Panahon na para harapin niya ang tinakasan niya sa Pinas ng maraming taon.Ang nakaraan nila ni Reggie.Ngayon matapang na siya dahil kasama na niya si Ethan mismo.
"Hilaya di mo sinama ang mga kapatid mo pala.?Namiss ko din sila sobra."magiliw na salubong ni Don Miguel kay Hilaya.
"Ah check up ni Mayumi po kasi lolo.At gusto nila maglakwatsa sa magandang tanawin dito sa Cebu.Dinala nga nila Inang ang triplets ei."magalang na sagot ni Hilaya sa matanda.
"Hilaya dapat dito ka na sa mansion nagstay.Dati naman lage ka dito diba.?Ngayon manugang ka na ni Carmina.May karapatan ka na sa Hacienda."biglang bumait si Milgred.
"Aling Milgred dapat pagtuunan nyo po ng pansin magiging fiancee ng anak ninyo.Siguro siya ang type mo maging manugang diba.?Asawa man ako ni Ethan wala kang pakialam sa akin."sarkastikong ani ni Hilaya sa mother ni Reggie.
"Wala ka pa talagang pagbabago Hilaya.Magaspang talaga pag uugali mo."inis na ani ni Milgred.
"Mommy dahil magaspang ang pakikitungo ninyo kay Kerra.Binabalanse lang niya ang ugali niya kamo."pagtatanggol ni Regina sa bff niya.
"Milgred tama si Hilaya pagtuunan mo ng pansin si Ellise.Sino ba sa kanila si Ellise.?"interesado naman si Mr.Lopez sa mamanugangin niya.Gusto sana niya si Hilaya pero talagang kontra ang misis niya.
"Ako po anong ibig ninyong sabihin.?"maang na tanong ni Ellise.
"Sumama ako apo dahil irereto ka namin sa pamangkin ng Tita Carmina mo.Siya ba si Reggie iho halika dito.Kilalanin mo si Ellise iho."masayang ani ni Don Ricaforte sa wakas may malaking isda na siyang nabingwit.
"Tita Daddy di ninyo ako sinabihan sa bagay na ito.?Wala na ba akong freedom ha.?"galit na ani ni Ellise.
"Girl gwapo at mayaman naman si Reggie.Sunggaban mo na para di ka na pagtawanan ng mga friends natin."sulsol ni Jasmine sa kaibigan niya.
"Behave yourself Ellise.Para di mo na guluhin sina Jerald at Malaya.I declare na maengage ka ni Reggie."deklara ni Rogelio sa anak.
"So kuya Ethan lang talaga ang may freedom sa buhay niya diba.?Kami ni kuya Elijah parang mga puppet nyo na lamang."napaiyak na sumbat ni Ellise.
"Ang OA swerte ka nga dahil Mayor na ang kambal ko.Para naman dyosa kung mag inarte wagas tse."bulalas ni Regina ngayon pa lang di niya gusto si Ellise Ricaforte.
"Regina anong behavior ba iyan.?"saway ni Milgred sa anak.
"Mommy noon nga kontra ka kay Hilaya diba.Wala ba akong karapatan magbigay ng opinion sa irereto ninyo sa kambal ko.?Puppet mo din si Reggie diba.?Bagay sila ni Ellise kamo."di bati sina Regina at ang Ina dahil pakialamera ito sa lovelife nilang magkapatid.
"You mean na ex gf ni Reggie si Hilaya.?What a small world pala.Will papayag na akong maengage sa kanya."nahamon si Ellise sa nakaraan ni Hilaya.
"Nagtaka ka pa ganyan ang malandi girl."pang iinsulto ni Jasmine kay Hilaya harap harapan.
"Wag mong matawag si Kerra ng malandi.Back then tanging ako lamang ang bf niya.Kung binabase ninyo sa pagtatrabaho niya sa Japan.Oo performer siya sa bar pero kumakanta lang siya doon.I know dahil kaibigan ko ang may ari ng bar na iyon.Maraming raket si Hilaya pero di siya Japayuki doon tulad ng sinasabi ng mga tao.!"matalim ang mga tingin na pinukol ni Reggie kay Jasmine.
"So di ka pa nakamove kay Hilaya.?Tapos pumayag ka maengage sa akin.?"nainsulto tuloy si Ellise na wala sa oras.
"Hawak ako sa leeg ni Mommy.Kaya bilang anak niya gagawin ko ang gusto niya.Pero Im sorry para kay Kerra lang ang puso ko."deretsahang ani ni Reggie sa harapan ng lahat.
"Ethan buti hindi ka Mama's gaya ni Reggie.Tikman mo ito kay sarap nito sobra.Ito ang paborito ni Lolo."walang pakialam si Hilaya sa sinasabi ni Reggie.Sinusubuan pa niya si Ethan kanina pa.
"Mag usap lang kayo basta kami ni Kerra kakain lolo."napag usapan na nila Ethan at Hilaya na dedmahin si Reggie kung magpapahaging.Sinabi kasi ni Hilaya showy masyado si Reggie.Puro lang ito sa salita kulang sa gawa.
"Tama nakaraan na iyan.Di na kelangan pang ungkatin pa.Ang alam ko kasi baby pa si Hilaya engage na sila ni Ethan.Authentic ang pirmahan namin ng yumaong lolo din ni Hilaya.Buntis pa si Anastasia atat na si Ethan lumabas si Hilaya kasi.Unang salita ni Ethan Kerra.Kaya Hilaya Kerra ang pinangalan ni Anastacia kay Hilaya.Ex bf man ni Reggie si Hilaya pero ang totoo naunang maengage si Ethan sa kanya."isang sekreto ang binunyag ni Don Miguel sa kanilang lahat.
"Honey ko destiny pala talaga tayo."masaya si Ethan sa nalaman.
"Gagawin din namin ni Anastacia ang lahat maging asawa mo lang si Hilaya anak.Milgred wag mong sinasabing na naghahabol si Hilaya sa anak mo.Dahil si Hilaya fetus pa lang para na sa anak ko."malditang saad ni Carmina kay Milgred.
"Sana pala Kerra di ko tinalikuran ang baby natin.Sana tayo ang nagkatuluyan ngayon."impit na napaiyak na talaga si Reggie puno ng pagsisi ang puso niya.
"A-anong sabi mo may anak kayo ni Hilaya.?Saan na ang apo ko Hilaya.?"gimbal na tanong ni Cellio.
"Sinabi ni Reggie noon na pwede ko ipalaglag ang sinasabi nyong apo.Ayon ginawa ko yon ang pinagsisihan ko sa buong buhay ko.Aling Milgred masaya ka na ba di kami nagkatuluyan ni Reggie.?"may panunumbat ang mga mata ni Hilaya pinukol niya sa mother ni Reggie na sobrang pakialamera.
"W-wala akong kasalanan sa bagay na iyon Hilaya.Kagustuhan mo iyon diba.?"hugas kamay ni Milgred.
"Binayaran mo nga ako sana para layuan ko si Reggie diba Mrs.Lopez.Pero di ko tinanggap kaya lang binantaan mo akong idadamay mo pati ang pamilya ko.Takot at pangungulila ang nararanasan ko sa bansang Japan.Ang kasalanan ko lang naman ang mahalin ang anak ninyo noon.Matanong ko kayo masama bang magmahal lang ako.?"bulyaw na sumbat ni Hilaya kay Milgred.
"D-di totoo iyang sinasabi ni Hilaya mahal.Bitter lang siguro siya dahil kontra ako sa relasyon nila noon.Nag aaral pa si Reggie nilalandi ni Hilaya noon kasi."palusot ni Milgred para di magalit ang asawa niya sa kanya.
"Sinabi ng di malandi si Kerra.Ako ang nanliligaw sa kanya noon.Matagal nga niya ako sinagot tapos sasabihin mo Mommy malandi siya.?Sawang sawa na talaga ako sa ugali mo.Bakit ninyo pa ako sinalba nong maglaslas ako ng pulso.Pangako ninyo sa akin Mommy di na ninyo insultuhin si Kerra diba.?"nagbasag nang baso na si Reggie.
"Nababaliw ka na talaga anak.Speaking of suicidal alam mo ba Hilaya na kamuntikan ng mamatay si Reggie dahil sayo.?"nakahanap ng maisusumbat si Milgred kay Hilaya.
"Sana siya na lang namatay hindi ang anak ko.Wala akong pakialam mamatay man ang anak ninyo.!"matapang na bulyaw ni Hilaya sa bruha.
"Enough na Honey ko ngayon misis na kita.Wala ng makapanakit sayo.Kahapon ka pa umiiyak dahil sa lalake na iyan.Sayang ang luha mo Kerra.Susunod na lang tayo sa kanila na nagsasaya ngayon.Engagement nila dapat pag usapan.Hindi ang walang kwentang nakaraan ninyo ng Reggie na iyan.Mayor lang siya Kerra ako CEO na sa isang company.Mas swerte ka sa akin diba.?At mas gwapo naman ako sa pinsan ko right.?"pinapatawa ni Ethan si Hilaya ngayon.
"Agree busog ka na ba.?Kaya tayo na tama ka sayang luha ko.Tapos namaga pa itong mukha ko sa kakaiyak.Wala naman akong dapat iiyak.Dahil sobrang swerte ko sayo Hon."hinalikan ni Hilaya sa harapan ng lahat si Ethan.Kita niyang nagwalk out agad si Reggie.Kahit mahal pa siya nito until now.Wala na siyang pakialam.Ang alam niya na si Ethan na ang mahal niya.At isa pa 10 years ago na iyon.Nakamove on na siya sa break up na iyon.Nilalabas na lang niya ang bigat sa puso niya.Dahil namatayan ng siya ng baby dahil sa mga taong di desrving niyang mahalin.
Nilisan nina Ethan at Hilaya ang Hacienda.Kahit nagsasagutan pa ang mga tao doon.Nag aaway sina Cello at Milgred.Dahil di pa rin tanggap ni Milgred na mali nga ito.Iginiit nitong tama lang desisyon nitong kumontra kina Reggie at Hilaya noon.