaya ko."bumuntonghininga si Jerald buti na lang di siya ang nagkaproblema kay Malaya ngayon.
Malungkot na lang binabantayan nila ang tatlo magdamag sa bar.Ok lang mag enjoy ang mga ito dahil pag aari ito nina Ethan at Hilaya na bar.Babantayan nila kung may aaligid na mga lalake sa tatlong mahal nila.

Ang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now